40: Ang madib-dibang pag-amin

41 10 0
                                    

<Farah's POV>

Talaga!? birthday mo na pala next week bakit hindi mo sinasabi? Napabulalas na sabi ko.

Why shoud I? Kunot noong tanong niya. Napaisip naman ako.

Ah eh, sye-syempre para makapagaral pa ako ng ilang putahe para sa handa mo. Palusot ko kahit hindi ko rin alam kung bakit nga naman n'ya sasabihin sa akin.

No need for that Farah.Wag mo na iisipin ang mga ihahanda kasi si Eric na ang bahala don. And pag gantong birthday ko, I prefer not to celebrate. Kaya lang may mga kaibigan akong makulit na gusto ka nang makilala at pati 'yung mga kaibigan mo ay gusto na rin makilala nila Eric and Cliff.

So...you mean, magcecelebrate ka lang for us?

“Sort of, pero sa katapusan kasi birthday na rin ni Clifford kaya sabi niya isasabay nalang niya sa akin para makatipid daw s'ya. Bukod pa don, naiisip ko narin kasi na masyado ko ng pi-pressure ang sarili ko sa trabaho ko, so why not na magenjoy din ako minsan.” Paliwanag niya saka s'ya ngumiti.

Uhmnn tama ka naman. Pero okay lang ba kung mag-experiment parin ako ng iaambag sa mga pagkain? Promise pagbubutihan kong magluto.” Sabi ko.

Ikaw bahala, pero alam mo naman na hindi lang ako ang kakain non diba?Sabi niya habang tumatayo s'ya sa sofa.

“Kay for sure reputasyon mo lang ang masisira pag pumalpak ang eksperimento mo.Nakangiting dugtong niya.

Oo na master,”  Napipikong sabi ko.At umiiling-iling lang s'yang umakyat at pumasok sa kwarto niya. Nakaramdam naman ako ng pagsisisi sa pag-volunteer ko.

Mabilis akong pumunta sa kusina at kinuha ko ang phone ko para tawagan si Gwyneth.

Please...please ngayon ko alang hihingin 'to sayo kaya pagbigyan mo na ako. Pakikiusap ko sa kanya.

No...tuturuan nalang kita kesa sa itolerate ko 'yang binabalak mo.

Pero sa saturday na 'yung celebration at alam mong mahina akong mag-pickup ng mga bagay-bagay. Paliwanag ko sa kanya.

No Farah...kung gusto mo ako nalang magluluto para sa kanya.

Pero Gwyneth...”

Eh kung ayaw mo bahala ka...hindi ako magluluto tapos sasabihin mong ikaw ang may gawa. Mamaya pag tripan ka ni Jonathan paglutuin ka sa harap ng mga bisita niya, mamaya magmukha ka pang tanga.Paliwanag n'ya. At bigla naman akong napaisip sa sinabi niya.

“Ano ba yan ang advance mo naman mag-isip,” Pagmamaktol niya.

“Wag na matigas ang ulo mo.” Sabi niya at saka niya ako binabaan.

Hayks...sabi na hi-hindi ka e, minsan lang magsisinungaling hindi pa kaya gawin.Bulong ko sa sarili at saka ako nagisip ng pwede kong gawin o ireregalo sa lalaking tumulong sa akin.

Ano naman kaya ang ireregalo ko sa lalaking yun e parang kaya naman bilhin ang lahat.

***

Pilit kong idinidilat ang aking mga mata. At bahagyang lumilinaw sa paningin ko ang mga nagsasayawang lalaki at babae. Hindi ko maintindihan ang pagkahilong nararamdaman ko. Hilong dulot na bahagyang pagyanig ng paligid na tila dulot ng mala-discong musika na bumabalot sa bahay ni Jonathan.

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now