<Jonathan's POV>
Nagluto ako ng adobong manok at Chiken mami para may higupin s'yang sabaw. Pagkatapos kong ihanda ito at ilagay sa food tray at mabilis akong umakyat.
Kumatok ako sa pintuan at nakita ko s'yang tulala sa kawalan. Kinuha ko ang food table bed desk na madalang ko lang gamitin. Napansin ko naman ang pagkabigla n'ya sa akin nang ilapag ko ito sa harap n'ya. Nginitian ko s'ya at hindi naman s'ya nagsalita habang nakatingin ang mga mata n'ya sa dala kong pagkain. At pagkatapos kong iserve sa kanya ang niluto ko ay mabilis niya itong kinain at napansin ko na gutom na gutom s'ya.
“Baka mabulunan ka.” Bigla kong sabi sa kanya. Napahinto naman s'ya at saka niya binagalan ang pagkain n'ya.
Binigyan ko s'ya ng ilang minutong katahimikan at tumayo lang ako 't sumandal sa pader habang pinapanood ko lang s'yang kumain.
Maganda naman s'ya at napaka amo ng mukha n'ya. Pero sa kabila ng kasiglahan n'ya sa pagkain ay hindi naitatago ng mga mata n'ya ang lungkot. At habang pinagmamasdan ko s'ya ay mas naiintriga ako sa kanya.
Huminto s'ya sa pag subo at tumingin sa akin.
“Ahm...pa-paano ako napunta dito?” Biglang tanong n'ya. At kita ko sa ekspresyon ng mukha n'ya ang labis na pagtataka.“Well...sabihin nating napadaan ako sa isang kalsada kung saan may isang babaeng hinaharas sa kalagitnaan ng gabi.” Sabi ko habang naka crossed-arm. Bahagya s'yang napaisip at nanlaki ang mga mata n'ya ng bigla s'yang tila may maalala.
“Natatandaan ko na! may mga bastos na lalaki ang gusto akong isama sa kung saan. Tapos...nahilo ako ng sobra. Then...”Pilit na pagalala n'ya.
“May nambogbog sa kanila. Wooo...ikaw 'yun?” Biglang tanong n'ya. Tumango ako ng oo.
“Uhmnn..kung ganon may utang na loob pala ako sa'yo. Kaya salamat sa kabutihan mo.” Nakangiting sabi niya.
“Kung hindi ka dumating siguro...kung ano nangyari sa akin...” Dugtong n'ya. Napansin kong biglang nangilid ang mga luha n'ya habang inuubos niya ang mga pagkaing ibinigay ko.
Huminga lang ako ng malalim at inusisa ang bawat ekpresyon at emosyong ipinapakita niya.“Salamat talaga.” Pahabol niya at saka n'ya ako nginitian ng pilit.
“Wag mo na muna isipin 'yun, ang mahalaga safe kana ngayon. Ubusin mo 'yan para mas lumakas ka pa.” Sabi ko at saka s'ya tumango at nagpatuloy sa pagkain.
Maya-maya pa ay unti-unti niyang niligpit ang plato at kutsara n'ya. Doon ko lang napansin na tapos na s'yang kumain.
“Ahh...ako na!” Sabi ko at mabilis ako lumapit sa kanya.
“Hi-hindi!” Biglang sabi niya.
“Salamat sayo. Pero bumabalik na 'yung energy ko kaya ako na magliligpit at maghuhugas nito.” Sabi niya. Saka niya mabilis na inalis sa kanya ang food desk bed at tumayo s'ya pagkatapos n'yang dalhin ang food tray.
Lumapit s'ya sa akin at napako naman ang tingin ko sa kanya. At sigurado ako na s'ya nga ang babaeng nakita ko sa Paradise Coffee Shop. Balingkinitan, mahaba ang buhok at may katangkaran.
Inilapag niya sa kama ang food tray. At saka s'ya humarap sa akin. Nagtama ang mga mata naming dalawa. At may kakaibang saya akong naramdaman habang natititigan ko ang kanyang mga mata.
“Farah, Ako si Farah Cruz.” Sabi niya at inalok niya ako ng shake hands. Nakaramdam ng kaba sa narinig ko. At bigla kong naalala ang Diary n'ya.
YOU ARE READING
Silent Cries (Completed✔️)
قصص عامةFarah Cruz She is the happiness of others but she is not happy with herself. A lover and hater. Sometimes winner but loser. Should be motivated but hopeless. She's a woman not a girl. Written by: Miss Jaz