His One Week Wife
Chapter 35
"BRAD, anong nangy---" hindi natuloy ang sasabihin ni Fade ng makita niya ang kalagayan ko."ARGH!! TANGINAAAA!!!" inis ko na hinagis ang bola.
Bakit sa dinami-daming pwedeng ipakasal, bakit ako pa?!
Natatakot ako na iwan ni Lorraine. Pero anong magagawa ko kung tinapos na niya ang lahat?! Tanginang buhay 'to! Pero hindi! Hindi ako papayag na matatapos ang lahat ng ito. Hindi ako papayag na mawala ng tuluyan si Lorraine.
Hindi ko na pinansin si Fade na ngayon ay tahimik lang sa isang tabi. Dumiretso ako sa parking lot at agad na sumakay pabalik sa bahay. Sasabihin ko kay mommy na ayoko ipakasal sa babaeng hindi ko naman mahal. Siguro papakinggan niya ako. Makikinig si mommy sa lahat ng sasabihin ko.
Diretso ako pumasok sa loob ng bahay agad yumuko ang mga katulong bilang pagbibigay galang pero hindi ko sila pinansin. Mabilis ako na pumasok sa loob ng opisina ni mommy pero hindi ko siya nakita. Hinanap ko din ito sa Master's bedroom pero wala din.
"Son?" Paglingon ko nakita si daddy na nagtataka sa kinikilos ko. Siguro si daddy na lang ang kakausapin ko. Baka lalo niya ako maunawaan sa lahat ng sasabihin ko.
"Dad, can we talk? In private?"
"Sure." Pumasok kami sa opisina niya. Hindi pa siya nakaka-upo pero nagsalita na ako.
"Ayoko magpakasal."
Napatingin ito sa akin pero hindi man lang ito nagulat sa sinabi ko.
"Why? Because of Lorraine?"
"Yes, dad. I love her."
Mabilis siyang nagsalin ng wine sa glass wine nito.
"Love makes you weak, son."
"Then, I don't care."
"Kaya maraming nagugutom dahil sa pagmamahal. Pinapairal ang katangahan kesa sa laman ng sikmura."
"Dad!" Akala ko makakaintindi sa akin si daddy. Dahil lalaki kung sa lalaki kami kung mag-usap. Pero mukhang mali ata ang nilapitan ko.
"This is my final decision. Besides, your wedding will be after your graduation."
"Hindi ba kayo nagmahal, dad?" Hindi ko alam kung saan ako kumuha nang lakas ng loob para tanungin ang bagay na iyon kay daddy.
Ininom niya ang red wine niya bago tumingin sa akin nang seryoso.
"I love your mom, but you need to be a practical person."
"Akala ko kayo ang unang makakaintindi sa akin pero hindi pala." Mabilis ako na tumalikod at lumabas ng silid na iyon. Dumiretso ako sa kwarto ko at walang habas na pinaghahagis ang mga gamit doon.
Wala akong pakialam kung walang matira sa mga gamit ko. Pakiramdam ko wala akong kwenta! Parang wala akong laban sa lahat ng mga binitawang salita ni Dad. Mahal ko si Lorraine! Pero hindi ko alam kung paano ko ipaglalaban ang pagmamahal ko.
Sumunod na araw, nalaman ko nasa America pala si mommy at daddy at kasama doon ang business partner nila ang pamilyang Black. Sinubukan kong tawagan ang number ni Lorraine pero hindi niya ito sinasagot at sinubukan ko siya tawagan at i-chat sa messenger pero blinock na niya ako. Nalaman ko na lang isang araw na may issue na kumakalat sa buong university, ang sabi iniiputan daw ako sa ulo ni Lorraine dahil may nakakita daw dito sa bar at nakikipaghalikan sa kung sinong lalaki habang nakakandong. Pilit ko itong hindi pinansin pero nang makita ko ang picture agad ko itong pinunit dahil alam ko sa sarili ko na siya ang babaeng nasa larawan.

BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)
RomanceMinsan na din pinangarap ni Veronica na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya. Akala niya ay magiging masaya ang pagsasama nila. Ngunit nabigo siya. Dahil kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapalitan ang babaeng mahal na mahal nito. All...