46: Take the best option for love

44 9 0
                                    

<Jonathan's POV>

Hindi ako halos makagalaw sa kinatatayuan ko sa sobrang inis na nararamdaman ko habang pinagmamasdan si Farah sa itaas ng stage at habang naririnig ko ang mga pinagsasabi ni Axel na ngayon ko lang nakita.

Sinundan ko ng tingin ang bumababa sa stage na si Farah. Nakayuko na patakbong dumaan s'ya sa gitna ng mga taong naroon. Hindi niya kami sinulyapan at dama ko ang sakit na kanyang nararamdaman habang sinisikap niyang makalabas sa lugar na 'yon. Ibinaling ko ang mga tingin sa lalaking walang emosyong nakatayo sa stage habang pinagmamasdang lumayo ang babaeng ipinahiya niya sa marami. Hindi ko napigilan ang sarili at mabilis akong humakbang papalapit sa stage at umakyat ako dito dala ang pagnanais kong ipaghiganti ang babaeng mahal ko.

Pagkalapit ko ay napatingin sa akin si Axel na bahagyang nagulat sa biglaang pagsulpot ko sa tabi niya. Nagtama ang aming mga mata at kasabay ng mga masasama kong tingin ay binitawan ko ang isang malakas na sapak sa pagmumukha niya na s'yang ikinatumba niya. At sa isang iglap ay nabaling sa amin ang mga tingin ng tao. Nagsimulang magakyatan ang ilang crew sa stage habang ako ay hindi kontento sa isang sapak na binigay ko sa kanya. Bahagya s'yang napabangon at sinalat niya ang labi niyang nagsisimulang dumugo. Napatingin siya sa akin.

Who the hell are you!? Nanggigil sa galit na tanong niya. At dama ko sa mga reaksyon niya ang labis na pagtataka sa ginawa ko sa kanya. Mabilis ko s'yang nilapitan at kinwelyuhan.

Hindi ko alam kung anong nakita sa 'yo ni Farah para mabaliw siya sa'yo sa loob ng maraming taon. Pero itong tatandaan mo, hindi ko hahayaang ang isang walang kwentang lalaking katulad mo lang ang dudurog sa puso niya ng paulit-ulit. Gagawin ko lahat, mabura ka lang sa isip at sa puso niya. Hindi na ako nagtataka kung bakit isa kang talunan. Mariing sabi ko at saka ko s'ya binitawan ng may pwersa, napatawang inis naman s'ya at hindi na nakapagsalita. Hinawakan ako ng isang crew sa balikat pero mabilis ko itong itinabig at bumama ako ng stage para sundan si Farah.

Paglabas ko ng Discoroke ay naroon na si Gwyneth at Agatha.

Nasaan na s'ya? Tanong ko.

Hindi na namin siya naabutan at hindi niya rin sinasagot 'yung tawag namin. Sabi ni Agatah.

Sinubukan parin ni Gwyneth na tawagan si Farah pero hindi ito sumasagot. Nagsimula naman akong mag-alala at naiinis ako sa sarili na hindi ko man lang s'ya naipagtangol kanina.

Saan naman kaya 'yun pupunta? Tanong ko. At saka kami nagisip ng sabay kung saan s'ya pwedeng pumunta.

Mukhang alam ko na kung s'ya pupunta.Sabi ni Gwyneth at alam ko kung saan ang tinutukoy niya.

****

Habol ang aming hininga ng makarating kami sa Cave of Memories Park. At hindi nga kami nagkamali ng akala. Nakaupo siya ng mag-isa sa favorite park bench nila at rinig mula sa kinatatayuan namin ang mahina niyang paghikbi habang yakap niya ang kanyang mga tuhod. Niyaya ko sina Gwyneth at Agatha na lumapit na kami pero tumanggi sila.

Ikaw na muna ang kumausap, tapos pakikiramdaman namin kung kelan kami pwedeng lumapit.Sabi ni Gwyneth.

Tama si Gwyneth. Sabi naman ni Agatha.

Pe-pero bakit? Tanong ko.

Lalaki ang dahilan kung bakit s'ya ganyan, kaya marahil mas mabilis s'yang kakalma kung lalaki din ang magco-comfort muna sa kanya. Saka isa pa, alam niyang mahal mo s'ya.” Sabi niya at napaisip naman ako.

Kaya naman tumayo lang sila sa malayo habang pinagmamasdan akong palapit kay Farah.
Umupo ako sa tabi niya at saka ako tumingin sa malayo. Naaninagan kong napatingin siya sa akin at saka s'ya napaupo nang maayos at napayuko. Pinunasan naman niya ng mga kamay niya ang kanyang mga luha saka s'ya huminga ng malalim.

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now