Muli kong nilingon ang bahay ni Diego bago ako tuluyang umalis. At napangiti ako ng bahagya. Nabaling naman ang mga tingin ko kay Jonathan na noon ay nakatayo at nakasandal sa pinutuan ng sasakyan habang naka crossed-arm at nakangiting sinusundan ako ng tingin. Napako ang atensyon ko sa kanya, dahan-dahan akong lumapit sa lalaking hindi ako pinabayaan mula noong una kaming nagkita.
Minsan hindi ko maiwasang isipin na pinadala siya ni papa Francis mula sa langit para gabayan ako.“Kamusta?” Tanong niya pagkalapit ko. Pero tiningnan ko s'ya at nginitian.
“Uhmn, sabihin nating hindi lahat ng tao ay katulad mo. Yung agad-agad tanggap tayo ng buo.” Sagot ko habang naaalala ang huling paguusap namin ni mama.
“Ito lang po nakayanan ko ma, pasensya na kayo. Babawi nalang po ako. At 'yung kay Mr. Harris, ako na po ang bahala doon.” Sabi ko habang inaabot sa kanya ang pera. Kinuha niya naman ito at hindi na nagsalita pa ng biglang lumabas mula sa kusina si Diego.
“Hindi ka ba muna kakain bago umalis?” Tanong niya.
“Hi-hindi na po. Kakakain lang din po namin ng mga kaibigan ko. Grand Opening din po kasi ng Clothing Store niya.”
“Ganon ba. Si-sige magiingat ka palagi.” Sabi ni Diego saka s'ya bumalik sa kusina. At hindi ko maipagkakailang bahagya akong nanibago sa pakikitungo niya.
“Nagbago siya sa akin mula noong nalaman niyang patay na si Francis. Hindi niya maiwasang magalit sa sarili niya dahil sa totoo lang si Francis lang ang tinuring niyang kaibigan mula pa noon.” Paliwanag ni mama. At hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot sa mga sinabi niya. At biglang kong naalala ang mga salitang nasabi ko noon sa kanya.
“Sorry po pala about sa huli nating paguusap. Patawarin n'yo po ako sa mga nasabi ko.” Naluluhang paghingi ko ng tawad.
“Ka-kami, kami dapat ang humingi sayo ng pasensya Farah. Alam naming malaki ang naging kasalanan namin kay Francis at sayo.” Halos walang emosyong sabi niya. Sinubukan ko s'yang hawakan pero nagpasya akong 'wag nalang.
“Okay na po 'yun, at alam kong wala na 'yun kay papa Francis.” Ang tanging nasabi ko. At saka niya ako tinalikuran.
“Pwede kang dumalaw kung gusto mong makita ang kapatid mo. Ito ang gusto ni Diego kapalit ng mga nagawa niya sa ama mo.” Sabi niya at doon ko napagtanto na ginagawa niya lang ang lahat dahil sa kagustuhan ng lalaking mahal niya at hindi dahil sa talagang gusto niya. Pero kahit ganon ay masaya na ako sa unting pagbabagong nakita ko. At sapat na 'yun para magpatuloy ako sa paglalakbay tungo sa mga pangarap ko sa buhay.
Hindi na ako nagtagal pa at nagpaalam na ako sa kanila. At kahit na alam kong hindi pa ako tanggap ni mama ay hindi ko maitatanggi na mas gumaan ang pakiramdam ko.
“Well, kahit hindi mo sabihin mga ngiti mo palang ay okay ng sagot sa akin.” Sabi ni Jonthan at saka s'ya humakbang papalapit sa akin.
“May isa pa tayong pupuntahan. Kaya irelax....” Hindi na niya naituloy pa ang sinasabi niya ng bigla ko s'yang yakapin. Huminga ako ng malalim at sa kanyang dib-dib ay kinuha ko ang lakas na tila nawala ng dahil sa mga nangyari. Ipinikit ko panandalian ang aking mga mata at naramdaman ko ang pagyapos din sa akin ni Jonathan.
“Next time, maniningil na ako ng yakap sayo.” Bulong niya at napangiti nalang ako.
Sa isang iglap nakita ko ang sariling hinahanap ang yakap ni Jonathan sa mga pagkakataong gusto ko ng kapahingaan at kapayapaan ng kalooban. Para s'yang charger na lagi kong kailangan sa nalolowbat kong battery.
YOU ARE READING
Silent Cries (Completed✔️)
General FictionFarah Cruz She is the happiness of others but she is not happy with herself. A lover and hater. Sometimes winner but loser. Should be motivated but hopeless. She's a woman not a girl. Written by: Miss Jaz