“Ikaw lang,at wala ng iba pa!” Sabay halik sa leeg at tenga habang nakayakap mula sa likuran si papa kay mama Ella.
Ganon ko sila madalas madatnaan noon sa kusina galing sa eskwela. Nasa murang edad palang ako pero kinikilig na ako sa kanila. At ang mga linyahan ni papa na “wala ng iba” at “mahal na mahal kita” ay ang sinisiguro n'yang nasasabi n'ya kay mama araw-araw. Minsan natanong ko narin s'ya kung bakit lagi n'yang sinasabi 'yun at ayon sa kanya gusto n'yang iparamdam kay mama na s'ya lang ang babae sa buhay n'ya mula noon hanggang ngayon.
Dati gusto ko ring magmahal. Gusto ko ring maranasan yung nararanasan ni mama kay papa. Gusto ko ring magkapamilya at magkaasawa. At gusto ko ikasal sa lalaking kapangapangarap ko.Kaya sabi ko dati sa sarili ko, pag nahanap ko yung the one, ay! hinding-hindi ko na pakakawalan.
Kaya naman noong makilala ko yung dreamboy ko noong second year ako ay mas lalo kong pinagbutihan sa pagaaral para lang maabot ko s'ya. Dahil isa lang ang nasa isip ko noon. Ang mapangasawa s'ya. Gusto kong ikasal sa kanya at makabuo ng pamilya kasama s'ya.
Gusto kong ikasal kay...Axel.
Kay Axel Arohlad!
Meet my dream boy! my baby since high school until now. Pantasya ko mula noon hanggang ngayon. Ang Axel ng buhay ko.
Base on my research and resources s'ya ay labing-pitong taong noon at s'ya ang panganay sa apat na magkakapatid.Graduating student na s'ya that time at Section A.
Sa abroad nagtatrabaho ang mama n'ya habang nandito lang sa pinas ang kanyang ama. Nakatira sila buong pamilya sa lolo't lola n'ya. Sama-sama at solid family ang pagkakakilala sa kanila.
At s'yempre alam ko narin ang address n'ya, birthday, birthplace, favorites at marami pang iba tungkol sa kanya.
Paano ko s'ya unang nakilala? Basketball player s'ya kaya naman kilalang-kilala s'ya sa amin. Gold medalist sa larong chess at naging Mr. of the year sa school. Gwapo, atleta at honor student pa. Kaya hindi na kataka-takang magustuhan ko s'ya at ng iba pa.
Pero para sakin hindi ang ka gwapuhan, katalinuhan at kasikatan n'ya sa school ang dahilan kung bakit 'yung simpleng paghanga ko sa kanya ay tumagal ng ilang taon.
Kahit na hindi ko pa s'ya nakausap in person at naging kaibigan man lang, ang mga ipinapakita n'yang katangian ay masasabi kong tunay na nagpalalim ng aking nararamdaman.
At ngayon alam ko sa sariling hindi lang basta paghanga 'yun.
***
Uwian na noon, naglalakad kami ni Agatha at Gwyneth papunta sa isang fast food chain.“Ay sorry!” Mataray na sabi ng isang estudyanteng babae na hindi ko alam ang pangalan pero kilala ko sa mukha.
Binangga n'ya ang isang dalaga at nahulog sa semento ang dala nitong mga aklat at big notebook. Kasama ng mga kaibigan n'yang bully ay pinagtawanan nila ang dalaga at sinasabihan ng;
YOU ARE READING
Silent Cries (Completed✔️)
Ficción GeneralFarah Cruz She is the happiness of others but she is not happy with herself. A lover and hater. Sometimes winner but loser. Should be motivated but hopeless. She's a woman not a girl. Written by: Miss Jaz