HOWW-37

3.5K 99 41
                                    





His One Week Wife
Chapter 37



"WHAT the hell are you doing here?!" Galit na bungad sa akin ni Mr. Black ang daddy ni veronica.

Hindi ko inalintana ang galit ito at naglakad palapit dito. Lumabas din si Mrs. Black para tignan kung sino ang kausap ng asawa nito.

"Good afternoon, Mr. and Mrs. Black."

"At ang kapal ng mukhang batiin kami sa kabila nang ginawa mo sa anak namin!" Akmang susugod si Mr. Black pero inawat ito ng asawa niya.

"Ano ba ang kailangan mo?" Mahinahong tanong ni Mrs. Black.

Tumingin ako sa kanila at lumuhod sa harapan nilang dalawa. Napaatras ang mag-asawa at gulat na gulat sa ginawa ko sa harap nila.

"Pakiusap, sabihin niyo sa akin kung nasaan ang asawa ko."

Tawagin na nila akong desperado pero wala na akong pakialam. Sobra na akong nangungulila sa anak nila. Miss na miss ko na ang mga ngiti niya na nagpapabuhay sa buong pagkatao ko.

"Dmitri, tigilan mo na ang anak namin. Maaawa ka naman sa kaniya." Mrs. Black.

Hindi ko maiwasang malungkot sa mga sinabi ni Mrs. Black. Kung gaano, hindi na niya ako mahal? Tuluyan na siyang napagod? Kung oo, ang sagot hindi ako titigil hanggang sa bumalik ulit ang nararamdaman niya sa akin.

"Isusuko ko po ang lahat ng kayamanan ko, Mrs. Black. Makuha ko lang ulit ang pagmamahal ng anak niyo. Mahal na mahal ko siya at hindi ko kaya na makitang may mainamahal siyang iba. Nakikiusap ako, hayaan niyo sana akong mahalin ko ang anak niyo sa huling pagkakataon." kulang na lang halikan ko na lupa.

Alam kong malaki ang nagawa kong pagkakamali. At nagsisisi na ako sa lahat ng iyon. Wala na akong pakialam kung anuman ang sabihin ng makakakita sa akin, ang mahalaga ang asawa ko. Ang babaeng mahal na mahal ko.

Nagkatinginan ang mag-asawa bago ibinaling muli ang tingin sa akin.

"Hindi namin kailangan ang kayamanan mo, Dmitri. Ang mahalaga sa amin ang kasiyahan ng anak namin. Pero nakikita naming seryoso ka sa mga sinabi mo, pagbibigyan ka ulit namin. PERO kapag nasaktan ulit ang anak namin, hinding-hindi kami magdadalawang isip na ilayo na sayo nang tuluyan ang anak namin." Mrs. Black.

Nabuhayan ako ng loob sa lahat nang mga sinabi ni Mrs. Black. Hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito.

"S-salamat p-po." Hindi ko mapigilan ang maluha sa lahat ng sinabi ng mga magulang niya. Parang nawala lahat ng kaba ko matapos na bigyan nila ulit ako ng pagkakataon.

Sinabi nila sa akin kung nasaan si Veronica, at nalaman kong nasa California ito at ito na ang nag-aasikaso ng 'Black Empire Co.'. Agad ako pumunta ng California gamit ang private airplane na pagmamay-ari ko.

"Anong ginagawa mo dito?!" Bungad sa akin ni Daphne pagkakita niya sa akin sa tapat ng B.E.C.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at mabilis na naglakad patungo sa kaniya.

"Kukuin ko ang asawa ko." confident na saad ko. Ngayon na may basbas na ulit ako ng mga magulang ni Veronica, hindi na dapat ako maging kabado.

Ngumisi ito at mabilis na inirapan ako.

"Anong tingin mo sa kaniya? Laruan? Na pagkatapos paglaruan at itapon, kukunin mo ulit?! Gago kaba?!" Mabilis na naglaho ang kumpiyansa ko sa sarili.

Naiintindihan ko ang galit nila sa akin. Hindi ko sila masisisi. Kahit sino naman magagalit talaga sa ginawa ko. Maski ako nagagalit din sa sarili ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon