His One Week Wife
Chapter 27
DUMIRETSO ako sa hospital kung saan doon dinala si Eman. Pinagtitinginan ako ng mga nakakasulubong ko dahil sa namamaga kung mga mata.
Iniwan ko doon si Dmitri. Kahit gusto ko lumingon sa kaniya hindi ko na ginawa pa. Hindi ko na dapat bawiin pa lahat ng mga binitawan kong salita sa kaniya. Kapag tumagal na ang panahon makakalimutan din namin ang isa't-isa.
"Veronica." Napalingon ako kay Myra nang tawagin ako, kumaway pa ito sa akin para palapitin ako sa kaniya.
"Kamusta na si Eman? Si Daphne nasaan na? Si baby mikki?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
"Hey, chill. Ang dami mong tanong. Ayos na sila. Ikaw? Saan ka nagpunta? Bigla ka na lang naglaho pati si Dmitri. Anong ginawa niyo?"
"Wala kaming ginawa ni Dmitri."
Parang hindi naman siya na kumbinsi sa sinabi ko sa kaniya.
"E, bakit namamaga ang mata mo?"
Kinagat ko ang dila ko para hindi sabihin sa kaniya kung ano man ang pinag-usapan namin ng dati kong asawa.
"Hindi ko rin alam." Pagsisinungaling ko.
Lumakad ako papunta sa pwesto ni Eman. Gusto ko humingi ng sorry sa ginawa ni Dmitri sa kaniya. Nakakahiya dahil napagkamalan pa siyang asawa ko.
Naabutan ko siyang naka-upo sa kama pero may gamot na ang mga sugat sa mukha nito pero nandoon pa din ang pamamaga.
"Eman." Tawag ko sa pansin nito na agad naman siyang napatingin sa akin. Sinubukan pa nitong tumayo pero sinenyasan ko na huwag na.
Hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Masyado akong nahihiya sa nangyari, siya na nga ang umalis para makapag-usap kaming magkakaibigan pero siya pa ang nagdusa ngayon.
"Sorry for what my ex-husband did to you." Nahihiya kong saad ko. Pinisil ko pa ang kamay ko dahil sa hiya.
Ngumiti ito sa akin.
"Okay lang yon, veronica. Wala lang 'to sa akin."
Hayst! Ang suwerte talaga ni Daphne kay Eman.
"Salamat. Pero sorry talaga."
"Mahal ka pa din ng ex-husband mo."
Napaangat ako ng ulo sa sinabi niya.
Mahal? Malabo na 'yon. May asawa na siya. Iniwan nga niya ako para pakasalan si Lorraine tapos mahal? Imposible.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi naman niya ako sasapakin ng ganito kung hindi niya napagkamalan na anak mo si Baby mikki." Natatawa pa siya habang nagkukwento na parang nakakatuwa sa kaniya na nangyari iyon.
Kumunot ang noo sa mukha ko.
Huminga siya nang malalim bago inumpisahan ang pagsasalita.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)
RomanceMinsan na din pinangarap ni Veronica na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya. Akala niya ay magiging masaya ang pagsasama nila. Ngunit nabigo siya. Dahil kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapalitan ang babaeng mahal na mahal nito. All...
