HOWW-20

4.6K 103 1
                                    


His One Week Wife
Chapter 20



Lorraine P.O.V

LUMIPAS ang linggo, buwan at taon. Pero lalong naging mailap sa paningin ko si Dmitri. Minsan hindi siya umuuwi, kung pupunta siya sa akin laging lasing at hindi maka-usap ng matino dahil sa sobrang kalasingan.

Nasasaktan ako sa ginagawa at pinapakita niya sa akin. Pero wala akong magawa dahil alam ko naman na si veronica pa din ang mahal niya.

Pero binubulag ko ang sarili ko. Umaasa ako na isang araw na mamahalin niya ulit ako tulad noon.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at kiinuha ko ang nakatagong singsing na kapareho noon kay veronica.

Dito nagsimula ang lahat dahil sa singsing na 'to.


Flashback.

Masaya ako habang nakahawak ako sa braso ni Dmitri at bitbit naman niya ang mga pinamili ko. Si veronica hindi ko na pinansin dahil alam ko namang nasa likod lang namin ito. Masaya ako dahil masaya ako na kasama ko si Dmitri.

"Lorr, let's go inside of jewelry shop."

Hindi ko maiwasang mapangiti.

Bibilhan niya ba ako ng ring?

"O-ok."

Bumitaw muna ako sandali sa kanya dahil may kinausap siyang saleslady. Ako naman nagtingin ako sa paligid ng mga magagandang alahas na nandoon.

"Wife, let me-------- wife?" napatingin ako kay Dmitri na ngayon ay hindi mapakali nang hindi makita si veronica. Hinanap din nang paningin ko si veronica pero wala ito.

Tumakbo ako papalapit kay Dmitri para awatin itong lumabas ng shop pero itinaboy niya ako.

"I need to see my wife. Sorry."

Hindi na ako tumutol pa sa sinabi nito. May kumirot sa puso ko sa sinabi ni Dmitri.

Bakit kailangan niya pa hanapin ang babaeng 'yon kung hihiwalayan din naman niya sa huli?

Narinig kong nagbubulungan ang mga tao sa loob ng shop dahil sa pag-iwan sa akin ni Dmitri. Inirapan ko silang lahat at dumiretso doon sa saleslady na kausap ni Dmitri.

"Miss, can I see the ring?"

"Yes, maam."

Inabot niya sa akin ang napakagandang singsing. Halatang pinasadya ito dahil sa mga iba't ibang kulay ng diamante na nakalagay dito.

Sinuot ko ito sa ring finger ko at napangiti ako nang bumagay ito doon.

"Beautiful."

Para kanino naman kaya 'to?

Baka sa akin 'to. Imposible namang kay veronica ito dahil hihiwalayan naman niya ito.

"Can I have this one?"

"Sorry maam. Pinasadya po kasi 'yan nung lalaki na umalis po, siya po ang  may-ari for his wife po."

"But I am his wife."

Nagulat naman ang babaeng sa sinabi ko. Parang hindi makapaniwala na ang taong pagbibigyan nang nagpakagawa nito ay nasa harap niya.

"Please make some of replica of this ring. I will pay higher."

Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon