HOWW-15

4.4K 102 0
                                    


CHAPTER 15
DAY 6


SA lahat ng sakit at lungkot na naranasan ko buong buhay ko dulot ng pagmamahal ko ng sobra kay Dmitri. Isa lang masasabi ko. 'Worth it!'

Akala ko hanggang pangarap na lang na mahalin din ako pabalik ni Dmitri. Pero heto na at katabi ko na siya sa isang kama. Ang sarap sa pakiramdam na nag-isa kami kagabi. Pinag-isa kami dulot ng pag-ibig. At wala akong pagsisisi na naibigay ko ng buo ang sarili ko.

Ninakawan ko siya ng halik sa labi at saka bumangon. Walang alinlangan na naglakad ako na walang saplot sa katawan patungo sa banyo na nasa kwarto lamang.

Nakangiti akong tumingin sa salamin bago inumpisahan ang pag-ayos sa sarili.

Napakaganda ng araw. Pakiramdam ko ngayon, punong-puno ng pag-asa ang lahat.

Pagkababa ko patungong kusina namula ang mukha ko nang makita ko ang damit ko na nasa kusina. Kapag naiisip ko ang nangyari kagabi nakakaramdam ako nang kilig.

Kinuha ko ito at inilagay muna sa maduming labahan. Inumpisahan ko na ang pagluluto. Balak ko sana magluto ayon sa hilig ni Dmitri.

"Good morning."

"Ayy kabayo!"

Nabitawan ko ang sandok dahil sa nakayakap mula sa likod ko si Dmitri. Ramdam ko pa ang mainit niyang hininga sa batok ko na ngayon ay hinahalikan niya.

"D-dmitri." bago pa mapunta sa kung saan ang kamay niya ay pinigilan ko na ito. Mahirap na, masyado pa naman akong marupok sa mga haplos niya.

Kinagat niya ang kaliwang tenga ko bago umupo sa upuan. Napailing na lang ako sa ginawa niya. Minsan talaga may pagkapilyo si Dmitri.

Nakangisi siya ng nakakaloko sa akin habang sinusundan niya nang tingin ang bawat lakad at galaw ko habang dala ang mangkok na may laman ng iniluto ko.

"Your favorite, sopas."

Flashback

Sinalubong namin nina mom at dad sina tita julie at tito Dino kasama din si Dmitri na ngayon ay seryoso ang mukha ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Pero ayos lang 'yon dahil finally makakasal na din ako sa ultimate crush ko plus sa isang hearthrob ng wagon university.

"Good to see you again." nakangiting bati ni tita julie kay mom. Nagbeso sila at sila dad naman nag-shake hands lang at may pagtapik pa sa balikat ng isa't isa.

"Hi Veronica! You always look beautiful." nag-beso din ito sa akin at ganoon din ang ginawa ko sa kanya.

"Thank you tita, kayo din po."

Pumasok na kami sa loob at pare-parehong nag-si upo sa kanya-kanya naming upuan. Katapat ni mom si tita julie habang si dad naman ay magkatapat sila ni tito Dino sa magkabilang dulo ng lamesa at ako katabi ko Dmitri na ngayon ay tahimik.

Sinubukan ko siyang ngitian pero kahit isang segundo man lang hindi niya ako tinapunan ng tingin.

Maraming putahe na naka-hain sa lamesa may isang buong letchon na may mansanas pa may mga gulay at yung pinaka-soup namin ay sopas.

Pina-request ko din kasi kay mommy na magluto siya ng sopas kasi iyon talaga ang pinaka-favorite ko sa lahat ng mga pagkain na alam lutuin ni mommy. At syempre gusto ko din matikman ni dmitri ang isa sa mga favorite kong pagkain.

"After this wedding. Balak ko sanang si Dmitri na ang mag-patuloy pa ng company." tito dino.

Nagulat ako sa sinabi ni tito dino. Palihim kong sinilip si Dmitri kung nagulat din ba ito sa sinabi ng ama pero wala man lang kahit na anong reaksyon na mababakas sa mukha niya.

Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon