His One Week Wife
Chapter 36NAKASANDAL ako sa pader sa labas ng operating room. Ilang oras na ako nandito at kinakabahan kung ano ang magiging resulta sa pag-opera kay veronica.
"DMITRI? WHERE IS MY DAUGHTER?" Napalingon ako kay tita, mommy ni veronica. Kasama nito si tito at ganun din ang parents ko.
Agad ako nagmano sa kanila bago sumagot sa tanong nila.
"She's in operating room."
"Ohgod!" Nagsimula nang humagolhol ang mom ni veronica. Agad naman itong niyakap tito.
"Ano ba ang nangyari, anak?" Tinignan ko naman si mommy at iniexplain sa kanila ang nangyari.
"At ano kasi ang ginagawa mo sa bridge na iyon at doon mo pa naisipan na tumabay?"
Sa tono nang pananalita ni mommy, parang kasalanan ko ang nangyari. Gusto ko mangatwiran sa kanila pero para saan pa kung mas pinapanigan pa nila si veronica kesa sa akin?
"Uuwi na ako."
Hindi ko na inantay na magsalita pa sila dahil tumalikod na ako at naglakad na palayo sa kanila.
Mula sa araw na ito, isunusumpa ko na ito na ang huling araw na magkakaroon ako nang malasakit at awa sa mga tao.
Lumipas ang ilang linggo at graduation na namin. Nakatanggap ako ng isang Latin Honor at tuwang-tuwa ang mga magulang ko. Gusto ko pa nga sana makasama ang mga kaibigan ko para mag-celebrate pero wala na akong gana. Dahil bukas mismo ang kasal ko.
Iniwan ko ang magulang ko sa PICC at agad na nagmaneho pa-uwi. Walang kwenta ang araw na ito dahil iniisip lang nila ang kasiyahan nila kesa sa kasiyahan ng anak nila.
Mabilis ako pumasok sa loob ng mansyon at hinagis sa kung saan ang toga ko. Masaya sana ang mga araw na ito kung sabay kami grumaduate ng babae mahal ko. Ito ang araw na nangako ako sa kaniya na papakasalan ko siya pero hindi ko akalain na sa ibang babae pala ako ikakasal.
Dumiretso ako sa kwarto ko at humiga. Pagod na pagod sa nangyayari at sa mangyayari pa.
Natuloy na ang kasal at nagsimula na din ang pagka-impyerno ng buhay. Pagkatapos na kasal kasabay naman ng pagmanage ko nang dalawang kumpanya. Minsan na lang ako umuwi sa mismong tinitirahan namin ni veronica, madalas nasa business vacation ako o kaya nasa bar para mambabae. At iniuuwi ko sa bahay ang babae na bitbit ko. Pero walang nangyayari sa amin, gusto ko lang siya mag-give up sa arrange marrige na meron kami. Sinasaktan ko din siya gamit ang masasakit kong mga salita at kung minsan pinagbubuhatan ko siya ng kamay. Naging matigas ako at nawalan ng pake sa mga taong nasa paligid ko. Dahil yung mga taong nasa paligid ko ang dahilan kung bakit ako naging ganito katigas. Dumating nasa punto na nag-file ako ng annulment dahil isang taon na din ang nakakalipas at kasabay naman nito ang paghanap ng private investigator ko kay Lorraine. Natagpuan nila ito sa France at isa ng fashion model sa isang sikat na fashion show sa New York at nagkaroon ng isang mini business sa France. Tuwang-tuwa ako nang makita ko siya malaki na din ang pinagbago nito na lalong nagpatibok ng puso ko.
Umuwi ako ng pilipinas at sa hindi ko inaasahan nagtalo ulit kami at pinagbuhatan ko na naman siya ng kamay. Akala ko susuko siya pero nagulat ako na sa gitna ng pagtatalo namin humiling siya nang isang bagay na kahit kelan hindi pumasok sa isip ko.
"Can I be your wife for just a week, Dmitri?"
Hindi ba siya susuko?
Hindi ba siya napapagod kakaiyak?

BINABASA MO ANG
Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)
RomanceMinsan na din pinangarap ni Veronica na maikasal sa lalaking mahal na mahal niya. Akala niya ay magiging masaya ang pagsasama nila. Ngunit nabigo siya. Dahil kahit anong gawin niya, hinding-hindi niya mapapalitan ang babaeng mahal na mahal nito. All...