His One Week Wife
Chapter 23Veronica P.O.V
SA LOOB ng dalawang taon na pananatili ko dito sa California, sobrang daming nagbago. Mula nang iniwan ko ang Pilipinas, maraming dumating na tao sa buhay ko. Marami akong nakasalamuha na iba't ibang lahi dahil sa negosyo.
My Dad let me manage or company. Nung una, nagulat siya sa sinabi ko. Pero wala na siyang nagawa pa.
Ngayon, nakatayo ako sa isang malaking glass window habang hawak ang isang wine glass na may lamang red wine.
Nakatanaw ako sa malayo habang tinitignan ang papalubog na araw.
Mula nang napasaakin na ang kumpanya kahit kelan hindi ito nagkaroon ng kahit na anong problema. That's why my dad so proud of me.
Itinuon ko ang pansin ko sa kumpanya. Halos buong mundo nailibot ko na dahil sa business deal.
At dahil sa nangyare mas lalong lumaki ang potential ng Black Empire.
Halos lahat na nang malalaking negosyo sa buong mundo ay may connection na sa akin.
Ang isa na lang ang hindi ko dapat pwede ipapasok sa buhay ng mga business.
Iyon ang Weinstein Company.
Alam ko sa sarili ko na mas lalong lumaki ang lakas ng kumpanya naa si Dmitri mismo ang naghahandle. Dahil mapa-hanggang ngayon ang Weinstein Company pa din ang The Most Successful business Worldwide.
At ang Black Empire ang pumapangalawa.
"NICAAAAAA!!!!"
"MAMAAAAAAAA!!!"
Napabuntong hininga ako dahil naririnig ko na naman ang boses ni Daphne kasama ang anak nito na sa dinami-daming pwedeng manahin sa kanya ay yung pagiging maingay pa.
Hindi ko rin maintindihan sa mag-inang 'to, mas madalas pa ang pagpunta dito sa opisina kesa sa asawa niya.
Nalaman ko dalawang taon na ang nakakaraan na ikakasal na si Daphne. Nagulat na lang ako isang araw habang nasa gitna ako ng business meeting ay nagpadala siya ng invetation sa akin.
Si Dr. Emanuel Jay pala ang napangasawa niya. Siya yung lalaking nakakita sa akin noon na lumabas sa building na sugatan.
"Hello, Baby mikki." Kinarga ko ito at pinaghahalikan ang pisngi.
'Mama' ang tinatawag sa akin ni baby mikki dahil parang pangalawang ina na daw ako nito. Si Daphne pa nga ang nagturo sa sariling anak na itawag sa akin ay 'Mama'. Baliw talaga.
Matapos ko umalis noon sa Pilipinas ay tinupad nga nila ang sinabi nila sa akin na susunod agad sila pagkatapos ng mga naiwan nilang trabaho sa Pilipinas.
"How's your school?"
Tanong ko habang buhat siya.
"Its fine, mama. Besides, I have so many friends na po."
"Really? I am so proud of you."
Ibinaba ko si baby mikki at hinayaan itong tumakbo sa loob ng opisina. Tinginan ko si Daphne na ngayon ay nagse-selfie.
"Hoy! Halos araw-araw ka nang nagpipicture tuwing pupunta ka dito."
Nag-take muna siya ng isang picture bago humarap sa akin.
"Bakit ba? I just want to share to my friends, where am I."
Napa-irap na lang sa sinabi niya.
"Anong sadya mo dito?"
Nag-post muna siya sa Instagram bago humarap sa akin.
"Myra and I decided to vacation in Philippines. You know naman na we are so stress na because of our work."
Hindi ko pinansin ang pagiging slang-slang-an niya.
Bumakas sa mukha ko ang pagtataka. Bakit kailangan pa nila mag bakasyon sa pilipinas kung pwede sa iba na lugar na lang like jeju island.
"And of course, sasama ka sa amin."
Doon na tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Bakit sa pilipinas pa? Pwede naman sa iba like Ice land, Canada, or even Jeju Island."
Siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay.
"Myghad! Nica! Its been two years. Bitter ka pa din?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"What the hell your talking about? I just want to suggest."
"Whatever, nica. At saka wala ka naman pagpipilian dahil naka-book na kami ng first class flight."
May kinuha siya sa bag at inabot sa akin.
"See you next week. Baby mikki let's go na."
Aangal pa sana ako pero nakalabas na sila ng opisina.
Hinagis ko sa office table ko ang ticket at inis na umupo sa swivel chair ko.
Hindi naman sa ayaw ko bumalik ulit sa Pilipinas. Alam ko naman sa sarili ko na tuluyan na ako nakalimot ni hindi ko na matandaan kung ano na ang itsura ngayon.
Mula kasi nang umalis ako ng Pilipinas, kinalimutan ko na ang lahat ng masasamang alaala. At isa pa, marami pa akong business meeting para sa darating na buwan.
Ten thirty na ng gabi nang maka-uwi ako. Naabutan ko sina mommy at daddy na parang teenager na naglalambingan sa kusina. Si mommy naglalagay ng icyng sa cupcake na ginawa niya habang si dad naman nasa likuran niya at nakayakap kay mom.
Napa-irap na lang ako.
"I'm home!"
Sabay silang napatingin sa akin at tuwang-tuwa na kinuha ang cupcake na ginawa niya. Iniabot niya ito sa akin na agad ko namang tinanggap.
"Finally, you are home now. Its been three weeks since you back here."
"I'm busy mom, and besides Daphne and Myra decided to vacation in philippines." Kinagat ko ang cupcake at napapikit ako sa sarap nito.
Akala ko ay magugulat si mommy sa sinabi ko. Lumawak ang ngiti nito sa akin at ganoon din si dad.
Kinilabutan naman ako sa ngiti nila na parang may pinaplano.
"What's with that creepy smile?"
Hindi ko tuloy maiwasan hindi sila tarayan.
"Nothing, baby. You should pack your things."
"Isang linggo pa bago ang bakasyon, mom."
"Mas magandang maaga ka maghanda."
Hindi na ako makapagsalita dahil tinulak na ako ni mommy papuntang kwarto.
Akala ko ay iiwan na ako ni mommy sa loob ng kwarto pero nagulat ako ng ilabas na niya ang isang maleta ko at inumpisahan ako ipag-impake ng mga damit.
"Mom, matagal pa 'yon."
Pero hindi niya ako pinansin at tuloy pa din siya sa pag-ayos ng gamit ko.
"Mom, that's too much."
Tuloy pa din siya sa pag-ayos.
Humiga na lang ako sa kama. Hinayaan ko na lang si mommy sa ginagawa niya. At saka ko na lang babaawasan kapag ako na lang mag-isa.
Pumikit na lang ako dahil nakaramdam ako nang antok.
Thanks for reading.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)
RomanceMinsan na din pinangarap ni Veronica na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya. Akala niya ay magiging masaya ang pagsasama nila. Ngunit nabigo siya. Dahil kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapalitan ang babaeng mahal na mahal nito. All...