01: Realidad

229 37 6
                                    

Sabi nila, bilog ang mundo kaya kahit talikuran mo ang problema mo, sa huli haharapin mo rin yan sa ayaw at gusto mo. Kaya kahit minsan gusto mo mang tumakas at maglaho nalang ay wala kang magawa kundi harapin ang lahat. Magisa ka man o may kasama.

Sa mundong ginagalawan ko madalas kong maramdaman ang pag-iisa. Madalas kong naiisip na unfair ang mundo.Minsan hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko pag nasa isang sitwasyon ako na sobrang kumplikado. Minsan naman hindi ko maiwasang sisihin ang ibang tao.

Ako 'yung tipo ng tao na palaging binibigay ang lahat sa ngalan ng pangarap. Pero 'yung mga ibinibigay at tinataya ko pagdating sa inaasahan kong finish line ay hindi nagiging sapat. Kung baga trying hard but still not enough.

Positibo akong tao at ang totoo naniniwala ako na walang imposible hanggat humihinga ako. Pero minsan pag masyadong masakit ang hagupit ng realidad, nalilito rin ako sa kung ano ba 'yung mga hindi at kung ano ang dapat.

Bawat isa ay may kanya-kanyang kwento na humubog sa kanya-kanyang pagkatao. At ang personalidad na palaging maging matatag ay katangiang mas pinipili ng lahat kesa sa salitang “give up”.

Totoo na mahirap ngumiti o tumawa lalo na kung hindi ka naman talaga masaya. Kasi kahit ikubli mo ang lahat ng sakit sa loob mo ay may posibilidad na hindi 'yun naitatago ng mga mata.

Pero masasabi ko na dito ako magaling...dito ako bihasa. Pero teka nga? Sino nga bang hindi marunong magsuot ng maskarang nakangiti palagi o maglaro ng tagu-taguan feelings?

Opss...don't get me wrong.
It's not a romantic story.
And my name is F a r a h.

*****
<Note>
Please support this first story of mine.
Do not forget to read, vote
or leave some comments for my improvement.
T H A N K Y O U!

#Ikaw_Lang
#supportmychannel
#missjaz

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now