HOWW-04

4.8K 109 0
                                    





His One Week Wife
Chapter 4:
DAY 1





PINUNASAN ko ang luha ko kahit patuloy sa pagtulo ang mga ito.

Kelan ba mauubos ang mga luha ko?

"S-sandali, D-dmitri." agad naman siyang napahinto sa pag akyat pero nanatili lang siyang nakatalikod, inaabangan kung anong sasabihin ko.

Siguro maraming maiinis sa sasabihin ko kay Dmitri. Pero wala, hindi ko kaya na hanggang dito na lang kaming dalawa.

"P-pwede b-ba ako humingi nang p-pabor?" pilit kong inaayos ang pagsasalita ko.

Wala akong narinig na kahit na anong sagot mula sa kanya, kung di ang malalim niya lang na pagbuntong hininga.

"C-can I be your wife for just a w-week, Dmitri?"

Tanga ba ako?

Martyr?

Boba?

Bulag?

Manhid?

Battered wife?

Ano pa ang gusto niyong itawag sa akin?

Ano pa ang magandang itawag sa akin?

Anong magagawa ko? Hindi ko kayang mawala si Dmitri! Kahit sinasaktan niya ako paulit ulit, ay nananatili pa rin ang pagmamahal ko sa kanya.

Mahal ko siya kahit hindi niya ako magawang mahalin.

Akala ko hanggang sa telenovela ang ganitong pangyayare. Akala ko kapag nagtiis ang isang bida ay matutunan rin ito mahalin pabalik ng taong mahal niya. Pero mali ata. Kahit anong gawing kong pagmamakaawa, kahit baliktarin ko ang mundo ay hindi ko mababago ang damdamin ng isang Dmitri Weinstein.

At ilang minuto ang naging katahimikan bago ko narinig ang sagot niya.

"Fine." at tuluyan na siyang pumunta sa Master's bedroom.

Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko ay nakaramdam ako ng ligaya nang pumayag siya.

Ano kaya ang pakiramdam maging asawa ng isang Dmitri Weinstein?

"Maam veronica." agad kong pinunasan ang luha ko bago humarap kay manang lucy.

"Yes po, manang?" tanong ko at ngumiti sa kanya ng pilit.

"Pasensya na po, pero nakita ko po kasi ang nangyare? Ok lang po ba kayo?"

Hindi ko na nasagot si manang dahil yinakap ko na ito nang mahigpit.

Gusto ko sabihin kay manang na hindi na ako okay. Hindi na ako magiging okay. Wasak na wasak na ako. Durog na durog na ang pagkatao at damdamin ko.

Hindi ko na alam kung paano ko ulit bubuoin ang sarili ko. Hindi ko alam kung kelan ulit ako magiging masaya pagkatapos ng isang linggo. Alam ko kapag dumating na ang araw na 'yon. Iyon na ang katapusan naming dalawa, tuluyan na siyang magiging malaya sa piling ko. Tuluyan ng matatapos ang ugnayan naming dalawa bilang mag-asawa.

Hinaplos ni manang ang likod ko habang ako ay umiiyak sa balikat niya.

"M-manang. I-I'm i-in p-pain."









MAAGA akong nagising para ipagluto si Dmitri ng agahan. Ito ang unang araw kung saan pagsisilbihan ko siya bilang asawa niya.

Agad akong naligo at nagbihis ng komportable at saka bumaba.

Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon