14: Panic-mode pagnanakita s'ya

71 19 0
                                    

“Next  weekend, sleep over  with Gwyneth sa house. See you, mhuwa mhuwa.” Text ni Agatha.

Mukha yatang wala kayong date ni Mike ah. Reply ko.

Wag kana komontra minsan lang ako hindi busy.Mabilis na sagot n'ya.

Okay, kikay girl.Reply ko at napangiti nalang ako sa pagbungad sa akin ng bagong umaga.

Lunes na naman.Naibulong ko sa hangin.

Mabilis akong kumilos at kagaya ng nakagawian ay magluluto ako para pag gising ni papa Francis ay kakain kami ng sabay. Buti nalang at sa umaga ay mas indemand ang mga pinipritong ulam kaya hindi ako nahihirapan. Basta si papa na ang bahala pagdating ng hapunan.

Si papa Francis? hindi na s'ya ganon ka dalas maginom. Minsan tinatanong ko parin s'ya kung bakit bigla s'yang nagbago pero hindi n'ya ako sinasagot ng seryoso. Kaya naman hindi na ako nagtanong pa at ineenjoy ko nalang ang mga pagbabago n'ya sa buhay n'ya. Hindi na rin s'ya ganon kalungkot at mas madalas na s'yang magbiro bukod sa maaga na s'yang umuuwi.

Sa trabaho? Wala paring bago, Sermon ang umagahan ko at ng iba pa sa office. At palaging galit parin si Mr. Fer sa mundo. Minsan nga gusto ko s'yang yayain magkape at ng makakwentuhan man lang, baka kasi 'yun ang kulang sa kanya. Totoong atensyon at kaibigan. Baka kasi kaya s'ya bitter ay dahil iniisip n'yang katulad ni mama ang lahat ng tao. Pero kahit gusto ko mang subukang magkaroon ng magandang relasyon sa kanya, bilang subordinate n'ya ay mukhang suntok sa buwan 'yun lalo na't wala pang nakakagawang makausap s'ya ng hindi galit.

Si mama? Hindi ko na muna s'ya ginambala. At bahala na s'ya kung tatawag s'ya para manghingi na pera o hindi. Pagkatapos ng naging pagkikita namin ng mga kaibigan ko ay may mga narealize ako at masasabi ko ng isa paring mabuting ina si mama. At naiisip ko mang ngayong puntahan s'ya para manghingi ng tawad sa mga nasabi ko ay nagpasya akong palamigin muna ang sitwasyon sa pagitan naming dalawa. At this time, mas iaapreciate ko ang mga magagandang ginawa at sinakrispisyo n'ya para sa akin. I wanna be like Gwyneth na may mas malawak na kaisipan about sa realidad.

At para sa akin magtatapos lang din ang buong linggo na'to na walang halos pinagbago bukod lang kay papa. At  alam ko na mas malakas ako ngayon bilang isang indibidwal.

***
Kakababa  ko lang sa trycle na sinakyan ko papunta sa barangay namin. Nagbayad ako sa driver at humakbang na ako papasok sa Purok namin nang biglang...huminto ang mundo ko.

Nanginginig nanaman ang   halos buong katawan ko. Lumalakas nanaman ang heart beat ko. Nagpapawis nanaman ako. Daig ko pa ang pasmadong tao, and here I'am over again!

Ito nanaman ako sa panic-mode inside pag nakikita s'ya.

Nakakainis bakit ba kasi kailangang masalubong pa kita!?” Bulong ko sa hangin. Kahit alam ko namang sa purok-dos lang s'ya kaya hindi kalayuan sa amin ang bahay n'ya.

Si axel...
Kasama ang ilang kaibigan n'ya na naka jersey  at halatang galing sila sa isang laro. 

Huminga ako ng malalim at pinipilit kong ikalma ang sarili ko. Pero habang humahakbang ako papalapit sa kanila ay mas lalong lumalala ang pagkapanic mode ko,at kinakapos na ako sa hininga. Bumagal ako sa paglalakad at nakayuko lang ako sa lupa. Papalapit na sila.

What are you doing Farah? Masyado kang obvious. At saka may girlfriend na s'ya so, stop acting like super patay na patay sa kanya.Mariing sabi ko sa sarili. Kaya tumayo ako ng maayos at naglakad na kunyari ay parang hindi ko sila kilala pero deep inside para akong hihimatayin.

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now