44: Manliligaw ko Vs Crush ko

53 9 0
                                    

<Farah's POV>

Malayo pa ba?” Tanong ni Jonathan.

Hayks, pagod agad? isang  purok lang pagitan nito oh mula sa bahay ni Agatha.” Sermon ko.

Hindi ako pagod noh, iniisip lang kita kasi diba, ayaw kong napapagod ka.” Sabi niya at saka niya ako nginitian.

Ayie... so sweet naman pala.

Anong sweet, magaling magpalusot at mambola kamo.

Hayks, kahit kelan talaga hindi kana naniwala sa akin.” Napapailing nasabi niya. Tumahimik nalang ako kesa sa kung ano pa masabi ko.

Bakit pala hindi nakasama si Clifford?" Biglang tanong ni Gwyneth. Napatingin naman kami lahat sa kanya at saka namin s'ya pinaningkitan ng mga mata.

Yieee hinahanap...” Sabay na sabi namin ni Agatha habang tinitingnan namin s'ya ng may pangaasar. Napangiting inis naman s'ya.

Baka kasi sinabi niyo na dapat kasama natin siya dito.Palusot niya.

Sows, eh pwede mo naman tanungin kong bakit hindi nakasama 'yung future husband ko.” Sabi naman ni Agatha.

Kahit kasasabi mo lang na hindi s'ya pwede dahil may meet up sila ng longtime best friend n'ya na kakauwi lang galing America. Sabi ni Gwyneth.

Nuh, whatever, ayaw mo pa aminin  na hinahanap mo siya. Mataray na sabi ni Agatha at napapatawa nalang kami ni Jonathan sa kanilang dalawa.

May dinner meeting kasi s'ya sa isang Gym owner. Alam n'yo na, nakuha na kasi niya 'yung suporta ng parents niya kaya 'yun pursigido na s'yang ituloy 'yung business niya.” Paliwanag ni Jonathan.

Wow...nakakatuwa namang marinig 'yan na pati s'ya pa-successful na.” Sabi ko.

Don't worry, dahil tingin ko susunod kana. Sabi ni Jonathan.

Ay oo bes, ikaw na malamang ang susunod, kaya magenroll kana ahh kasi malapit na mag start ang second semester. Sabi ni Agatha.

At mas maganda kung gawin mo 'yun bago mag birthday si tito Francis, para may additional good news kang dala.” Sabi naman ni Gwyneth.

Gagawin ko 'yan. Kaya maghanda kana Malakasan University  dahil magbabalik na ako!! Sigaw ko. Napalingon naman sa amin ang ilang taong napapadaan at nagtawanan lang kaming apat.

Oh ano na, mag ku-kwentuhan nalang ba tayo oh magpaparty-party? Biglang tanong ni Agatha.

Ay, oo nga noh, tara icelebrate natin ang mga masasayang balita na meron tayo ngayon.Sabi ko. At saka kami nagpatuloy sa paglalakad.

At pagkalipas ng ilang minutong paglalakad ay narating din namin ang aming destinasyon.

Welcome to Purok-kwatro Liwayway Discoroke! Bati sa amin ng isang babae na nakatayo lang sa entrance ng Liway-way Discoroke.

Tuloy po kayo ma'am, sir. Nagsisimula na pong balutan ng magagandang awitin ng aming vocalist ang buong loob ng Discoroke.” Sabi nito at saka niya kami pinagbuksan ng pinto.

Discoroke pala ang tawag nila dito. Bulong ni Agatha.

Baka discohan na karaokehan pa kaya ganon ang pangalan. Sabi ko. 

Pagpasok namin sa loob ay  tumambad sa aming mga mata ang may kalawakang discoroke ng Brgy. Bagong Pagasa. Bahagya kaming napahinto at napapangiti sa dami ng round table na gawa sa kahoy at ang mga upuan na gawa sa kawayan. Nangingibabaw naman ang amoy ng alak, sigarilyo at mga pulutan sa buong silid.Marami naring mga tao na naroon at halos lahat sila ay nakatingin sa stage na kung saan may isang bandang nagpeperform sa harapan kasabay ng pag galaw ng mga disco light na nagpapakulay sa buong silid. At rinig na rinig mula sa kinatatayuan namin ang pag-awit ng isang vocalist na sa kilos at boses palang ay para s'yang hindi straight man. Pero kahit na ganon ay napakasarap pakinggan ng malamig niyang boses.

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now