HIS ONE WEEK WIFE
CHAPTER 18
THIRD PERSON'S P.O.V
UMALIS si Dmitri pagkatapos nang sagutan nila ni Veronica. Litong-lito siya nangyayare. Gusto niya bumalik sa bahay at humingi ng patawad sa mga na sabi niya sa asawa. Pero hindi niya alam kung paano lalo na't napagbuhatan na naman niya ito ng kamay.
Kahit hindi niya alam ang pinagmulan na away. Hindi tamang saktan nito si Lorraine sa kahit na ano pang dahilan.
Bumaba siya sa sinasakyang kotse at pumasok papunta sa loob ng hospital. Masyadong napuruhan si Lorraine sa ginawa ni Veronica dito.
Naka-benda ang leeg nito at nagkapasa-pasa ang katawan dahil sa pagkakaladkad nito sa babae, samahan na din ang sugat nito na malaki sa ilong ni Lorraine.
Kaya hindi niya maiwasang magalit sa asawa dahil sa sinapit nito. Hindi niya akalain na kaya nito makapanakit dahil sa pagmamahal nito sa kanya.
Kumatok siya nang dalawang beses bago binuksan ang pinto. Naabutan niya itong nagbabasa habang naka-90 degree ang higaan nito.
Tinignan siya nito at ngumiti na agad naman niya sinuklian.
"Dmitri."
Lumapit siya dito at umupo. Hinawakan nito ang kamay niya na nakapatong sa gilid ng kama nito. Hinayaan na lamang niya ang babae.
"Sorry sa ginawa ng asawa ko."
Agad nawala ang pagkakangiti nito at tumingin sa kanya ng masama.
"Hindi mo siya asawa, Dmitri. Asawa mo siya because of deal."
Bumakas sa mukha niya ang pagtataka. Wala siya ni minsan na sinabi dito tungkol sa deal nila ni Veronica.
"How did you know about that?"
Binitawan nito ang kamay niya at tumingin sa malayo.
"You said that to me when you were drunk."
Naalala naman niya ang araw na 'yon. Naglasing siya noon dahil hindi niya alam kung paano sasabihin kay veronica na siya mismo ang dahilan kung bakit umuwi na si Lorraine. Dahil siya mismo ang humanap dito.
"Okay. But still I just want to say sorry about what her did to you."
Tumingin ito sa kanya.
"You do not need to ask for her forgiveness, Dmitri. Hindi mo 'yon kasalanan. Idedemanda ko siya sa ginawa niya sa akin."
Naiintindihan niya ang galit nito. Pero hindi kakayanin ng konsensya niya na makulong ang asawa dahil lang sa hindi niya alam ang pinamulan ng gulong ito.
"But she's my wife, Lorr."
"Hindi na ngayon, Dmitri."
"What do you mean?"
"Because the deal is over."
Dahil sa sinabi ni Lorraine tumakbo siya palabas, naririnig niyang tinatawag siya nito pero hindi na niya magawa pang lingunin ito. Kailangan niya maka-uwi ng bahay bago pa tuluyan makaalis si veronica. Ito na ang ika-pitong araw. Kung saan araw ng pagtatapos ng deal nilang dalawa.
Bakit hindi niya naisip agad ang tungkol sa pagtatapos ng deal nila? Masyado siyang nadala nang nangyare.
Pinagtitinginan siya ng mga nakakasulubong niya pero wala siyang pakialam, ang importante kailangan niya agad maka-uwi.
Marami pa siyang hindi nalilinaw kay veronica. Yung tungkol sa deal, kung ano na ba ang status nila. Yung gabing may nangyari sa kanila. At higit sa lahat yung tungkol kay Lorraine. Marami! Sobrang dami niyang gustong ilinaw sa asawa.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)
RomanceMinsan na din pinangarap ni Veronica na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya. Akala niya ay magiging masaya ang pagsasama nila. Ngunit nabigo siya. Dahil kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapalitan ang babaeng mahal na mahal nito. All...
