HOWW-06

4.6K 119 1
                                    






His One Week Wife
Chapter 6:
DAY 1.3






MATAPOS niyang kumain ay nagpaalam na ako na aalis na. Tulad nga ng sinabi ko na aalis agad ako kapag tapos na niyang kainin yung dala ko para makapagtrabaho na siya.

"Where are you going?" nagtatakang tanong niya na mapansin niyang palabas na ako.

"Ahm, uuwi na ako. Hindi ko naman kailangan magtagal pa. Masasagabal ko pa ang trabaho mo." sabi ko.

Tumayo siya at kinuha ang coat niya na nakasabit sa backrest ng office chair niya at sinout ito.

"Tara na." sabi niya at hinawakan ang kamay ko at kinuha ang dala-dala kong paper bag.

"Huh? Saan ka pupunta?"

"Ihahatid ka."

Pinigilan kong kiligin sa sinabi niya.
Kahit gusto ko na ihatid niya ako pero alam kong hindi pwede. Kinuha ko ang hawak niyang paperbag.

"Hindi na kailangan, Dmitri. Oras pa ng trabaho mo."

"Yung trabaho nandyan lang 'yon. Pero ang oras na makasama ka. Hindi ko na maibabalik 'yon."

Ba't naging ganito ka sa akin, Dmitri?

Gusto ko sana itanong sa kanya pero wala akong lakas ng loob. Ginagawa niya ba 'to dahil pumayag siyang maging asawa ako kahit sa loob lang ng isang linggo? Pagkatapos ba ng isang linggo, babalik na ba siya sa dati na kung saan hindi na niya ako kakausapin at sasaktan na naman niya ako gamit ang masakit niyang mga salita?

Gusto ko umasa na hindi. Pero kahit baliktarin ko ang mundo, alam kong sinasakyan lang lahat ng ito ni Dmitri.

Hindi na ako nakapalag ng hilahin na ako palabas ng opisina ni Dmitri. Napansin naman ng secretary niya ang paglabas naming dalawa na agad naman siyang nagbigay respeto gamit ang pag-bow niya.

Habang lulan kami ng elevator hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Ramdam ko mula sa mga palad ko kung gaano kalambot at kakinis ang mga palad niya.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na hinawakan ako sa kamay ni Dmitri.

Ako na siguro ang pinakamababaw na kaligayahan sa mundong ito.

Tumingin ako sa naka-side view niyang mukha.

Diretso lang siyang nakatingin sa pinto ng elevator habang hawak sa kanang kamay ang paper bag at sa kaliwang kamay naman niya ay hawak niya ang kanang kamay ko.

Ang gwapo niya talaga. Walang mintis ang kagwapuhan na meron ang isang Dmitri Weinstein.

Mula sa buhok at hanggang sa sapatos niya masasabing mong mayaman at talagang may ipagmamalaki sa buhay.

Napatingin ako sa labi niya. Nakaramdam ako ng pamumula ng dumampi doon ang mga mata ko. Ano kayang pakiramdam na mahalikan ng mga labing 'yon.

Ano 'yang kahangalan na pinagiisip mo, veronica?

Iniiwas ko kaagad ang tingin ko kay Dmitri. Kahit ikinasal kami ni Dmitri, nung hinalikan niya ako sa altar iniharang niya ang dalawang thumb finger niya sa mga labi ko para hindi magdikit ang mga labi namin. Hindi ko alam kung nakita 'yon ng mga saksi pero sigurado akong hindi.

Nung araw na 'yon. Masaya ang mga tao sa paligid namin pero alam ko na 'yong lalaking pinakasalanan ko ay hindi masaya sa mga nangyayare.

Matapos ng kasal namin noon, ako lang ang pumuntang mag-isa sa reception. Nagtataka nga ang mga bisita dahil wala doon si Dmitri nung gabing 'yon. Pero ngumiti lang ako at pinaliwanag sa kanila na natulog na si Dmitri dahil sa pagod.

Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon