09: Daniel Rosario

78 22 0
                                    

Thursday, maaga akong nakapag-out sa trabaho dahil wala si Mr. Fer sa office maghapon dahil nasa isang Management Meeting ito na ginanap sa main branch ng company, na s'ya namang ikinatuwa naming lahat. Mabilis kong natapos ang mga trabaho ko kaya mabilis akong nakapaghanda sa pag-out. My time kasi na pag nandyan si Mr. Fer, ilan sa amin ang hindi makauwi agad at nag o-overtime nalang para natapos ang pinapatapos n'ya.

Minsan naiisip ko na mas bumibilis ako magtrabaho pag wala 'yung boss ko sa paligid. At mas magaan at malawak ang nagagawa ko sa isang buong araw pag walang nakatingin sa aking mga matang naghahanap at nagaantay na magkamali ako.

Naglalakad na ako sa daan papunta sa sakayan ng bigla kong naalala si mama. At pumasok sa isip ko na ibigay na sa kanya ang kakulangan sa hinihingi n'ya.

***
May kaba at pagdadalawang isip akong naglalakad palapit sa bahay kung saan nakatira si mama. Hindi naman talaga sila kalayuan sa amin, nasa purok-uno kami ng Brgy. Bagong Pag-asa habang sila ay nasa purok-tres lang.

Bawat hakbang ay katumbas ng isang malalim na paghinga at pagiisip kong tutuloy pa ba ako o hindi? Kung magkataon ito ang pangalawang beses na makakapunta ako sa bahay niya. At talagang hindi ko makakalimutan ang unang beses na nakarating ako sa bahay ni Diego Rosario, ang bagong lalaki sa buhay ni mama at ang lalaking ipinaglaban n'ya kahit kasal s'ya kay papa Francis.

Ilang buwan palang ang nakakalipas noong una kaming nakarating sa bahay ni Diego at iyon ang pagpilit naming bawiin si mama mula sa kanya, na talagang umabot pa sa pisikal na sakitan ni Diego at papa Francis, buti nalang at may umawat sa kanila. Yun din ang unang beses na nakita ko si papa na lumuhod sa harap ni mama habang umiiyak ito at nakikiusap na piliin s'ya. Lumuhod din ako noon kasama ni papa sa pagbabakasakaling mabago pa namin ang isip n'ya pero talagang nakapag desisyon na s'ya. At 'yun din ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng matinding galit kay mama. Lalo na ng ipagtapat n'ya ng mga oras na 'yun na ilang buwan na silang may relasyon at isang buwan na s'yang buntis sa magiging anak nila ni Diego Rosario. Parang dinag-anan ng langit at lupa si papa Francis noon at inalalayan ko s'ya dahil natulala ito, at parang naging lantang gulay ng marinig n'ya ang katotohanan. Ang katotohanang ang babaeng minahal at pinakasalan n'ya ay nakipag relasyon at magkakaanak na sa lalaking tinuring n'yang matalik na kaibigan at kababata n'ya pa.

Tumalikod ako ng makarating ako sa tapat ng bahay nila Diego. Hindi ko pala kaya. Hindi ko pa kayang makita ang pagmumukha ng lalaking mas pinili ni mama. Bumigat ang pakiramdam ko at naiiyak ako habang bumabalik sa gunita ko ang mga masasamang ala-ala ng lugar na'yon.

Hindi ka na lang sana nagpunta dito Farah! Naiinis na bulong ko sa sarili. Pahakbang na sana ako paalis ng biglang;

Ano ba! bitawan mo nga ako!! Sabi ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako.

At mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si mama na mahigpit na nakahawak sa tshirt ng nagpupumiglas na lalaking ayaw ko sanang makita. May pinagtatalunan sila at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Itinabig ni Diego ang kamay ni mama ng sapilitan, na out of balance ito at napasandal sa pintuan. Nakaramdam ako ng kaba at lalapit sana ako pero hindi ko muna ginawa.

Napaka walang kwenta mo talagang lalaki ka! Pambayad ng kuryente at tubig ang perang yan, tapos ipangiinom mo lang!? Ibalik mo yan sa akin!” Matapang na sabi ni mama habang itinatayo n'ya ng maayos ang sarili n'ya at saka n'ya kinukuha ng sapilitan ang perang nasa bulsa na yata ni Diego.

Ano ba!! Pinaghirapan ko ang perang 'to kaya wala kang karapatang sabihin sakin kung saan ko'to gagamitin! Sigaw nito kay mama at saka nito pinisil ang panga ni mama.

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now