“Hindi mo nanaman natapos yung report na pinapatapos ko sayo! at 'yung mga files na pinapahanap ko sayo, asan na!? aba! noong nakaraang araw ko pa pinapagawa sa'yo yun ah! Ano ba Farah!? Wala ka na ba talagang matatapos na trabaho on time!?” Sermo n'ya. Nanahimik lang ako kahit ang totoo ay kahapon n'ya lang pinagawa ang lahat ng 'yun.
Kung pwede lang pumatay matagal ko ng ginawa.
“Ayusin mo nga yang trabaho mo!” Pasigaw na sabi n'ya. Mabigat n'yang inilapag sa mesa ko ang isang folder na dag-dag trabaho, saka s'ya padabog na pumasok sa office n'ya.
Huminga ako ng malalim at sa ulit na pagkakataon pilit akong ngumiti sa mga katrabaho kong nakatingin at naaawa sa akin. Nagkibit balikat ako at inisip kong bumalik nalang sa trabaho.
Meet Mr. Edward Harris, A.K.A Mr.Fer (Lucifer). Hindi ako kundi ang mga katrabaho ko ang bumansag sa kanya ng ganon. S'ya ang aming Branch Manager sa Auto-Service Inc. At ang company namin ay nagbibigay serbisyo sa mga customer at clients na kailangan ng tulong sa problemang pangsasakyan. We work with our customers para ma-identify ang problema ng kanilang mga vehicle at kami rin ang nagpapadala sa kanila ng technician with accurate repair description.
Masungit at palaging irita sa buhay. Pero kahit na ganon hindi maipagkakaila na magaling s'yang Branch Manager lalo na sa paghahanap ng resolution sa problema ng aming mga costumer or clients about their vehicles. Dahil sa kanya ay umunlad at mas lumaki ang branch na hinahawakan n'ya ngayon at sa pagkakaalam ko ay palagi naming natatarget ang target sales namin every month. Mahusay naman s'yang branch manager at magaganda ang feedback ng aming mga customer about sa serbisyong pang automotive na binibigay namin sa kanila.
Sabi ng mga katrabaho ko, si Mr. Fer ay nasa forty -plus na ang edad at wala paring asawa at kahit gf. Laging mainit ang ulo n'ya at sinubukan na nga ng iba na ireklamo s'ya sa pinaka may-ari ng company para matanggal, pero hindi parin s'ya nawawala dahil narin sa credentials nito.
Actually, 'yun lang naman ang problema n'ya, ang palaging galit sa mundo na sa amin n'ya binubunton.
Isa ako sa mga data encoder n'ya. Pero mas pinili niyang papwestuhin ako malapit sa kanya.Trabaho ko ang i-encode ang mahahalagang transactions with our costumers, at hawak ko rin ang client files, hard copies and handling other data-ralated tasks.
At dahil sa kanya ako malapit, kaya ako palagi ang nakikita n'ya. Madalas nga isa na s'yang nabubulok na bangkay sa isip ko tuwing binubulyawan n'ya ako at sa tuwing pinamumukha n'ya sa akin na malaki pa ang pagkakautang ko sa kanya.
Noong nagkakaproblema na kami sa pamilya at nagsisimula ng hindi magkaunawaan si mama Ella at papa Francis ay nahinto ako sa pagaaral dahil nawalan ako ng suporta. Isang seem nalang sana ay turning 3rd year na ako noong magpasya akong mag trabaho na. Ilang araw pagkatapos kung huminto sa pag-aaral ay inihatid ako ni mama sa Auto-Service Inc. kung saan una kong nakilala si Mr. Edward Harris. Tinatanong ko noon si mama kung anong meron pero “Sumunod ka nalang!” ang sinasabi n'ya sa akin.
YOU ARE READING
Silent Cries (Completed✔️)
Genel KurguFarah Cruz She is the happiness of others but she is not happy with herself. A lover and hater. Sometimes winner but loser. Should be motivated but hopeless. She's a woman not a girl. Written by: Miss Jaz