36: Two months after in one roof

56 11 0
                                    

<Farah's POV>

Two months, two months na ang nakakalipas mula ng manirahan ako sa bahay ni Mr. Jonathan Acosta. At masasabi kong napakaswerte ko na s'ya ang taong naglitas sa akin noong gabing binabalot ng sakit at kamalasan ang buhay ko.

Isa sa mga napagusapan namin ay ang sasahuran niya ako ng pera kapalit ng pagiging all around maid ko. Linis ng bahay, luto, laba at
pag-aalaga kay Happy na mas naging close sa akin kesa sa kanya. Noong nakaraang linggo nga lang ay sa tabi ko na natutulog si Happy.

Kasama sa usapan namin ay ang pagsisikap kong magipon para maipagpatuloy ko ang kursong hindi ko natapos. At nangako din si Jonathan na kung sakaling handa na akong harapin ulit ang mundo ay bukas ang opisina niya para sa isang partimer. 

Nabuo sa isip ko na tama lang ang ganong set-up, para sa tulad ko na lugmok sa buhay. At dahil hindi ganon kahigpit sa akin si Jonathan ay malaya kong nagagawa ang mga gusto ko sa tuwing natatapos ko ng maaga ang mga gawaing bahay. Kung mayroon mang rules na ibinigay si Jonathan sa akin ay 'yun ang 'wag kong pasukin at pakialaman ang kwarto niya. Kaya lahat ay nililinisan ko bukod lang sa kwarto niya. At dahil sa kalayaan kong nakukuha sa ilalim ng kapangyarihan ni master Jonathan ay  nagagawa ko ng ilevel-up ang talento ko sa pagluluto. Yung hindi na pang-umagahan lang kundi pang-tanghalian at hapunan narin. Kahit na hanggang ngayon ay palagi parin akong palpak at nahihirapan parin na alalahanin ang tamang pagtimpla ng mga sinusubukan kong pag-aralan.  Bukod pa roon ay nakakita ako ng ilang foreign language dictionary sa ilang aklat ng kapatid ni Jonathan. May English, Korean, French, Spanish at iba pa. Kaya naisip ko na magaral din nun para kahit papaano ay may matawag akong skills. At dahil Spanish ang napusuan ko ay mas pinili kong tutukan ito. At hindi pala madali magaral ng ibang  wika. Pero kakayanin ko para sa sarili ko at para kay Axel.

Once a week lang akong nagtetext o tumatawag kela Gwyneth at Agatha, pagkatapos itu-turn off ko na ulit ang phone ko. Makulit parin si Agatha na alamin kung saan ako namamalagi pero buo na ang loob ko na hindi sila idamay ulit sa mga problema ko.Umaasenso naman ang Clothing Store niya kung saan malapit na rin buksan ang pangatlong branch niya kaya nakikiusap s'ya na sana makapunta ako sa opening non. Hindi ako na ngako pero sinabi kong susubukan ko.

 Si Gwyneth naman ay nagsisimula ng makilala sa mundo ng pagsusulat. At sa pagkukwento ni Agatha ay may on going story s'ya na malapit niya ng matapos at i-publish. Wala naman na s'yang sinasabi sa akin tungkol sa desiyon ko bukod sa sinusuportahan n'ya ako palagi sa mga gusto at plano ko.

Si mama Ella? Balita sa akin ni Gwyneth ay nanganak na ito.  At nagsisimula ng makibaka sa mundo ang step-sister ko. Si Diego naman ay bahagya daw nagbago sa pakikitungo kay mama,lalo na ng mailuwal nito ang anak nila. Madalang niya na saktan si mama at mukhang nagiging maayos ang pagsasama nila. Hindi ko naman alam kung ano ang dapat maramdaman pero si mama...ay isa sa mga ala-alang ayaw kong malimutan pero hindi ko rin gustong balikbalikan sa isipan. Natutuwa naman ako kay Gwyneth tuwing naguupdate siya tungkol kay mama. Kasi kahit papaano alam kung isa sa mga kaibigan ko ay kilang-kilala ako.

Ito na 'yung sinigang na kahapon mo pa pinag-aaralan? Kunot noong tanong ni Jonathan pagkatapos niyang tikman ang niluto ko. Nakayuko naman ako sa mesa at aminado naman ako sa hindi magandang resulta dahil natikman ko rin.

Kahapon...hindi ko alam kung ilang sachet ng magi maggic sinigang ang nilagay mo dahil hindi ko maipinta ang asim, tapos ngayon hindi ko malasahan kung naglagay ka ba  sa sobrang tabang. Sermon n'ya. Hindi naman ako kumibo. Huminga ako ng malalim at nakakaramdam ako ng pagkainis sa sarili.

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now