HOWW-09

4.3K 115 3
                                    


Chapter 9:
Day 3


TULAD nang kinagawian, maaga ako nagising. Pero this time hindi ako masaya. Bumangon ako dahil tulad nga ng sinabi ko, gagampanan ko pa din ang pagiging asawa kay Dmitri.

Gusto ko labanan yung lungkot na nararamdaman ko. Kahit ilang beses ko itatak sa isip ko na ako pa din ang asawa ni Dmitri, hindi ko pa rin maiwasang masaktan sa nangyayari ngayon lalo na't nagbalik na ang babaeng pinakahihintay niya. Natatakot ako na baka isang araw hindi na ituloy ni Dmitri na gampanan ko ang pagiging asawa ko sa kanya.

Napahinto ako sa may paanan ng hagdanan ng maamoy ko ang mabangong niluto. Teka! Hindi kaya....

"Good morning, wife." sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko ay hindi ko maiwasang mapangiti sa isip ko. Parang napakadaming paru-paro sa tiyan ko.

Binati niya ako habang suot ang apron na Hello Kitty at may hawak pang sandok. Ang hot!

Siya na lang kaya almusalin ko?

Malanding saad ng isip ko.

Bakit hindi? Sino ba naman hindi matatakam sa lalaking itong naka topless at kita ang mga muscle niya sa likod. Nakasuot pa siyang maong na pantalon.

Argh! Ang aga-aga nagkakasala ang mga mata ko.

Hindi ako bumati pabalik. Wala! Gusto ko iparamdam sa kanya na nagtatampo ako. Naglakad ulit siya pabalik ng kusina at sumunod ako at umupo ako sa lamesa.

"Here. I know you love this." inilapag niya ang pork omelette with smiley face made in Ketchup.

Bakit niya alam na favorite ko ang pork omelette? Paano niya nalaman?

Ayy! Hindi nagtatampo pa din ako.

May inilapag pa siyang ibang putahe tulad ng fried rice, milk and banana. Pero hindi pa din ako nagsasalita. Wala trip ko lang. Gusto ko subukin kung paano maglambing si Dmitri.

Kahit na asawa lang ako ni Dmitri sa papel, may karapatan pa din naman akong magtampo diba?

Kahit hindi ako mahal niya, may karapatan naman akong masaktan diba? Kasi asawa niya pa din ako.

Naalala ko si Loraine. Bakit kaya hindi siya pumunta doon ngayon at ipagluto niya ng pork omelette?

Bakit mas pinili niyang ako ang ipagluto niya ng pork omelette na asawa LANG niya sa papel? Kesa, sa babaeng pinakamamahal niya at heto at bumalik na?

Umupo siya sa harap ko at nananatiling topless. Wala na siyang suot na apron kaya ayan, malaya ko ng nasisilayan ang abs niya na mas mainit pa ata kesa sa pagkain na iniluto niya.

"Let's eat." tumingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti siyang nakatingin sa akin.

Ano kaya ang iniisip nito?

Bakit ganito ang trato niya sa akin?

Iniwas ang tingin ko sa kanya at kinuha ang kubyertos. Kukunin ko na sana ang fried rice pero nilagyan na niya ako sa pinggan ko.

Hindi ko maiwasang mapangiti ng palahim. Hindi ko kasi akalain na may ganitong side pala si Dmitri.

Hayst, ang swerte mo Loraine.

"Kumain ka ng madami. Pumapayat kana." habang sinasabi niya iyon ay nagsasalin naman siya ng gatas sa baso at inilagay sa side ko.

Umubo ako ng bahagya para maiwasan ang pagkailang na nararamdaman ko.

Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon