Halos hindi ako makahinga habang lumilingon ako sa dalawa kong kaibigang mahigit two months kong hindi nakita.
“Who are they?” Tanong sa akin ni Jonathan habang lumalapit sa amin ang dalawa.
“Best Friends ko.” Bulong ko sa kanya.
“Ahh..sila pala.”
“Sinasabi ko na at dito ka lang namin matye-tyempuhan.” Nanggigil na naka crossed-arm na si Agatha habang napapangiti nalang at kalmado lang si Gwyneth. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa mga mata niya.
“At bakit ngayon ka lang nagpakita?” Mataray na tanong nito.
“Ha-hi.” Pilit na pagbati ko sa kanya. Bigla niya naman akong ginatukan ng mahina.
“Kahit kelan talaga napaka tigas ng ulo mo. Hindi ka talaga nagpakita sa amin!” Sabi niya. Hindi naman ako nakakibo. Nabaling naman ang mga tingin niya kay Jonathan.
“Oh my God, I knew it.” Sabi niya at saka s'ya muli napatingin sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko ng marealize ko ang ibig n'yang sabihin.
“Hep!!nagkakamali ka sa iniisip mo. Maling-mali ka!” Sabi ko. Tumingin s'ya kay Jonathan mula ulo
hanggang paa. Napasamid naman si Jonathan sa mga tingin ni Agatha.“Mali nga ba ako? O ayaw mo lang aminin na...”
“Tama na 'yan.” Sabi naman ni Gwyneth at saka niya hinawakan si Agatha sa balikat. Lumapit siya akin ng nakangiti.
“It's been a while...Welcome home Farah.” Sabi niya.At hindi ko napigilang itago na sobrang namis ko sila kaya niyakap ko silang dalawa ng sobrang higpit.
“Tapos gaganyan-ganyan ka.” Naiinis na bulong naman ni Agatha. Naiiyak naman ako sa sobrang saya na muli silang makita. Kumalas kami sa pagkayakap sa isa't-isa.
“Nakakainis ka talaga! namis kita kahit kinalimutan mo kami!” Nagdadrama na sa sabi ni Agatha.
“Hayks... oo na namis ko rin kayo sobra. Sorry na."
“It's okay, si Agatha lang naman 'yung makulit.” Maypangaasar na sabi ni Gwyneth.
“Shut up!” Mataray na sabi ni Agatha at napatawa nalang kami sa kanya.
“Ice cream?” Biglang yaya ni Gwyneth. At sabay kaming umagree sa kanya.
“Ah s'ya nga pala. Si Jonathan, boss ko.” Nakangiting sabi ko.
“No I'm not,” Kunoot noong angal niya pero pinanglakihan ko lang s'ya ng mata.
“Wheee...boss nga lang ba?” May pangungutya na sabi ni Agatha. Napapangiti nalang si Jonathan sa kanya.
“Oo nga...napakamalisyosa mo talaga.” Mataray na sabi ko.
“Si Gwyneth at Agath pala master.” Sabi ko naman kay Jonathan at saka siya nakipag Shake hands sa kanila.
“Nice to meet you guys.” Sabi niya.
“Master huh.” Pagtataka ni Gwyneth. Saka s'ya tumungin sa akin.
“Well, kami rin, nice meeting you handsome.” sabi ni Agatha na hindi parin naniniwala sa sinabi ko. At napapatawa nalang kami sa kanya.
“Anyway, mag a-icecream ba tayo o magtitigan nalang?” Biglang tanong ni Gwyneth. At saka kami nagpasyang umalis. Bigla naman hinaltak ni Agatha si Jonathan sa braso.
YOU ARE READING
Silent Cries (Completed✔️)
Fiksi UmumFarah Cruz She is the happiness of others but she is not happy with herself. A lover and hater. Sometimes winner but loser. Should be motivated but hopeless. She's a woman not a girl. Written by: Miss Jaz