HOWW-28

4.2K 125 3
                                    

His One Week Wife
Chapter 28



NAGAGALIT ako sa mundo. Tinatanong ko ang sarili ko kung ano ba ang mali na ginawa ko sa buong buhay ko para lahat ng taong nasa paligid ko ay saktan ako nang ganito.

Nagmahal at nagtiwala naman ako pero bakit sakit ang ibinigay na kapalit?! Napakadaya ng mundo!

"Ms. CEO, your friends wants to see you." Bungad ng secretary ko pagkapasok nito sa opisina ko kung saan nakatayo ako sa malaking glass window at tinatanaw ang kaduluhan na maabot ng paningin ko.

"Don't ruin my morning. Out."

Wala na akong panahon para pakinggan kung ano man ang paliwanag nila. Sapat na iyong narinig ko.

Sila ang dahilan kung bakit ganito ako katigas ngayon, at hindi nila ako masisisi. Pinili ko maging matigas ang puso dahil ngayon ko lang na-realize na kapag mabait ka sa mga tao, aabusuhin ka nila at sasaktan.

Narinig ko na ang pagsara ng pinto ng opisina ko dahil sa paglabas ng secretary ko. Kinuha ko ang remote na nakapatong sa lamesa ko at pinindot iyon para i-lock ang pinto.

Isang linggo na ang nakalipas mula ng bumalik ulit ako dito sa California. Lahat ng gastusin na ginamit sa hospital ni eman ay pinabayaran ko at pinaisikaso sa secretary ko. At mula din ng araw na iyon ay hindi ko na sila kinausap pa maski ang cellphone ko ay sinara ko na at lahat ng meetings ko ay sa email na ng secretary ko dumadaan at siya na ang bahala para i-set iyon as my new schedule.

Even my parents gusto nila ako kausapin regarding sa gulo na iyon pero lumayas ako at tinalikuran sila. Siguro sinabi na din nila sa parents ko nangyari but I don't care anymore. Besides, I hate arguing because of nonsense.

"The model I suggest for our new product endorser is......."

Nandito ako sa conference room kung saan may nagaganap na board meeting regarding sa magiging endorser ng bago naming launch na new brand ng Black Empire.

"......Ms. Lorraine Obra from Victoria Secrets."

Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng opisina at pumasok ang isang babaeng ilang taon ko nang hindi nakikita. Ang babae dahilan kung bakit ako nasaktan. Nandito siya! At hindi ko alam kung sadyang maliit ba talaga ang mundo at siya pa talaga ang kinuha bilang bagong model ng Black Empire.

Confident siya pumasok sa loob at naglalakad papunta sa harap at nakangiti na yumuko bilang pagbigay galang.

Halos mapunit ko na sa kamay ko ang pagkakahawak sa papel. Hindi ako natutuwa sa nakikita ko. Masyado na siyang nawili kakagulo sa buhay ko at pati ba naman sa sarili kong territoryo ay guguluhin niya ulit ako?!

No fucking way!

Tumayo ako at inihampas ang lamesa habang masamang nakatingin sa babaeng kung sinong matino na nakangiti sa harapan ko. Napatalon sa gulat ang mga kasama ko sa loob ng conference room at ganoon din ang babae na nasa harapan. Nawala ang pagkakangiti nito sa labi nang mapansin niya siguro kung sino ako.

"Who is fucking choose her?" Nanginginig ang boses ko sa sobrang inis na nararamdaman ko.

Taas-noo na nagtaas ng kamay si Mr. De guzman ang nag-share lang ng five percent sa kumpanya ko.

"Collect all your fucking money and leave, Mr. De guzman."

Napatayo ito sa kinauupuan niya at gulat na gulat sa sinabi ko na hindi niya inaasahan.

"What?! What I have done?!" Matalim ko ibinato sa kaniya ang paningin ko.

"The deal is over. Now, get out with that bitch you choose."

Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon