Two weeks after na maging kami ni Jonathan ay nakapag-enroll na ako dati kong university para ipagatuloy ang pag-aaral. At hindi ako pinabayaan ng mga kaibigan ko para sa mga requirements na kakailanganin ko.
Pagdaan pa na ng mga araw ay sinamahan nila ako sa puntod ni papa Francis para ipagdiwang ang kanyang ika apatnaput-limang kaarawan. Ibinalita ko sa kanya na makakapag-aral na ulit ako at ipanakilala ko sila Clifford at syempre si Jonathan na talagang ipinagmamalaki ko sa kanya. Hawak kamay ko s'ya iniharap sa puntod ni papa.
“Pa, si Jonathan Acosta po, boyfriend ko. Ang pumapangalawanag pinaka the best na lalaking nakilala ko sa buhay ko. Pero s'yempre ikaw parin ang the best, wala ng makakatalo sa mga nagawa mo sa buhay ko. Ito man ang unang birthday mo na hindi kita kasama , masasabi ko naman na...okay lang dahil alam kong nasa mabuting kalagayan ka. At higit sa lahat, nakakapagpahinga kana. Salamat sa lahat pa.” Sabi ko at hindi ko napigilang maluha habang sinasabi ko kay papa kung gaano ako ka swerte na s'ya ang nagsilbi kong ama.
“Tito, isang karalangalan ang makilala ka.” Biglang sabi ni Jonathan na mas hinihigpitan ang paghawak sa kamay ko.
“Salamat sa pagpapalaki ng maayos kay Farah. At hindi ko man matumbasan ang sakripisyong nagawa niyo sa kanya ay gagawin ko naman ang lahat para lagi siyang maging masaya. Kaya tito, sa pagkakataong ito, kung naririnig n'yo ako, hinihingi ko po ang permiso niyo na palitan kayo sa pagaalaga, pagiingat at pagmamahal kay Farah habang nabubuhay kaming dalawa.” Dugtong niya at napatingin ako sa kanya. Bahagya akong natuwa at napangiti sa sinabi ni Jonathan kaya mas lumapit ako sa kanya at niyapos ko ang braso niya sa saka ako sumandal dito habang ang mga mata ko ay nakatingin sa pangalan ni papa.
“Thank you sa pagpapadala mo sa lalaking 'to, papa. Mahal na mahal po kita.” Ang tanging nasabi ko sa isip ko.
“Guys, ano na!? baka mamaya biglang bumangon si tito Francis d'yan dahil kanina niyo pa ginagambala.” Biglang sigaw ni Clifford at napalingon kami sa kanila.
“Saka gutom na gutom na kami, saka kana mamanhikan Jonathan pwede ba?” Nakabusangot naman si Agatha habang nakayapos siya sa kasintahan niyang si Mike.
“Gutom ka nanaman? Kakain lang natin kanina ah.” Sabi ni Mike sa kanya kaya tinulak naman s'ya ni Agatha palayo sa kanya.
“Alam mo hindi mo talaga ako mahal.” Mataray na sabi nito at napatawa nalang kaming lahat sa kanya. Nagpasya naman kami ni Jonthan na lumapit na sa kanila.
“S'ya nga pala malapit na 'yung book sining ko ahh, dapat makapunta kayo lahat para kahit papaano kunyari may supporters ako.” Sabi ni Gwyneth.
“Oo naman, hinding-hindi kami mawawala don.” Sabi ni Clifford.
“S'yempre lalo kana Cliff. Hinding-hindi 'yan mawawala don.” Sabi ni Jonathan na maypangaasar kay Clifford. Tiningnan lang siya nito ng masama.
“Sige na, tama na yan, kumain na tayo at baka kabagin pa tayo dito.” Sabi ko.
“Speaking of kabag, Gwyneth, alam mo bag kabagin 'yang si Clifford? Kaya kapag sinagot mo 'yan, maghanda ka ng ng maring mask or panyo pantakip d'yan sa ilong mo. Baka mamaya 'yun pa ang dahilan ng break up niyo.” Pangaasar ni Jonathan.
“Would you mind to shut your mouth!?” Napipikong sabi ni Clifford.
“Farah, alam mo bang taehin yang si Jonathan dahil.. aray!” Hindi na naituloy ni Clifford ang sinasabi niya ng hampasin siya ni Gwyneth sa braso niya. Napatawa naman kami sa kanila.
“Nasa harap tayo ng pagkain oh, kung ano-ano pinagsasabi mo.” Seryosong sabi ni Gwyneth.
“So-sorry na,” Biglang sabi ni Clifford na animo'y pinagalitan ng ina niya. Tumingin siya ng masama kay Jonathan at nagambaan sila ng suntukan. Kahit kelan talaga para silang mga bata.
YOU ARE READING
Silent Cries (Completed✔️)
General FictionFarah Cruz She is the happiness of others but she is not happy with herself. A lover and hater. Sometimes winner but loser. Should be motivated but hopeless. She's a woman not a girl. Written by: Miss Jaz