His One Week Wife
Chapter 32"WHAT the hell?!"
"Forgive me, Miss CEO. But the Weinstein company pay higher to rid your billboard and unpublish your magazine."
Inis na umupo ako sa upuan ko. Akala ko payapa na ang isang linggo ko dahil hindi nagpapakita o nagpaparamdam ang bwisit na Dmitri na 'yon tapos malalaman ko na pinatanggal niya ang billboard ko at pina-unpublish na niya ang mga incoming magazine ko. At balitang nagbayad ng Isang daang milyon na dolyar kapalit ng pagpapatanggal ng mga picture ko. Tangina!
Hindi ko talaga alam kung ano ang gusto niya mangyari. Ang sabi niya nung nakaraang araw, ayaw daw niya ang pictorial ko pero mukha hindi iyon ang dahilan. Dahil sa pictorial ko at sa magazine at billboard tumaas ang sales ng New brand ng Black empire at talagang mas lalo tumaas ang porsyento ng kumpanya. Isang linggo pa lang matapos ang launched ng product pero na out-of-stock na siya worldwide.
Sobrang daming good news ang pumasok sa buhay ko simula ng ma-launched ang product at ganoon din sa mga ka-board member ko. Pero heto at sasalubong ang isang malupit ng bad news na kagagawan ni Dmitri. Ang galing talaga mag-tiyempo ng gagong 'yon!
Tumayo ako at agad lumabas ng opisina. Susundan sana ako ng secretary ko pero pinigilan ko ito at sinabing babalik din ako kaagad. Hinayaan ko lang sumunod ang body guard ko at ito ang nagmaneho patungo sa Weinstein company.
Pagkalapag ko pa lang sa tapat ng kumpanya. Madami agad na napatingin sa akin, mapa-empleyado ng kumpanya at yung mga napapadaan. Tinuturo nila ang gawi ko at binubulong sa kasama nila. Siguro nga kalat na ang balitang pagpapatanggal ng Weinstein Company sa billboard at magazine ko. Hindi na ako nanood ng balita dahil ayoko ma-badtrip lalo.
Taas-noo ako na naglakad patungo sa entrance ng company akmang haharangan ako ng guard pero agad siyang natalima ng makilala niya kung sino ako.
Pagpasok pa lang sa loob, hindi maipagkakaila na ito nga ang kumpanya na nangunguna sa buong mundo. Mula sa kintab ng tiles at disenyo sa loob napaka-perfect. Ibang-iba ang nasa pilipinas. Iba't ibang uri ng tao ay nandito. Mapa-puti o itim man. May arabo at intsik. Iilan lang ang mga nakakasalubong kong pinoy.
Lahat ng makakasalubong ko ay napapatingin sa akin. Yung iba ay nagpapapicture pa at nagpapa-autograph. Mabilis ako na sumakay sa elevator patungo sa opisina ni Dmitri. Pagdating ko sa palapag ay tahimik ang buong paligid pero matatanaw mo agad ang table ng secretary ni Dmitri na hindi naman kalayuan sa elevator.
Napatayo ito at gulat na gulat napatingin sa akin. Nanginginig pa nga ito at hindi malaman ang gagawin nang makita niya ako. Agad ako na ngumiti sa kaniya at naglalakad papunta sa pwesto nito.
"Can I see your boss?"
Tumingin siya sa likod ko kung nasaan nandoon din ang body guard ko.
"S-sure, Ma'am. This way."
"Thank you."
Itinuro niya ang daan at pagliko lang namin ay nandoon na agad ang napakalaking kulay itim na glass door. Akmang bubuksan niya ang pinto pero inawat ko siya at sinabing ako na ang magbubukas.
Tumango ito at nagpaalam na babalik na sa pwesto niya. Naiwan naman sa labas ang body guard at tumayo lang sa gilid.
Hindi na ako nag-abala pa na kumatok at pumasok na lang ako agad. Sinara ko ang pinto bago humarap.
Nadatnan ko siyang nakatayo sa tapat ng napakalaki niyang bintana. Naka-long sleeve lang ito habang nakasabit naman sa backrest ang coat nito.
"How many times should I tell that knock first, before you enter?" Baritonong wika nito. Pero dinedma ko ito at hindi nagsalita.

BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)
RomanceMinsan na din pinangarap ni Veronica na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya. Akala niya ay magiging masaya ang pagsasama nila. Ngunit nabigo siya. Dahil kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapalitan ang babaeng mahal na mahal nito. All...