Mabilis ang naging paglipas ng mga panahon. Pero ang isa sa mga desisyong bumalik ng Brgy. Bagong Pag-asa ang masasabi kong panimulang pahina sa bagong yugto ng buhay ko.
Kila Agatha ako nanuluyan at pumayag s'ya na pagsisilbihan ko s'ya bilang Personal Assistance niya sa bahay man o sa Clothing Store niya, kahit ang totoo ay hindi naman n'ya iyon masyadong kailangan. Malapit na rin akong mag enroll ulit kaya kailangan kong magsikap at igrab lahat ng opportunity na dumadaan sa buhay ko. Si Gwyneth naman ay minsan nalang namin makasama dahil malapit na ang book signing event niya. Si Jonathan naman ay halos araw-araw na pumupunta sa bahay ni Agatha paguuwi na s'ya galing sa trabaho para daw makita ako. Kahit paano malinaw na sa akin na talagang pursigido siya. Dinadalhan niya ako ng ice cream at minsan naman ay mga paburito kong kainin na s'ya pa raw ang nagawa. Minsan nga hindi ko alam kung bakit s'ya niloko g ex-girlfriend niya na kung tutuusin ay ideal boyfriend na si Jonathan. Pero kahit na ano pang effort na gawin ni Jonathan, lagi niyang sinasabi sa akin na hindi ko kailangang pilitin ang sarili ko hanggat may puwang pa sa puso ko si Axel. At bilang ganti sa kabutihan niya sisiguraduhin kong bago ko siya papasukin sa puso ko ay kailangang maging tapat ako sa nararamdaman ko.
At speaking Axel, minsan ay nakikita ko s'ya kasama ang girlfriend niya. Pero hindi tulad noong una ko silang nakita ay medyo hindi na s'ya ganon kasaya. Naroon parin ang panic mode ko pag nasisilayan ko si Axel o kahit marinig ko ang pangalan niya kahit iba pa ang tinutukoy ng ibang tao. Sadyang hindi pala ganon ka dali ialis sa sistema ang isang taong para sa akin ay naging parte ng buhay ko sa loob ng maraming taon. At naroon parin ang lungkot ko pagnakikita s'yang hindi na masaya. Minsan ay naiisip ko parin na sana maging parte ang ng buhay niya. Minsan naman pag naiisip ko s'ya ay pumapasok na rin sa isip ko si Jonathan. Si Jonathan na handang maghintay para sa akin.
Isang beses naman ay dinalaw ko si mama Ella sa bahay nila ni Diego. Mas pinili kong hindi muna magpakita sa kanila. Nasa labas sila noon ng bahay nila na may mahabang upuan na at nakaupo silang tumatambay. Totoo nga ang sinabi ni Gwyneth na parang bumait na si Diego. Hindi na mukhang miserable si mama at maayos narin ang itsura ni Daniel habang nakatingin ito sa isang sanggol na buhat-buhat ni mama. Kapwa nakangiti ang mag-asawa at narealize kong kahit papaano ay baka naging mabuti na sa amin ang mundo. Nilisan ko ang lugar nila dala ang panalanging sana makalimutan na ni mama ang lahat ng masamang nangyari sa mga nakaraan niya. At kahit ako at okay lang kung isa sa mga ibabaon niya sa limot dahil alam ko na hindi niya rin ginusto ang mga nangyari sa aming dalawa.
“Ano pala balak mo?” Biglang tanong ni Agatha habang inaayos namin ang mga kahon-kahahong mga origanal shirt para sa bagong store niya.
“Balak saan?” Tanong ko habang nililista ko ang bilang ng mga kahon.
“Oh, 'wag mo sabihing nakalimutan mo na? Next month na 'yung birthday ni tito Francis.” Sabi niya. At napangiti naman ako sa kanya. Lumapit naman ako sa isang mesa at inilapag ang listahan ko.
“At paano ko naman makakalimutan 'yun? S'yempre naka plano na lahat 'yun noh.”
“So magpapa-party ka ba dito?” Nakangiting sabi niya.
“Don't worry kami na bahala sa gastos,” Alok niya.
“Huh!? Party? hindi noh, as if naman gusto ni papa ng ganon.” Sabi ko.
“Eh ano ba 'yung sinasabi mong plano mo?” Kunot noong tanong niya.
“Well, magpaparty naman ako, pero hindi dito.” Sabi ko.
“Ahh, gets ko na.”
“Saka maghahanda tayo pero 'yung kasya lang sa ating pito. Para hindi sayang, kilala ko 'yun si papa, galante 'yun sa akin pero may pagka strikto 'yun sa pagaaksaya ng pagkain.” Sabi ko.
YOU ARE READING
Silent Cries (Completed✔️)
General FictionFarah Cruz She is the happiness of others but she is not happy with herself. A lover and hater. Sometimes winner but loser. Should be motivated but hopeless. She's a woman not a girl. Written by: Miss Jaz