His One week Wife
Chapter 8:
HINDI ko alam kung paano ako nakauwi dito sa bahay. Masyado akong pagod na pagod hindi lang katawan ang napagod pati damdamin ko pagod na pagod na sa nangyayare.
Inilapag ko sa ibabaw ng lamesa ang mga pinamili ko. At hinang-hina na napasandal sa lababo.
Gusto ko magwala. Gusto ko magpakamatay para hindi na ako makaramdam ng sakit. Hirap na hirap na ako! Gusto ko saktan ang sarili ko, bakit ba ang manhid-manhid ko?! Bakit ba ang tanga-tanga ko? Bakit ba ang martyr ko?
Bakit?!
Mahal na mahal ko si Dmitri. Yung simpleng paghanga lang noon nung college ako, lalong lumala mula ng mapalapit ako sa kanya ng hindi sinasadya.
Flashback
Maaga natapos ang klase namin. At kahit maaga natapos ang klase namin ay sandamakmak naman ang project at homework ang ibinigay sa amin ng nga professor namin. Nyemas!
"Tara, sa bahay na lang tayo magsigawa ng assignment." sabi ni Daphne na tapos nang magligpit.
"Oo nga. Tara nica, kila Daphne tayo."
Napatingin ako sa kanilang dalawa at ngumiti."Hindi na. Sa library ako gagawa ng assignment." sabi ko at sinuot na ang backpack ko.
Hindi ko na hinantay na magsalita silang dalawa. Alam ko namang hindi paggawa ng assignment ang gagawin ng mga 'yan. Kundi chismis ay bonding ang gagawin nila, kaya ang ending ayon walang nagawang assignment. Naaalala na lang nila kapag nasa school na. Hayst!
Pero kahit ganoon. Support ko naman sila kung ano yung pinagchichismisan nila. Yung bang nasa lugar lang.
Ayoko kasi gumawa ng assignment sa bahay. Lagi kasing maingay doon tas uutusan ako ni mommy na mamalengke tapos tuturuan niya pa ako sa secret recipe niya. Ewan ko ba, ang laki naman ng negosyo ng papa ko pero bakit ayaw nila kumuha ng kahit isang kasambahay.
Inilista ko ang pangalan ko sa entrance ng library at umupo sa pinakadulo ng library kung saan walang iistorbo sa akin.
Tatlong estudyante lang ang nasa loob ng library ay hindi apat pala kasama ako.
Ako yung tipong mas gusto pa kasama ang libro kesa sa barkada. Hindi naman sa sinasabi ko na masamang impluwensya yung barkada. I mean, books makes you smarter, unlike friends makes you crazier.
Pero syempre may social life ako noh. Nakikipagbonding pa din ako sa kanila. Like manonood ng sine, mangti-trip. Pero yung makikipaglandian. Nah! I am loyal to my Dmitri miloves.
Kahit na may girlfriend yung tao alam ko naman na hindi masama humanga sa kanya. Napaka-perfect niya hindi lang sa paningin ko pati sa paningin ng mga estudyante st guro dito sa university.
Alam ko naman na hanggang paghanga lang ako sa kanya. Ang hirap kaya niya abutin. Kahit magka-business partner yung mga magulang namin, kahit kelan hindi ko siya nakausap ko nakasama man lang sa dinner ng mga magulang ko at ng kaniya.

BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)
RomanceMinsan na din pinangarap ni Veronica na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya. Akala niya ay magiging masaya ang pagsasama nila. Ngunit nabigo siya. Dahil kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapalitan ang babaeng mahal na mahal nito. All...