Chapter 13:
Day 5NAGISING ako sa isang malakas ng yugyog ni Daphne. Pilit ko hinahampas yung kamay niya palayo para tigilan niya ang pag-alog sa natutulog ko pang diwa.
"Hoy! Gumising ka nga!"
"BAKIT BA?!"
Binato ko yung unan ko sa kanya pero naka-ilag ata siya at heto mas lalo ako niyugyog.
Akala ko ba papasok 'to sa trabaho?!
"Kung hindi ka pa gigising d'yan, pasasabugin ng asawa mo 'tong apartment! Kaya bangon na!!" sinigaw niya sa may tenga ko na mas lalong ikinairita ko.
"Punyeta naman!" inis na bumangon ako.
Paano naman malalaman ni Dmitri na nandito ako? E, hindi ko naman sinabi kung nasaan ako. Imposible din na malaman niya kung saan nakatira sina Daphne at Myra, dahil wala naman ako sinasabi sa kanya.
"TIGILAN MO NGA AKO!" inis na wika ko matching nakapikit pa ako at humihikab. Anong oras na din kasi ako nakatulog kagabi, samahan mo pa ng sakit ng ulo ko dahil naka-ilang bote din ako ng alak kagabi.
Bigla akong hinila ni Daphne mula sa kama, magrereklamo sana ko pero dire-diretso niya ako hinila pa ibaba.
"Kailangan mo na umuwi. Pasasabugin na yung apartment namin ng asawa mo." hindi ko inintindi si Daphne. Natataranta siya na hindi maintindihan habang tulak-tulak ako sa hagdan pa ibaba. Naka-pajama pa ako at gulo-gulo pa yung buhok ko mula sa pagkakatulog tapos may uhog pa ata ako.
Sinakyan ko na lang lahat ng mga pinagagawa sa akin ni Daphne ngayon. Tutal wala naman din si Myra. Minsan kapag inaatake ng kaabnormalan si Daphne, kailangan mo na lang sakyan dahil baka isa kang mababaliw sa mga pinaggagawa niya.
Tulad ngayon, hila-hila niya ako papuntang main door habang ako naman kinukusot yung mata ko para mawala yung muta ko.
Pagkabukas niya ng pinto agad niya ako iniwan sa labas at sinara yung pinto.
"Daphne, ano ba?! Papasukin mo nga ako!" pinihit ko yung doorknob pero naka-lock. Kinalampag ko yung pinto.
"Hoy! Ano ba ang trip mo?! Naka-droga ka ba?! Papasukin mo ako!!" ngayon ko lang napansin na wala pala akong suot ng tsinelas.
"Tangina naman, Daphne!!"
"Ehem."
Napahinto ako sa pagkatok ng pinto na maramdaman kong may tao sa likod ko.
"Good morning, my wife."
Dahan-dahan akong humarap.
Totoo ba 'tong nakikita ko?
"D-dmitri?"
Teka? Anong ginagawa niya dito?
Paano niya nalaman na nandito ako?
"54143."
"Ha?"
"Umuwi kana, I miss you."
Para naman akong naging istatwa ng lumapit siya sa akin at yakapin ako nang mahigpit. Napansin ko din ang daming private bodyguard na nasa likuran niya, mga naka-shades ito at may nakasuksok sa tagiliran nito ang mga baril.
"Malaki." bulong niya sa tenga ko. Hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya.
"Ha?"
"Malusog."
Kumalas siya nang pagkakayakap at bumaba ang tingin niya sa boobs ko!
Nagulat siya ng masampal ko siya pati ako nagulat din ako nang masampal ko siya.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)
RomantizmMinsan na din pinangarap ni Veronica na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya. Akala niya ay magiging masaya ang pagsasama nila. Ngunit nabigo siya. Dahil kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapalitan ang babaeng mahal na mahal nito. All...