His One Week Wife
Chapter 31TUMATAKBO palabas ng simbahan si Dmitri na agad sinusundan ng camera ng reporter. Sinubukan habulin ng mommy ni Dmitri ang lalaki subalit nakalayo na ito at sumakay na ng sasakyan nito. Agad na dinumog ng mga reporter sa loob ng simbahan si Lorraine na ngayon ay tulala habang yakap ng mga kaibigan nito. Sinubukan siya tanungin ng mga reporter pero wala ni isa siyang sinagot sa mga tanong na ibinabato sa kaniya.
Hindi ko malaman ang dapat ko maramdaman habang pinapanood ko ang balita na iyon na kung saan pinangalanan itong 'Billionaire the runaway groom' napakadaming viewers at talagang nag-trend ito.
Ilang beses ko na pinanood ang balita na ito mula nang makabalik ako sa opisina. Pero heto ako at hindi makapagsalita.
Gusto ko maaawa sa kalagayan ni Lorraine na tulala lamang habang pinapanood ko sa laptop. Mas masakit para sa babae ang pag-iwan sa kaniya ni Dmitri. Hindi man niya narinig ang sinabi nito ng kausapin niya ang pari pero alam ko na ito na mismo ang nagtutol sa kasal nila dahilan kung bakit tumakbo na palabas si Dmitri.
"A billionaire ran out of the church and left the bride inside identified as Lorraine Obra from the Victoria Secret. We try to get a statement from the bride but the family of the woman and the man have stopped us. This is latest update for now. Again, I am Bea Villareal reporting WXYN NEWS."
Kung ganoon tama ang sinabi ni Fade na mismong si Lorraine na ang nagpatigil sa kasal. Pero, bakit?
Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Pero alam ko na ako lang din ang makakasagot kung ako mismo ang hahanap ng kasagutan.
"Miss CEO, your friends wants to see you." Boses galing sa intercom.
Malamang kahit ang mga kaibigan ko alam din nila ang lahat ng ito. Pero bakit hindi nila sinabi sa akin ang bagay na ito?
"Let them in."
Ilang segundo lang ay pumasok na ang sekretarya ko at sumunod ang dalawa na ngayon ay tahimik lang. Hindi ako sanay na ganito kaming tatlo, dahil mula noon pa man hindi kami nagkatampuhan na ganito katagal at talagang maiingay kami kapag kami ang magkakasama.
Umalis na ang secretary ko at kaming tatlo na lang ang nasa loob ng opisina ko.
"Veronica, salamat naman at pinayagan mo kaming makita ka." Daphne.
"Oo nga. At isa pa hindi ka namin trinaydor. Gusto lang namin tulungan si Dmitri dahil nagmamakaawa siya sa amin na makita ka. Sinubukan namin siyang iwasan pero nakita namin kung gaano na siya ka-desperado na makita at maka-usap ka." Myra.
"Please pakinggan mo sana kami. Hindi namin magagawang traydurin ka. Mahal ka namin kaya nagawa namin makipagsundo kay Dmitri."
Sunod-sunod na paliwanag nila. Ni hindi na nga nila magawa umupo para lang makapagpaliwanag sa lahat ng mga nagawa nila.
"Hindi ba kayo nangangalay?" Tanong ko sa kanila na agad nag-iwan ng pagtataka sa mukha nila. Dahil sa haba ng sinabi nila iyon ang isinagot ko.
"Pwede kayong umupo habang nagpapaliwanag." Pilit ko na hindi matawa sa itsura nilang dalawa.
Sa totoo lang matagal ko na silang napatawad. Kaya ayoko lang sila makita dahil nagtatampo ako kasi mas pinaburan pa nila ang ex-hussband ko kesa sa akin na kaibigan nila. At isa pa, paano ako magagalit sa kanila nang matagal kung hindi dahil sa kanila baka nagpakamatay na ako sa sakit na ibinigay sa akin ng pag-ibig.
Agad sila nagtalima at umupo sa couch ng opisina ko. Tumayo ako at umupo sa single couch na katapat nila.
"May mga bagay ako na gustong malaman. At alam ko na may alam kayo sa mga itatanong ko."
Sabay sila nagtanguan bilang pagsang-ayon.
"Yung tungkol sa kasal ni Lorraine. Alam niyo ang bagay na iyon?"
Napatingin silang dalawa sa akin na may halong pagtataka. Siguro iniisip nila kung paano ko nalaman iyon.
