31: Stranger's room

48 11 0
                                    

Tulala at walang patututunguhan kong nilalakad ang madilim na kalye sa labas ng Brgy. Bagong Pag-asa. Bitbit ko ang mga gamit kung bukod tanging natira sa akin.
Ramdam ko na ang gutom pero wala akong gana. Hindi ko alam kung saan pupunta.
Umupo ako sa isang sementong upuan sa gilid ng isang kalye. Kahit saglit ay gusto ko munang mag pahinga. Inilapag ko ang mga gamit ko sa semento at hinayaan ang utak sa kawalan.

Miss ko na si papa Francis. At naaawa ako sa aking sarili. Gusto kong mas magalit kay mama pero pagkatapos ng mga nalaman ko ay hindi ko maiwasang sisihin ang sarili. Hindi ko na kilala ang sarili ko at habang tumatagal ay mas nawawalan ako ng pagkakakilanlan.

Maya-maya pa ay tumunog muli ang cellphone ko. Dinukot ko ito sa bulsa.
Doon ko nakita na hindi lang pala tawag kundi text ang nagiingay kanina pa. Binuksan ko ito. Si Gwyneth, Agatha at ilang unknown number na marahil ay sa mga ka officemate ko.

Sagutin mo 'yung tawag ko! bakit hindi mo sinabi samin na wala kana sa bahay mo!?” Text ni Gwyneth.

Bess, magreply kana please...nagaalala na kami ni Gwyneth sayo.” Sabi naman ni Agatha.

Mga kabigan mo kami diba? 'wag mo sanang kalimutan na nandito kami palagi para sayo. Nakikiusap ako sayo Farah! magreply ka at sumagot sa tawag ko.”  Sabi ni Gwyneth.

Bess...miss kana namin.

Muling bumagsak ang mga luha ko na hindi nauubos. Muling bumigat ang pakiramdam ko sa mga nabasa ko. Tinakpan ko ang aking bibig ng aking kamay para walang makarinig ng mga paghikbi ko. At mas nadadagdagan ang inis ko sa sarili kung bakit ako ganito. May mga kaibigan ako na pwede kong lapitan at maaasahan sa ganitong kalagayan. Pero hindi ko kaya. Pakiramdam ko palagi nalang ako umaasa sa kanila. Pakiramdam ko mas nanliliit ako sa sarili ko pag nakikita sila. Pakiramdam ko mas wala akong silbi pag hinayaan kong saluhin nalang nila ako palagi sa pagkalugmok ko. Pakiramdam ko napakahina ko sa lahat ng bagay. Naiinis ako sa sarili ko.

Hi miss!” Biglang sabi ng hindi pamilyar na boses. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para tingnan kung sino ang nagsalita at bigla akong nakaradam ng kaba.

Miss...maghahating gabi na, nandito ka pa sa gilid ng daan.” Sabi pa ng isa. Masyadong madilim at hindi ko maaninagan ang mukha ng dalawang lalaking tumayo sa aking harapan.

Gusto mo...sama ka nalang sa amin.” Sabi nito at saka sila nagtawanan. Mas lumakas ang kabog ng dib-dib ko. Mabilis akong tumayo at muling binitbit ang mga gamit ko.

Hindi na kuya..salamat nalang.” Sabi ko at saka ako humakbang papaalis pero hinarangan nila ako. Nabigla naman ako sa pagkakatayo at bigla akong nahilo. Halos buong araw na rin pala akong hindi kumakain. Bahagya akong na out of balance pero pinilit kong tumayo.

Sige na miss...maipapangako namin sayo na magiging sulit ang gabi mo.” Sabi pa ng isa at muli silang nagtawanan.

Duon lang ako nagising sa ulirat at huli ko ng malaman na madilim na nga sa paligid at bihira nalang ang mga dumadaang sasakyan. Maya-maya pa ay hinawakan ako ng isang lalaki sa braso.

Tara na.. wag kana magpakipot pa.” Sabi nito.

Oo nga miss.. ako na magbibit-bit ng mga gamit mo.

“Wag!” Sigaw ko.

“Bitawan mo nga ako. Hindi ko kailangan ng tulong n'yo!”  Dugtong ko. Mastumindi naman ang pagkahilo ko at bagb-blurred na ang mga paningin ko habang buong lakas  akong pumipiglas sa kanila.

Aba...palaban. Ganyan ang mga gusto namin. Sabi nito at saka ulit sila nagtawanan.

Maya-maya ay biglang may humawak sa braso ng isang lalaking nakahawak naman sa braso ko.

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now