29: Pait at pasakit

56 12 0
                                    

Ilang araw na ang lumilipas mula ng mailibing si papa. Umuwi ako ng bahay at pininid ko ang pinto. Pumasok ako sa kwarto ko, pinatay ko ang ilaw at hindi na ako lumabas pa.

Ganito pala kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Yung wala ka ng gana mabuhay pero kailangang magpatuloy. Pero sa ngayon, hindi ko pa kaya.Hindi ko pa alam kung saan ulit magsisimula.

Pinatay ko na ang ilaw pero malinaw parin sa aking ala-ala ang mga panahong kasama si papa.
Wala na ang lalaking tinuturing akong prinsesa, wala na 'yung trying hard mag jokes para lang mapatawa ako, wala ng papa Francis na magluluto sa akin ng umagahan, tanghalian at hapunan.
Wala na 'yung nagiisang dahilan ko para magkaroon pa ng dahilang lumaban sa buhay.

At sa paulit-ulit na pagkakataon ay muli kong iniyak ang sakit na hindi na umaalis sa loob ng aking dib-dib.

Paano kaya kung hindi ko s'ya iniwan at inilagaan nalang ng araw na 'yun? Siguro nandito pa s'ya. Paano kaya kung mas natakot akong may masamang mangyari sa kanya kesa sa natakot ako kay Mr. Fer. Paano kaya kung mas inalala ko s'ya. Siguro...baka...siguro. Maraming baka at siguro kung mas inisip ko s'ya higit sa sarili ko.

Pero wala na, wala na si papa.

Ilang araw na ring madalas tumutunog ang cellphone ko. Ilang araw nang sinusubukan ni Agatha at Gwyneth na kausapin at damayan ako. Pero gusto kong mapagisa, gusto kong isipin na hindi totoo ang lahat.

Sa paglipas ng ilang minutong pagiyak ko ay biglang may kumatok ng malakas sa pinto.
Balak ko sanang hindi ito pagbuksan pero kulang nalang ay sirain ang pintuan namin kaya pinilit kong tumayo at tingnan kung sino ang nasa pinto.

Ikaw si Farah, tama ba?” Sabi nito. Naka crossed-arm ito at taas kilay niya akong tinitingnan mula ulo hanggang paa. Nakita ko na s'ya sa burol ni papa. May mga kasama s'yang tatlong lalaki na halos kaedaran ko lang at kita ko sa mga titig nila na hindi nila ako gusto.

Hindi naman lingid siguro sa kaalaman mo na ako ang nakakatandang kapatid na babae ni Francis.”  Sabi niya at tumango ako.

Siya si Fabianna Cruz Santiago, Ang pumapangalawa sa kanilang tatlo ni tito Frank at si papa ang pinaka bunso. May asawa't anak na ito at sa pagkakaalam ko ay siya ang pinaka may ayaw kay mama at sa akin. Isa din s'ya sa nagtanim ng galit at inis kay papa Francis ng mas piliin nito si mama kesa sa kanila.

Pa-pasok po kayo.” Alok ko sa kanila.

Hindi na...hindi namin ugali ng anak ko at ng mga pamangkin ko ang pumasok sa isang lugar na hindi pa naaalisan ng peste.” Tugon nito. Napayuko naman ako sa sinabi niya at naramdaman kong nangilid ang aking mga luha.

At hindi naman si guro lingid sa kaalaman mo na ang bahay na ito ay nakapangalan parin sa ama't ina namin na ngayon ay bumalik na sa probinsya.” Sabi niya. At doon ko lang ulit naalala ang dalawang matanda na nakita kong halos mawalan ng malay kakaiyak sa burol ni papa. At natandaan ko rin kung paano ako nilapitan ni Lola Francisca-ang ina ni papa- at sabihan ng sama ng loob nila kay mama. Sinabi rin niya sa akin na hindi ako damay sa inis at sama ng loob nila kay mama noong ipinaglaban ni papa si mama at dalhin niya ito sa bahay nila-sa kung saan ako lumaki at nagdalaga. At batay sa kwento ng matanda ay umalis sila ni lolo Carlito noon sa bahay na ito sa mismong araw din ng kasal ni mama at papa. Sinabi rin niya sa akin ang galit na nararamdaman nila kay mama noon at hanggang sa kasalukuyan dahil sa pagiwan nito kay papa at nabuntis ng iba. Tumangis lang ako sa kaniya at humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ni mama sa anak nila. Hindi na s'ya kumibo noon pero ramdam ko na walang kapatawaran para sa kanila ang ginawa ni mama.

Huwag po kayong mag-alala, hahanap po ako ng malilipatan sa lalong madaling panahon.” Sabi ko habang pinipigilan ko ang aking mga emosyon. Bahagya s'yang napatawa.

