His One Week Wife
Chapter 29
LUMIPAS ang ilang araw mula nang mangyari ang bagay na iyon pero sinisigurado ko na hindi na muli iyong mauulit muli. Pero sadyang makulit ang katulad niya kahit na may mga private body guard na ako na kinuha para hindi sila basta-basta makakalapit ay hindi niya ito inaalintana. Araw-araw siya pumupunta sa opisina at pinapaabot sa secretary ko ang mga bagay na gusto niya ibigay sa akin. Tulad ngayon, may two thousands na roses na nakapatong sa mini living area ng opisina ko. Sa sobrang laki talagang lumalapas na sa lamesa. Napailing na lang ako.
Hindi niya ba naisip na nag-aaksaya siya ng pera sa ginagawa niya? Tsk!
Bukas na ang launching ng bago naming product at talaga namang natataranta na ang bawat department dahil mapa-hanggang ngayon ay wala pa din kaming nakukuha na model para sa brand. Marami akong pwede pagpilian pero lahat ng pinakita sa akin ay talagang nakikitaan ko na mabilis babagsak ang sales ng product dahil malamang hindi kaaya-aya ang mga model na nirekomenda.
Isinara ko ang booklet at iniurong palayo sa akin. Hinilot ko ang ilong ko sa sobrang stress na nararanasan ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng stress sa trabaho.
"Ms. CEO, can I come in?" Narinig ko ang boses ng secretary ko sa intercom.
"Go ahead."
Nakapikit ako nang marinig kong pumasok na ang sekretarya ko. Dinig ko din ang tunog ng heels niya.
"One of your board member wants to set an urgent meeting regarding to launching."
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Hindi pa nga ako nakakarecover sa pag-iisip sasabat pa ang urgent meeting na gusto ng isa sa mga ka-board member ko.
"What time?"
"After lunch, Ms.CEO."
"Fine. Set it up."
Sinulat niya ang sinabi ko sa mini book at nagpaalam na aalis na. Tumayo ako at inayos ang sarili. Hindi ko dapat ipakita sa mga ka-board member ko na stress ako dahil gagamitin nila ang kahinaan ko at uungkatin ang hindi ko pagtanggap kay Lorraine bilang model na bago naming product at pagpapatalsik ko kay Mr. De guzman.
Hindi na ako nag-abala pa para kumain dahil wala naman akong gana. Taas-noo ako na lumbas ng opisina at agad na naging alerto ang isang body guard ko sa paglabas ko at agad siyang sumunod sa likod ko. Tinignan ko ang waiting area at nakahinga ako nang maluwag dahil wala doon ang lalaking ayaw ako tantanan.
Pinagbuksan ako ng pinto ng body guard ko at pagpasok ko ay nakita ko na nagsitayuan ang mga board members pero kita mo sa kanilang mukha ang stress dahil sa pagproblema kung sino ba ang magiging modelo.
Tahimik lang ako naglakad papunta sa upuan ko pero hindi pa nakakalapat ang puwitan ko sa upuan pero narinig ko na agad ang mga boses nila.
"President, we need to get a model right away." -Mr. Cale.
"He's right. Tomorrow it's launching of our new product but we haven't got a model yet." Mr. Hans.
"And another thing we need to do is pictorial for bill board and magazine." -Mr. Billy
"How can we do that without a model?" Mr. Fate.
At narinig ko na ang bulungan nila na lalong nagpa-irita sa akin. Hinampas ko ang lamesa at agad sila natigil at napatingin sa akin.
"Can I sit down, first?" Walang emosyon na saad ko at umupo. Kalmado akong tumingin sa kanila at sumandal sa upuan. Nilagay ko pa ang dalawang braso ko sa armrest ng upuan at nag-cross legs.
"President." Tawag sa akin ni Mr. Cale. Pero hindi ko siya pinansin. Kaya siya nagkapanot-panot dahil masyado niyang dinadamdam ang problema.
Huminga muna ako nang malalim bago tumingin sa kanila na nag-aabang sa magiging desisyon ko. Matagal ko na napag-isipan ito at sa tingin ko hindi na dapat ako mag-alangan dahil wala na oras.
"You don't have to worry about being a model anymore."
Kumunot ang noo nila sa sinabi ko pero hindi ko ito pinansin.
"What do you mean, President?"
"Because I'm going to be the model for our product."
Napasinghap sila sa sinabi ko.
"But -----"
"No more buts, Mr. Hans."
Tumayo ako at tinignan sila na walang mababakas na kahit na anong emosyong sa mukha.
"I'm a billionaire and I can do everything because I'm a billionaire."
Natahimik sila sa sinabi ko. Walang gustong magsalita ni isa kanila.
"This meeting is over." Naglakad na ako palabas at agad na sumunod ang sekretary at body guard ko.
"Set the pictorial, ASAP."
"Noted, Ms. President." At may tinawagan ito para sa pictorial ko. Tinignan ko ang oras at wala pang one.
Binaba niya ang cellphone at tumingin sa akin.
"Ms. President, the pictorial is now ready."
"Good. Let's go."
Hindi na ako bumalik sa opisina at umalis na kami ng kumpanya para umpisahan ang pictorial sa nasabing lugar.
Sa isang yacht ang naisip ko na concept para sa pictorial. Pinasuot nila ako ng Black one-piece zigzag suit na nagpalitaw sa mahahaba at maputi kong hita, kitang-kita din ang kurba ng katawan ko na lalo na nagpahanga sa mga tao na nasa set.
Lumapit ang secretary ko at inabutan ng tuwalya para takman ang masyado kong expose na katawan. Sa totoo lang naiilang ako dahil hindi ako sanay sa ganito pero wala na akong magagawa dahil wala ng oras.
"One, two, three, good shot!"
Kung ano ang pag-pose ang ginawa ko habang hawak ang isang new brand ng Black empire.
"Perfect!"
At nagpalakpakan ang mga tao na nasa set. Nakakapagod mag-pose sa harap ng camera. Pinakita sa akin ng photographer ang mga ilang kuha at tuwang-tuwa siya sa nakikita niya. Ako naman parang walang pinagkaiba ang mga picture na nasa computer, magkakapareho lang ito.
"You need to edit it, first."
"I will, President."
Pumunta na ako sa kwarto kung saan ako lang ang nakakagamit sa loob ng yacht. Sumunod naman na pumasok anng secretary ko.
"Make sure before sunrise my pictorial is on the billboard and magazine. Wait for the photographer's email."
"Noted, Ms. CEO."
Pagkadating namin sa dalampasigan ay dumiretso na ako sa bahay para magpahinga. Masyado napagod ang utak at katawan ko.
Pipikit na sana ako nang magring ang cellphone ko. Tinignan ko naman ang caller. At hindi ito naka-register sa akin. Pinatay ko ang tawag at pati ang cellphone ko. Ayokong may istorbo.
Thanks for reading.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)
RomanceMinsan na din pinangarap ni Veronica na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya. Akala niya ay magiging masaya ang pagsasama nila. Ngunit nabigo siya. Dahil kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapalitan ang babaeng mahal na mahal nito. All...
