“Oh my God! asan -asan na!” May pagpapanic na sabi ko habang hinahanap ko ang ilang mga gamit ko.
“What happened?” Tanong sa akin ni Gwyneth na kakadilat lang at pilit bumabangon para lang usisain ako.
“It's already 8:30 in the morning, hanggang 8:00 o'clock lang ang paalam ko kay papa Francis at may lakad s'ya today, My gosh!” Sabi ko. Habang sinusukbit ko ang backpack ko.
“Okay..okay kalma.” Sabi naman ni Gwyneth na nakatayo na at nakapamaywang napinapanood akong natataranta.
“Sorry guys, and thank you talaga sa bonding lastnight, namiss ko talaga 'yun and babawi ako next time okay.” Sabi ko habang mabilis kong sinusuot ang sapatos ko. Lumapit ako kay Gwyneth at bineso s'ya saka kay Agatha na mahimbing parin ang pagkakatulog. Hinalikan ko ito sa noo at saka ako ugagang lumapit sa may pinto.
“Wait! is it yours?” Biglang tawag at tanong ni Gwyneth habang hawak n'ya ang Page of My Life notebook ko. Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko.
“Yeah!” Sabi ko at mabilis akong lumapit sa kanya, binuksan ko ulit ang bag ko at ipinasok ito saka ako mabillis na sumibat.
“Hatid kita? may kotse si Agatha.” Pahabol na alok n'ya.
“Hindi na, kayang-kaya ko na 'to thanks!” Sagot ko sa kanya pagkalabas ko ng pinto.
At dahil bungad naman ang bahay ni Agatha sa malawak na daan kung saan mas madalas nadaan ang mga sasakyan ay hindi ako nahirapang makapagpara ng tricycle. Mabilis akong sumakay sa tricycle at nagpahatid sa bungad ng purok-uno. Nakahinga ako ng maluwag ng makasakay na ako at saka ko kinuha ang cellphone ko sa bag. Binuksan ko ito at doon ko lang nakita at nabasa ang mga text ni papa na;
“Nak, asan kana? baka malate ako mamaya ah.” “Nak, pauwi kana ba?” “Nak, dito lang ako sa bahay antayin nalang kita, text ka nalang pag pauwi kana.” Huminga ako ng malalim at bahagya kong sinampal ang noo ko dahil sa kapabayaan ko. Buti nalang talaga at hindi pa kailan man nagalit si papa Francis sa akin. Nakita ko rin ang tatlong missed call mula sa kanya kaya agad akong nagtext at nag sorry sa kanya. Sinabi ko rin na pauwi na ako.
Sumandal ako sa kinauupuan ko at dumungaw sa labas. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko nanaman si Axel. Nakaporma ito at talagang parang nag slowmotion nanaman ang mundo ko.
Tila bumagal ang pagtakbo ng tricycle at na focus sa kanya ang mga paningin ko habang muling nagsasalisi ang mga landas namin.Nabaling ang tingin ko sa magandang babaeng kasama n'ya. Biglang nayanig ang buong paligid ko sa naghahalo kong pakiramdam, dahil sa unang pagkakataon ay nakita ko ang babaeng sinasabi nina Agatha at Gwyneth.
“Maganda nga.” Naibulong ko sa sarili. Nakaramdam ako ng lungkot paglampas ko sa kanila. At hindi maalis sa isip ko ang mga ngiti ni Axel na dulot ng saya habang hawak n'ya ang kamay ng kasintahan n'ya. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay nangilid ang mga luha ko sa pagkainis. Inis hindi para kay Axel o sa babaeng kasama n'ya, kundi inis ko sa sarili at sa emosyon ko sa tuwing nakikita ko si Axel kahit alam ko namang wala akong karapatan.
“Selos ka? Bakit sino ka ba sa buhay n'ya?” Bulong ko sa kawalan.
“Magmamahal ka nalang Farah, sa taken pa, haykss!” Dugtong ko,
At hindi ko maipagkakaila ang lungkot na bumalot sa puso ko.Nasaisip ko pa ang mga eksena kanina ng biglang huminto ang tricycle. Akala ko ay nasa bungad na ako ng purok-uno.
“Ma'am pasensya na, na flatan po ako e. Hindi na po kita maihahatid sa pinaka destinasyon mo.” Paliwanag ng driver.
YOU ARE READING
Silent Cries (Completed✔️)
Ficción GeneralFarah Cruz She is the happiness of others but she is not happy with herself. A lover and hater. Sometimes winner but loser. Should be motivated but hopeless. She's a woman not a girl. Written by: Miss Jaz