Mukhang hindi mo 'ko naiintindihan. Well, anak ka nga pala ni Ella, ano pa nga ba naman ang aasahan ko. Gusto ko lang din ipaalam sa'yo na dito na lilipat ang isa sa mga malapit naming kamag anak na baba ng probinsya. Bukas ng hapon ay papalinisan ko ito sa anak ko at sa mga pamangkin ko.” Sabi niya at tinuro niya ang mga binatilyong nasa likuran n'ya lang at tahimik na na nakikinig.

Magsasama din sila ng iba pa,kaya sana hindi kana nila maabutan pa dito para wala silang maging problema.” Mariing sabi nito. At saka niya ako tinaasan ng kilay.

Pe-pero wala pa akong alam na matitirhan.” Sabi ko at dama ko na konte nalang ay bibigay na naman ang aking mga luha.

“Hindi na namin problema 'yun miss. At saka ilang taon ka rin namang nalibre dito diba? dapat nga matagal na namin 'tong pinaupahan at napakinabangan. Kaya lang masyadong mahal ni lolo at lola si tito Francis kaya hinayaan nalang muna sa kaniya.” Biglang sabi naman ng pinaka matangkad sa tatlo na sa pagkakaalala ko ay panganay na anak ni tita Fabianna.

And Its been three days na mula nang mailibing si Francis, bakit hindi ka pa nakakahanap ng ibang titirahan? O baka naman inakala mo na hahayaan ka pa naming maging parte ng pamilyang Cruz? Don't you? Wag mo ng pangarapin pa Farah. Dahil kahit nasa 'yo pa ang apelyedo ng bunso naming kapatid ay hinding-hindi ko mapapatawad ang magaling mong ina at kahit ikaw, sa paglayo n'yo sa amin ni Francis sa loob ng maraming taon. Kung nalaman lang namin ng mas maaga na ganon ka landi ang nanay mo, ginawa sana namin ang lahat para hindi kayo naging parte ng buhay ng kapatid ko. Nanggigil na sabi niya. Halos manginig naman ako sa sobrang takot na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay bumibigat nanaman ang mundong ginagalawan ko. Hindi ako nakakibo sa kanya.

Anyway, wala na akong magagawa now, dahil wala na ang pinakamamahal naming si Francis. Kung ayaw mo ng gulo bukas na bukas din ay umalis kana dito. Kung wala ka namang matirahan  wala kaming pakialam. Bakit hindi mo subukang puntahan 'yung magaling mong ina,na hindi man lang nagawang sumilip sa burol ng kapatid ko na pinikot n'ya. Dugtong n'ya at naramdaman ko ang panginginig n'ya sa galit at inis. Nakita ko ring nangingilid ang mga luha n'ya. Huminga s'ya ng malalim, napako naman ako sa kinalalagyan ko.

I-Im so sorry. Sabi ko at huli ko ng marealize na hindi ko napigilan ang mga luha kong kanina pa gustong kuwala.

Dapat lang Farah. Dahil kung ikaw 'yung nasa kalagayan namin na 'yung bunso mong kapatid na naiwan sa magulang namin para magabayan ay napikot ng isang babaeng walang kwenta. Huminto s'ya pag-aaral para lang suportahan ang babaeng 'yun at sa murang edad ay nagpakasal s'ya at naging ama ng batang hindi kanya. Pero hindi parin 'yun naging sapat, iniwan parin s'ya ng babaeng pinaglaban niya sa buong angkan namin. Naisip mo ba 'yun? kung gaano kasakit sa amin na pamilya n'ya na lahat ginawa n'ya sa babaeng 'yun pero kulang parin at pinagpalit parin s'ya sa iba. Kaya tama lang na mag sorry ka.Mariing sabi niya, humakbang s'ya ng mas malapit sa akin.

“Mula ngayon Farah ay tapos na ang koneksyon naming mga Cruz sa inyo ng maharot mong ina. Sana malinaw sayo ang mga sinabi ko. Dugtong n'ya at saka s'ya umalis.

Isinara ko ang pinto at hinayaan ko ang buo kong katawan na bumagsak sa sahig dahil hindi ko na kinayanan ang panlalambot ng mga tuhod ko. Walang emosyon akong nakatulala sa kawalan habang walang tigil sa pag patak ang mga luha kong hindi ko alam kung paano pipigilan. Hinawakan ko ang aking dib-dib. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala. Tinatanong ko ang Diyos at ang mundo kung anong naging kasalanan ko sa kanila. Anong naging pagkakamali ko?

Hindi ito bangungot o masamang panaginip. Realidad 'to ng buhay ko na binabalutan na mga pait at sakit.

Gusto ko ng maglaho. Sumusuko na ako.

*****
<Note>
Please support this first story of mine.
Do not forget to read, vote
or leave some comments for my improvement.
T H A N K   Y O U!

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now