"Bakit hindi sinabi sa akin?"
"Ang sabi mo noon, ayaw mo na makatanggap na kahit na anong balita tungkol kay Dmitri kaya hindi na namin nagawang sabihin sa iyo ang bagay na iyon." Daphne.
"At isa pa, pinatay mo na ang lahat ng bagay na may konektado sa communication kaya paano mo malalaman?" Myra.
"Kaya niyo tinulungan si Dmitri para guluhin ulit ang mundo ko?"
"Oo. Nasaksihan namin kung gaano na siya ka-miserable mahanap ka lang. Sobrang desperado niya. Naag-hire pa siya ng ilang private investigator para mahanap ka. Pero dahil isa ka sa mga may impluwensyang tao sa mundo kaya hindi ka basta-basta natagpuan ng P.I." Daphne
"Kaya niyaya kana namin magbakasyon sa Pilipinas kahit na alam namin na hindi ka sasang-ayon." Myra.
"Pero ang totoo, hindi talaga bakasyon dahil nandoon na mismo si Dmitri sa resort." Daphne
"Gusto niya sana magpakita sa iyo kaagad pero sabi namin at saka na lang muna para hindi ka mabigla at iyon palihim kana niyang sinusundan." Myra.
Ah! Kaya pala parang laging may nakamasid. Siya na pala iyon. Ang akala ko guni-guni ko lang iyon.
"Hindi naman kami gagawa nang hakbang kung mapapasama ka, nica. At isa pa, nagawa lang namin iyon dahil naaawa na kami sa kalagayan Dmitri. Kung nasaktan ka man niya ng sobra, nagsisisi naman siya sa lahat ng mga ginawa niya." Daphne.
"Bakit naglihim kayo sa akin? Hindi ba't nangako tayo sa isa't isa na walang lihiman? Dahil nangako tayo."
Wala ni isa sa amin ang nakapagsalita. Pareho kaming nagpapakiramdaman kung sino ang gustong magsalita.
Sa loob ng kinse na taon naming pagkakaibigan. Ito ang kauna-unahang nagkaganito kami. Oo may mali din ako na nagawa pero hindi ako nag-atubili na humingi ng sorry sa lahat ng iyon. Pero ang paglihiman ako, isa sa mga dinadamdam ko.
"Nagawa namin maglihim sayo. Dahil gusto namin maging maayos ka. Gusto naming tulungan ka/kayo ni Dmitri. Kasi kahit hindi mo sabihin sa amin, alam namin na mahal mo pa din ang dating asawa mo. Hindi mo lang masabi dahil natatakot ka lang na masaktan ulit."
Pinapakinggan ko lang sila sa lahat ng mga sinasabi nila.
"Sana mapatawad mo kami. Gusto lang namin na maging masaya ka ulit. Dahil hindi ganyan ang veronica na nakasama namin sa loob ng mahabang panahon."
Tuluyan ng tumulo ang luha ko sa lahat ng mga sinabi nila. Tunay ko nga silang kaibigan, kilalang-kilala nila ako mula ulo hanggang paa.
Tumayo sila at niyakap ako. Hindi na ako tumutol pa dahil nag-iyakan na kami. Sobrang namiss ko sila, yung kakulitan at kaingayan nila sobrang miss ko na. Kung hindi dahil sa kanila baka lalo ako nasira at hindi na muli nabuo. Nandyan sila nung mga panahon nawasak ako. Tinulungan nila ulit ako mabuo muli ang sarili ko at wala akong narinig na kahit na ano sa kanila. At sa kabila nang itinulong nila ganito pa ang isusukli ko?
"Sorry." Sambit ko sa kanila at niyakap silang dalawa.
Naramdaman ko naman na lalo nila hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Dahilan kung bakit ako naluha.
"Sorry din." Sabay na sambit nila.
Sa gitna ng pagluha hindi ko maiwasang mapangiti. Ang sarap sa pakiramdam na nakapatawad ka sa mga tao na nakagawa sayo ng hindi maganda at pinatawad ka din nila sa mga nagawa mo sa kanila.
Ang sarap sa pakiramdam.
Thanks for reading..

BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)
RomanceMinsan na din pinangarap ni Veronica na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya. Akala niya ay magiging masaya ang pagsasama nila. Ngunit nabigo siya. Dahil kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapalitan ang babaeng mahal na mahal nito. All...