<Farah's POV>
"Mahigit isang buwan narin ng mawala 'yun sa akin, hanggang ngayon naiinis parin ako sa kapabayaan ko, pero...hindi ko na maibabalik pa ang dati e." Sabi ko sa kanila habang marahan naming nililibot ang buong sulok ng park na 'yun na may bit-bit na tigiisang vita milk.
"Nakikita ko 'yun madalas dati noong high school palang tayo. Gustong-gusto kong basahin 'yun kung hindi lang dahil sa babaeng toh." Sabi ni Agatha, saka n'ya nginusuan si Gwyneth.
"Hindi naman kasi sa lahat ng oras alam natin ang lahat tungkol sa bawat isa. Some people pay for their privacy. FYI." Seryosong sabi ni Gwyneth.
"Whatever..." Mataray namang sabi ni Agatha.
"Pero sandali..paano kung may nakapulot non tapos tinapon nalang talaga?" Dugtong n'ya. Napaisip naman ako. At may naalala ako bigla.
"Pero siguro naman macu-curious kahit papano ang makakapulot non at aalamin 'yun kung may halaga ba o hindi. Tapos kung ganon nga edi sana may nagpunta na sa bahay o tumawag man lang." Sabi ko. Tumingin naman sila ng sabay sa akin ng may pagtataka.
"What do you mean?" Tanong ni Gwyneth.
"Kasi alam ko na may dinikit akong picture ko don e, sa may pinaka likod ng page of my life ko. Tapos sa likod ng picture na 'yun ay sinulatan ko ng pangalan ko, address at phone number." Paliwanag ko sa kanila. At saka nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Kung ganon bakit wala paring natawag o nagpupunta sa bahay n'yo? Saka for sure naman na taga Brgy. Bagong pag-aasa lang din ang nakapulot non." Sabi naman ni Agatha.
"Oo nga e, maliban na nga nalang kung ang nakapulot non ay walang pakialam at tinapon n'ya na lang." Sabi ko at biglang bumigat ang pakiramdam ko. Napahinto ako sa paglalakad at napatulala ako sa kawalan. Lumapit naman sila sa akin.
"Hindi naman siguro bes...baka malay mo hindi pa n'ya nakikita 'yung picture na nilagay mo sa likuran." Sabi ni Agatha at saka n'ya ako hinimas sa likuran para pakalmahin.
"Ano ba ang mas okay sayo? ang pinulot tapos tinapon nalang o pinulot tapos binasa?" Biglang tanong naman ni Gwyneth. Nanlaki naman ang mga mata ko at napaisip ako sa tanong n'ya. Napatawang inis naman ako ng marealized ang pinupunto ni Gwyneth.
"Pwede ba shut your mouth, hindi ka nakakatulong." Bulong naman ni Agatha kay Gwyneth pagkatapos n'yang sikuhin ito. Bahagya namang nanahimik si Gwyneth.
Naabutan kami ng paglubog ng araw kakaikot sa park na 'yun at sinubukan nilang pasiyahin ako sa mga jokes nila. Mas pinili kong maging masaya habang kasama sila kahit na 'yung utak ko ay hindi maalis sa pagiisip ko sa page of my life notebook ko. Bukod pa roon ay hindi ko alam kung ano nga ba ang mas okay sa akin.
"Ang pinulot tapos tinapon nalang o pinulot tapos binasa?"***
"Pinapatawag n'yo raw po ako?" Kinakabahang tanong ko kay Mr. Harris pagpasok ko sa office n'ya. Pabagsak n'yang inilapag ang ballpen n'ya, nag crossed-arm at saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Ilang buwan nalang at makakaalis kana sa kompanyang 'to. At alam mo rin na hindi pa sapat ang binibigay mo sa akin para mabayaran ang lahat ng pagkakautang sa akin ng magaling mong ina." Mariing sabi n'ya pero nanatili akong nakayuko at manhid sa mga pinagsasabi n'ya
"Kaya mula ngayon hanggang sa matapos mo ang pangalawang taon mo na pinagusapan natin ay bawal ka ng umabsent at kahit malate. At bukod doon dadagdagan ko ng isang buwan ang kontrata mo sa akin bilang kapalit ng mga araw na inabsent mo nitong mga nagdaang buwan. Kaya kung ayaw mo pang madagdagan pa ang mga araw mo dito you need to be more responsible from now on lalo na sa attendance mo. You got it Ms. Cruz?" Taas kilay na sabi niya. Saka s'ya bumalik sa ginagawa n'ya at sinenyasan n'ya akong lumabas na ng office n'ya. Napako naman ang mga tingin ko sa kanya at nakaramdam ako ng mainit na tensyong namumuo sa kaloob-looban ko.
YOU ARE READING
Silent Cries (Completed✔️)
General FictionFarah Cruz She is the happiness of others but she is not happy with herself. A lover and hater. Sometimes winner but loser. Should be motivated but hopeless. She's a woman not a girl. Written by: Miss Jaz