HOWW-14

4.5K 126 5
                                        

CHAPTER 14
DAY 5.2

MASAYA sa pakiramdam. Wala akong mapaglagyan ng saya ang nararamdam ko mula kanina pang-umaga.

Nandito ako sa living area at tinitignan ang sandamakmak na rosas na nakapatong sa center table. Ang ganda ng pagkakasunod-sunod ng mga bulaklak. Napakaganda tignan yung mga kulay.

Napahawak ako sa ring finger ko at nakangiting tinignan ang diamond ring na kaninang umaga niya lang binigay.

Tinapon nga niya ang dating wedding ring. Sabi niya panget daw ang mga alaala ng wedding ring 'yon.

Pinalitan niya daw ng bago dahil iyon daw simula naming dalawa at pinakita niya din ang wedding ring na katulad sa akin.

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala sa nangyayari. Minsan mapaglaro ang tadhana, sasaktan ka muna niya sa una, paiiyakin hanggang sa hindi kana makahinga kakaiyak pero bandang huli worth it pala ang lahat.

Ngayon na lang ulit bumalik ang totoong sigla sa buong pagkatao ko.

'Sana hindi na matapos ang lahat ng 'to.'

Pumasok si Dmitri sa opisina. Ayaw pa nga niya pumasok dahil gusto niya pa ako makasama pero sabi ko mas importante ang trabaho.

Kaya heto ako parang timang na nakangiti mag-isa. Hindi pa din kasi humuhupa yung kilig ko.

Hindi pa namin napag-uusapan ni Dmitri ang tungkol kay Lorraine. Pero sabi niya siya daw ang bahala 'don. Kaya kahit papaano kumalma ako.

Pero kapag naiisip ko na masasaktan ko/namin si Lorraine, nakokonsensya ako. But it doesn't mean na pakakawalan ko si Dmitri dahil sa konsensya ko. No way!

Minsan na lang ako magdamot kaya lubos-lubosin ko na.

Nag-umpisa na ako magluto para sa dinner namin ni Dmitri. Feel na feel ko pa ang paghahalo ko sa niluto ko.

Ngunit dumating na ang alas-onse ng gabi pero wala pa ding Dmitri na umuuwi. Sabi niya maaga siya uuwi dahil sasabayan niya ako mag-gabihan pero anong oras na at wala pa din siya. Hindi pa din ako kumakain dahil inaantay ko siya, kasi gusto ko siya kasama kumain.

Lumipas ang oras at alas-dos na nang madaling araw pero wala pa din. Inaantok na ako at nagugutom. Nakailang baso na din ako ng tubig para matabunan ang gutom ko. Humiga ako sa sofa, siguro dito ko na lang siya aantayin.

Nagising ako nang marinig ko ang paghinto ng sasakyan. Agad ako tumayo at bumangon. Inayos ko pa ang magulong buhok ko bago naglakad papunta sa pinto.

Pagkabukas ko sumalubong sa akin ang isang lasing na Dmitri. Namumungay na ang mga mata nito na tumingin sa akin at ngumiti.

"Bakit ka naglasing?" inalalayan ko ito hanggang sa maka-upo kami sa sofa.

Sinara ko muna yung pinto at bumalik sa kanya.

"ASAWA KO!" buti na lang kaming dalawa lang sa loob ng bahay kaya kahit na sumigaw siya kami lang ang makakarinig.

Hindi ko maintindihan pero ramdam ko na may pinagmulan ang lahat kung bakit naglasing ito.

Kaninang umaga, ayos naman siya at mukhang walang problema. Pero heto at uuwi ng lasing na lasing.

Billionaire's Series 2: His One Week Wife (On-going)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon