Author's note:I suggest na magpatugtog kayo ng sad song para mas dama ang bawat eksena. Hehe! Thank you.
Enjoy..
----------------
His One Week Wife
Chapter 26
"OH, gising na pala si baby mikki."
Napatayo si Daphne at si Eman para kunin ang bata sa akin. Agad ko naman ibinigay ang bata sa kanila.
May parte sa akin na gusto ko bumalik sa lobby at bawiin lahat ng mga sinabi ko sa kaniya. Pero para saan pa? Isa pa, hindi ko kailangan magpaliwanag sa taong 'yon. Dahil wala naman ako sa buhay niya at ganoon din sa akin.
"Ang tahimik mo ata, nica?" Pareho silang napatingin sa akin pero hindi man lang ako nagbitaw maski ni isang salita.
Gustong-gusto ko na sabihin sa kanila na nakita ko na si Dmitri. Pero may parte sa akin na huwag sabihin. Hindi ko alam! Magulo pa ang isip ko.
Hinawakan ko ang pisngi ko na hinalikan niya. Alam ko masama ito dahil may asawa na siya pero ayoko maging hipokrita, namiss ko ang paraan na paghalik niya sa akin. Parang bumalik ang nakaraan kung saan nakipag-deal ako sa kaniya.
"May problema ba, nica? You can tell us." Hinawakan ni Myra ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
Pumikit ako at huminga ng malalim.
"I need to go back in California."
Pareho silang napakunot noo sa sinabi ko.
"W-what? Why?" Naguguluhan na tanong ni myra sa akin.
Kating-kati na ako sabihin ang dahilan pero hindi dapat nila malaman.
"Maybe I should go back, first. You can continue your vacation here without me."
"Aalis muna kami para makapag-usap kayong tatlo." Sabi ni Eman at tumayo bitbit si baby mikki.
Isa sa mga nagustuhan ko sa asawa ni Daphne, alam niya talaga kung kelan namin kailangan mag-usap kaming magkakaibigan ng pribado. Kaya wala talaga akong pagtutol na mag-asawa na sila ni Daphne.
"Veronica, alam ko may problema. Pwede mo sabihin sa amin na walang pag-aalinlangan." Hinawakan na din ni Daphne ang isang kamay ko.
"Oo nga, baka may maitulong kami ni Daph."
Napaka-swerte ko talaga sa mga kaibigan ko. Kahit kelan hindi man lang nagbago ang pakikitungo nila sa akin kahit na isa na akong bilyonaryo at mas nakakaangat sa kanila. At hindi ko alam kung anong nagawa kong kabutihan para magkaroon ng kaibigan na katulad nila.
Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanila. Siguro nga ay hindi tamang maglihim ako sa kanila.
"I saw my ex-husband."
Nagkatinginan silang dalawa ni hindi man lang bumakas sa mukha nila ang pagkagulat.
"And so?" Casual na tanong lang ni myra.
"Myra, I said I saw my ex-husband. My Ex-husband." Pinagdiinan ko talaga ang 'Ex-husband' para kasing wala lang sa kanila ang sinabi ko.
"Yeah, we know. Your ex-husband. So what? Maliit ang mundo so normal lang na magkita kayo sa iisang lugar."
Natawa ako sa sinabi ni Myra. Naririnig niya ba ang sinasabi niya? Dapat pala hindi ko na lang sinabi sa kanila ang tungkol sa pagkikita namin ulit ni Dmitri, mukhang hindi sila makakatulong.

BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)
RomansaMinsan na din pinangarap ni Veronica na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya. Akala niya ay magiging masaya ang pagsasama nila. Ngunit nabigo siya. Dahil kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapalitan ang babaeng mahal na mahal nito. All...