His One Week Wife
Chapter 19Lorraine P.O.V
DALAWANG araw na ang nakakalipas mula nang makalabas ako sa hospital. Pero kailangan ko pa rin bumalik para sa follow-check up dahil may benda pa din ang leeg ko. May iilang pasa pa din ako sa katawan. Letche talaga ang babaeng 'yon!
Sa loob ng dalawang araw, maraming nagbago kay dmitri. Tulala ito at sobrang lalim ng iniisip sinusubukan ko nga kausapin pero nasisigawan niya ako at biglang hihingi ng sorry dahil sa pagsigaw nito sa akin. Kaya kumuha ako ng ilang impormasyon sa secretary nito at nalaman ko ngang ilang araw nang hindi nagpapakita ang asawa nito. Ay mali! Dating asawa niya.
Ganoon na lamang ang tuwa ko nang malaman kong hiwalay na sila dahil pinirmahan na nito ang annulment.
Ibig sabihin, pwede na kami ikasal tulad ng ipinangako niya sa akin nang mahanap niya ako sa france last month.
Flashback.
Isang taon na ako nananatili dito sa france mula nang ikasal na si Dmitri. After ng graduation namin nagpakasal na agad ang ex-boyfriend ko sa isang business partner daughter ng pamilya ni Dmitri.
At mas lalong napadali ang pagpapakasal ni dmitri nang malaman kong sinagip ni veronica mula sa masamang tao si Dmitri.
Hindi ko alam kung magpapasalamat ako dahil ligtas ang mahal ko o matutuwa dahil nasaksak si veronica. Bakit hindi pa ito na puruhan?
Para makalimot sa kanya nakipag-fling ako sa iba at sa loob ng apat na taon namin sa college ngayon lang ako nagkaroon ng issue. Bwisit mga epal!
Marami akong pinagkaabalahan dito sa france para malimutan si Dmitri. Nag-modelo ako sa isang sikat na fashion show, na invite ng isang sikat na starbuzz para sa interview, at nag negosyo pa ako. Sa loob lang ng isang taon naging success ako sa tulong ng kagandahan na meron ako. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, kahit sobra na ang busy ko lagi pa din nasasagi sa isip ko si Dmitri. May parte sa akin na parang kulang ako, ang pagkatao ko.
Kahit gusto ko umuwi sa pilipinas at bisitahin siya pero hindi ko ginawa. Ayoko makasira ng pamilya lalo na't siguradong baka may anak na silang dalawa.
Halos lahat na ata ng bar sa france ay napuntahan ko na, nakikipaglandian sa mga banyaga para makalimutan siya pero wala. Hindi talaga! Kaya ang ending umuuwi ako nang lasing at umiiyak dahil sa hirap na hirap akong kalimutan ang lalaking mahal na mahal ko na ngayon ay kasal na sa iba.
Lumipas pa ang ilang linggo napapansin kong para laging may nakamasid sa akin mula sa malayo. Pilit ko itong hindi pinapansin pero mas lalo atang lumalala nang mapagtanto ko na kahit sa tinutuluyan ko ay may nakamasid din sa akin. Pero pilit ko pa din na hindi pinapansin. Hangga't walang nangyayare sa akin na masama ay hindi ako tatawag sa pulis. Nagtuloy-tuloy ito hanggang sa katapusang ng buwan.
Kinaumagahan, maaga akong nagising dahil sa isang doorbell. Habang naglalakad ako papuntang pinto iniisip ko naman kung sino ang pupunta sa akin nang ganitong umaga.
"Yes?" natulala naman ako nang sumalubong sa akin ang tatlong maskuladong kalbo na lalaki. May parang earpiece pa ito na nakakabit sa tenga nila.
"W-who are you?" kinakabahan na tanong ko pero hindi ito sumagot sa akin o kahit man lang tapunan ako ng tingin. Nakatingin lang sila sa malayo na parang walang naririnig o nakikitang tao harapan nila.
Kung mga bodyguard ko sila, dapat nung isang araw pa lang sinabi na agad ng manager ko ang tungkol dito. Ano 'to surprise?
Bigla silang tumagilid sa gilid, dalawa sa kanan at isa sa kaliwa dibale magkaharap silang tatlo.

BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)
RomanceMinsan na din pinangarap ni Veronica na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya. Akala niya ay magiging masaya ang pagsasama nila. Ngunit nabigo siya. Dahil kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapalitan ang babaeng mahal na mahal nito. All...