HOWW-11

4.5K 118 1
                                        

Chapter 11:
Day 4


NAPABALIKWAS ako nang bangon ng mapagtanto ko na hindi ito ang kwarto na kinaroroonan ko.

"Good morning." agad ko tinignan ang pinaggalingan ng boses.

"Bakit ako nandito?" naguguluhang tanong ko.

Inilapag naman niya ang lamesa na maliit at ipinatong sa kama na kinalalagyan ko.

"Kasi kwarto NATIN 'to." ngumiti siya.

"Dmitri, hindi ko naman kailangan matulog dito. Mas okay na ako sa guest room."

"Eat your breakfast, first."

Umupo siya sa single seater chair at nagbasa ng dyaryo. Hayst! Kahit kelan hindi pa rin nawawala ang pagiging bossy ni Dmitri.

Tinignan ko naman ang niluto niya. Hayst! Kahit gusto ko mag-diet ngayon, hindi ko magawa. Amoy palang ng pagkain na iniluto niya talagang matatakam ka.

Traydor kayo sa diet goal ko.

"Prepare yourself. Aalis tayo." nasa kalagitnaan ako nang pagkain ng magsalita siya at itinupi ang dyaryo.

Saan naman kaya kami pupunta?

"Sa---"

"No more questions. Just do what I said." sabi niya at naglakad na papuntang pinto pero bago siya lumabas ay nilingon niya ako.

"Do not wear sexy clothes. Or else, I'll rape you."

Naiwan akong nakatanga nang tuluyan na siyang makalabas. Naramdaman ko pa na nahulog yung bacon na sinubo ko.

Ang lakas din ng mood swing ni Dmitri.

Pagkatapos ko kumain ay agad akong kumilos at nagsuot ng mahinhin na damit tulad ng sinabi ni Dmitri.

I wear, white ripped jeans and plain black matted croptop with black ankle strap thin heeled sandals.

Ibinagsak ko lang yung big curl hair ko at pulbo at liptint lang then gora na!

Nasaan kaya si Dmitri? Mula ng lumabas siya hindi na siya pumasok sa kwarto para maligo. Nung binuksan ko yung closet niya wala namang bakas na kumuha siya ng damit.

Pumunta ako sa kusina kung nandoon siya at kumakain pero wala.

Speaking of kumain .

Hindi pa ata siya kumakain. Hayst.

Lumabas ako ng kusina at dumiretso sa likod ng bahay pero wala din.

Nasaan kaya siya?

Sabi niya aalis kami. Pero mukhang kailangan ko pa ata makipag hide and seek sa kanya.

"Dmitri? Nasaan ka?"

May narinig naman akong tunog ng plastic na nanggaling sa kusina.

Ano kayang pakulo 'to?

Agad akong pumunta sa kusina at napahinto ako nang makita ko siyang nakatayo sa gitna ng living area, hawak ang....

"Roses for you, my wife."

Hindi ko alam ang ire-react ko sa mga oras na 'to. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya ako bigyan ng mga rosas samantalang ayos na sa akin na makasama lang siya.

Naglakad siya papunta sa akin habang hawak ang bouquet of roses. Ngumiti siya sa akin ng ubod ng tamis.

Palakas ng palakas yung tibok ng puso ko sa mga nangyayare. Walang mapaglagyan ang saya na nararamdaman ko.

Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon