His One Week Wife
Chapter 25:KUNG sino pa ang iniiwasan mo, siya pa talaga ang nagpakita sayo. Kung panaginip ito, gusto ko na magising. Isang malaking bangungot sa akin ang makita muli siya at ang mahawakan ako.
"I miss you, my wife."
Kumalat sa buong katawan ko ang takot sa nakikita ko ngayon.
Malakas kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya na agad naman niya nabitawan. Kahit mabigat ang mga paa ko pinilit ko humakbang palayo sa taong 'to. Ayoko siya makita o maski makasama siya sa isang lugar. Malaki ang mundo, kaya malabong makita ko pa ulit siya.
Mamaya gigising na din ako at lahat ng ito ay isang masamang panaginip lang. At hindi na ako makapaghintay na magising ako.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Dahil heto na siya ngayon at kayakap ako mula sa likod. Ni ayoko huminga hangga't nasa tabi ko siya.
Pilit ko kinakalas ang sarili ko mula sa kanya pero mas hinihigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin.
"Please don't go, my wife."
My wife?
Ako ba ang tinutukoy niya? Haha! Malamang malabo dahil si Lorraine na ang asawa niya ngayon at hindi na ako at kahit kelan wala na akong balak maging parte ng buhay niya.
It disgust me!
Kung pwede lang gumawa ng ibang mundo para hindi na siya makita pa, matagal ko nang ginawa.
Agad ko siyang tinadyakan sa paa dahilan para makalas siya mula sa pagkakayakap sa akin at mapaluhod sa buhanginan.
Thanks God dahil natuto na ako mag-martial arts.
Tinignan ko siya na walang mababakas na kahit na anong emosyon sa mukha ko.
"I am not your wife, Mister."
At iniwan ko siyang nakaluhod doon.
Nakahinga na ako nang maluwag pagkadating ko mismo sa silid ko. Sinampal ko ang sarili ko para gisingin ang sarili kung panaginip ba ito o hindi.
Nakaramdam ako nang sakit sa ginawa ko at mas lalo akong naging iritado nang malaman na hindi nga ito isang panaginip.
Bakit sa dami ng bakasyunan dito sa bansa, bakit dito ko pa siya nakita?
Ginawa ko ang lahat para hindi na kami magkita pa. Pero bakit mapang-asar ang tadhana?
Tumayo ako at sumilip sa bintana kung saan katapat lang ng silid ko ang dagat na binabalot ng liwanag ng buwan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero hinanap ko ang lugar kung saan ko siya iniwan. At laking gulat ko nang makitang nakaluhod pa din doon at wala pa atang balak tumayo.
Anong trip niya sa buhay?
Imbis na maawa sa kaniya ay sinara ko ang binatana ng silid ko at pinatay ang ilaw.
Dumating na ang sinag ng araw pero hindi man lang ako nakaramdam ng antok. Ngayon nandito kami sa dining area ng resort si baby mikki ay tulog pa din kaya mas lalo ako na bored dahil walang kumukulit sa akin.
"May nasagap akong chismis ngayong umaga." Panimula ni Daphne.
Nagsimula na din ako kumuha ng ulam kahit sa totoo lang wala akong gana kumain. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na nagtagpo ulit ang landas namin ng dati kong asawa. Gusto ko sana sabihin sa mga kaibigan ko, pero para saan pa? He is no longer with me. Siguro nagkataon lang na nagkita kami.

BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)
RomanceMinsan na din pinangarap ni Veronica na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya. Akala niya ay magiging masaya ang pagsasama nila. Ngunit nabigo siya. Dahil kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapalitan ang babaeng mahal na mahal nito. All...