HOWW-05

4.7K 121 5
                                    


His One Week Wife

Chapter 5:
DAY 1.2







AGAD kong kinuha ang lunchbox na inihanda ko para kay Dmitri. Pupunta kasi ako sa opisina niya para ibigay ang lunchbox na 'to.

Halong kaba at galak ang nararamdaman ko. Kaba, dahil baka magalit siya dahil ito ang kauna-unahang pupunta ako sa opisina with lunchbox pa, ang weird lang.

Nagagalak ako dahil ito ang kauna-unahang mabibisita ko siya sa opisina. Gusto ko kasi makita kung paano siya magtrabaho o kung anong itsura at ugali niya pag nasa opisina siya.

Pagdating ko sa parking lot ng Weinstein Company ay agad ako bumaba at pumunta sa elevator at tinungo ang last floor ng gusali. Kinakabahan ako na kinuha ang salamin ko at tinignan ang mukha ko kung may dumi ba.

"Hoo, kalma lang veronica. Ihahatid mo lang 'tong lunchbox tapos uuwi kana.' buti na lang ako lang mag-isa dito sa elevator, kung may makakakita lang sa akin sasabihin siguro non nababaliw na ako dahil kinakausap ko ang sarili ko.

Pagbukas ng elevator ay agad napatingin sa akin ang mga empleyado. May mga nagtataka, may nagtatanong ang mga mukha nila.

Ngumiti ako sa kanila na agad naman nila ginantihan ng ngiting hindi ko alam kung totoo ba o pilit lang.

Nakatayo lang ako sa tapat ng elevator narinig ko na itong sumara lahat-lahat pero hindi pa rin naiaalis ang mga tingin nila.

"Ahm, miss. Mukhang naliligaw ka ata. Ngayon ka lang kasi namin nakita." napatingin naman ako sa lalaking lumapit sa akin. Mukhang siya ang supervisor ng department na 'to.

Inipit ko ang buhok kong nalaglag sa mukha ko sa may kanang tenga at humarap sa kanya kasama ang ngiti ko.

"Ah, hindi. Nandito ako for Mr. Weinstein. Saan nga pala ang opisina niya?" tanong ko na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking mga labi.

Mukhang nagulat siya sa sinabi ko pero agad itong nawala nang mapansin niya atang nag-aantay ako sa sagot niya.

"Ahm, yung opisina ni President ay lakad ka lang hanggang dulo ng hallway tapos liko ka sa kanan makikita mo doon yung table ng secretary niya." sabi niya at tinuro niya pa ang daan gamit ang kamay niya.

"Ah, ganun ba. Salamat." nag umpisa naman ako maglakad sa gitna na nagkukumpulang mga empleyado na agad naman nilang binigyan nila ng daan.

"Sino kaya siya? Ngayon ko lang nakita ang mukha niya dito sa opisina."

"Oo nga. Malabong sa ibang department siya dahil kilala naman natin ang mga tao sa bawat department."

"Ano ba kayo?! Malabong dito yan nagtatrabaho. Nakikita mo ba ang suot niya at kutis niya. Anak mayaman."

"Look at her ring. It's diamond."

"Ohmyg, is that wedding ring?"

"Omo, baka siya yung wife na sinasabi."

"Pero bakit ngayon lang natin siya nakita if asawa siya ni President."

"Baka laging nasa ibang bansa."

"Baka nga. Pero weird lang kasi wala namang wedding ring si President."

Napahinto ako sa paglalakad at nilingon ang mga empleyadong nagbubulungan sa pagdaan ko.

Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon