His One Week Wife
Chapter 30NAGISING ako dahil sa ingay ng cellphone ko, agad ko hinanap gamit ang kamay ko ang cellphone at nang matagpuan ko ito ay agad ko sinagot.
"What?" Naiiritang bungad ko ni hindi ko na inabala kung sino ang tumatawag.
"Sorry to be bothered you Ms. CEO, but there is a guy who just disappeared and wants to get rid of your billboard and magazine."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ng secretary ko. At sinong hampaslupa ang gusto magpatanggal ng billboard ko?!
"I'll be there." Tumayo na ako at agad na naligo para makarating agad sa kumpanya.
Tinignan ko ang oras at wala pang alas-otso. Kulang na nga ako sa tulog lahat-lahat tapos ganito pa ang bubungad sa akin ngayong araw?
Pagkadating ko sa parking lot ng Black Empire agad ako bumaba ng sasakyan ko at sumakay sa elevator. Pagkabukas pa lang ng elevator ay marami ng empleyado na nagkukumpulan.
"I'LL FUCKING PAY TEN MILLION DOLLARS JUST TO GET RID OF THE FUCKING BILLBOARD AND THE FUCKING MAGAZINE!!"Dmitri?
"Sorry, mister. But----"
Mabilis na nahati sa gitna ang mga nagkukumpulan na empleyado nang makita nila akong nakatayo sa likuran nila.
"CAN'T YOU FUCKING HEAR ME?!!"
Agad na kinuwelyuhan ni Dmitri ang photographer kahapon.
"THAT'S ENOUGH!"
Sabay silang napatingin sa akin. Pero hindi man lang binitawan ni Dmitri ang kuwelyo ng photographer. Mabilis ko na hinatak si Dmitri palayo para bitawan niya ang lalaki na ngayon ay nanginginig sa takot. Tinignan ko ang secretary ko, halos maluha-luha na din ito dahil sa kagagawan ng lalaking 'to.
Hinarap ko ang mga empleyado at seryoso silang tinignan.
"Go back to your work, now!"
Mabilis na nag-alisan ang empleyado. Nilingon ko si Dmitri na ngayon ay seryoso pa din ang itsura ni hindi man lang nagbago ang itsura ng mukha niya nang makita niya ako.
"Come here." Hinila ko siya papunta sa loob ng opisina ko.
Padabog ko na isinara ang pintuan at ni-lock bago tumingin sa kaniya ng masama.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Inis na bungad ko sa kaniya.
"May masama ba sa ginawa ko?" Inosente niyang tanong.
"Ahh, so para wala lang sayo 'yon?" Sarcastic na tanong ko pabalik.
"Veronica, you expose to much of your skin and I fucking hate it!"
"At ano naman ang pakialam mo?!"
Umupo siya sa office chair ko at parang balewala sa kaniya ang sinabi ko.
"The owner of this beautiful office....."
Tumingin siya sa akin at ngumiti na lalong nagpa-irita sa akin.
"......is my wife.
Naglakad ako papalapit sa kaniya at hinampas ang lamesa. Hindi ko na matiis ang pangungulit niya araw-araw.
"Stop this nonsense, Mr. Weinstein. Now, answer my question." Tumayo siya at pinantay niya ang mukha niya sa mukha ko na nagpa-ilang sa akin.
"I hate that picture."

BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)
RomantikMinsan na din pinangarap ni Veronica na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya. Akala niya ay magiging masaya ang pagsasama nila. Ngunit nabigo siya. Dahil kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapalitan ang babaeng mahal na mahal nito. All...