HOWW-22

4.5K 114 2
                                    

His One Week Wife
Chapter 22:

Third Person P.O.V

NAGKAKAGULO ang lahat dahil sa hindi pagdating ng groom. Halos mag-iisang oras na pero wala pa din si Dmitri. Marami na din ang kumo-kontak sa groom pero kahit ni isa sa kanila ay walang naka-usap kay Dmitri.

Pinuntahan na din nila ang suites kung saan namalagi si Dmitri na laking pasasalamat ng ilan dahil katabi lang ito ng simbahan.

Ngunit hindi nila ito nagtagpuan doon.

Samantalang si Lorraine gusto nang lumabas ng kanyang mga luha dahil sa halo-halong nararamdaman. Halos mayupi na sa kamay niya ang tangkay ng mga bulaklak dahil sa higpit ng kapit niya dito.

Maraming media sa labas na nagtataka na din sa hindi pa pagdating ng bilyonaryong ikakasal. Sa kabila ng init ng panahon, hindi na nila pinansin ang tumutulong pawis sa kanilang mga noo dahil may pinagtutuunan nila ng pansi ang nagaganap ngayon.

Alas-siyete dapat ng umaga ang simula ng kasal pero malapit ng mag-alas otso pero wala pa din ang groom.

Nagsimula na din mag-bulungan ang tao na nasa loob ng simbahan pati na din ang mga reporter na galing pa sa iba't ibang estasyon.

Napatigil ang lahat ng biglang may huminto na isang Koenigsegg CCXR Trevita diamond.

Lahat ay nag-aabang kung sino ang lalabas sa kotse na iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lahat ay nag-aabang kung sino ang lalabas sa kotse na iyon. Hinanda na ng mga reporter kanilang camera para sa paglapit kung sakaling ang bilyonaryo ang lalabas mula sa pinakamahal na sasakyan sa buong mundo.

Ang mga bisita na nasa loob ng simbahan ay gusto silipin kung sino ang dumating mula sa sasakyan na iyon.

Si Lorraine ay parang natabunan ang kaniyang kaba ng may marinig siyang sasakyan na huminto. Alam niyang si Dmitri na iyon.

Tumakbo ang mga reporter papunta sa lalaking lumabas mula sa Koenigsegg CCXR Trevita. Seryoso itong bumaba at hindi man lang inalintang isara ang pintuan nito.

"Mr. Weinstein, bakit po kayo late sa sarili niyong kasal?"

"Alam niyo po ba na kasal niyo?"

"Bakit po pinaghintay niyo yung bride?

Hindi pinansin ni Dmitri ang mga tanong binabato sa kanya. Dire-diretso lamang siyang naglalakad patungo sa entrance ng simbahan.

Nakahinga ng maluwag ang mommy niya nang makita siya. Ngunit hindi man lang niya ito binati o hinalikan sa pisngi.

Masama ang kaniyang loob. Gusto niya makita si Veronica at gusto niya itigil ang kasal na nagaganap, pero para saan pa? Kung siya naman ang dahilan kung bakit nagsimula ito.

Nagsimula na ang kanta. Pero wala nang pakialam si Dmitri. Siguro nga ito na ang parusa niya sa lahat ng ginawa niya kay veronica.

Naunang naglakad ang mommy niya sumunod ang anim niyang kaibigan. Si Tyrone Ian Sy, Phoenix Hudgerman, Vander Armstrong, Fade Carter, Brenton Diesel, at si Hunter Pendelton.

Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon