"Anong nangyari dito!?" Bungad na tanong ni papa sa akin pagkatapos niyang madatnan ang bahay na sobrang kalat galing sa kasalan.
"Asan na ba 'yun? Asan kana kasi..." Bulong ko sa hangin na hindi ko magawang pansinin si papa Francis dahil sa pagkauga-ga ko sa paghahanap ko ng aking Page of My life notebook na alam kong nadala ko pagkaalis sa bahay ni Agatha.
"Ano ba 'yang hinahanap mo anak?" Tanong ni papa habang inilalagay niya sa mesa sa kusina ang dala-dala n'ya. Habang ako ay pabilik-balik sa sa kwarto't sala habang pinipilit kong isipin kung saan ko nailapag iyon.
"Alam ko nandito 'yun sa bag ko e...inabot 'yun sa akin ni Gwyneth kanina bago ako umalis kela Agatha. Hayks bakit kasi ngayong hapon ko lang naisip tingnan 'yung bag ko." Nakabusangot na sabi ko kay papa.
"Ano bang sinasabi mo nak? ano ba yung nawawala sayo?" Usisa ni papa at saka s'ya lumapit sa akin.
"Yung page of my life notebook ko." Mahinang sagot ko.
"Page of my life notebook?" Naguguluhang tanong n'ya.
"Opo, kulay brown na notebook, 'yung binigay mo sa akin noong first year high school pa ako. Tapos medyo luma na 'yun. At paubos na nga 'yung pages non e kasi since high school pa sa akin 'yun eh." Nalulungkot na sabi ko.
"Yung niregalo ko sayo dahil nakapasok ka ng section A? Nasasaiyo pa 'yun?" Napapahangang sabi ni papa. Nanlambot naman ako at napaupo na lang sa upuan.
"Opo...madalang ko lang sulatan 'yun e, para s'yang diary ko na e. Nakakainis!! hindi ko na s'ya mahanap...papa." Naiiyak na sumbong ko sa kanya na parang bata. Naiiyak ako hindi lang dahil sa tagal na nasa akin ang notebook na 'yun, kundi dahil laman non ang buong buhay at pagkatao ko. At hindi 'yun pwedeng mawala.
"Teka, kanina pagdating mo medyo bukas 'yang bag mo, baka naman anak..."
"No!!" Pagpigil ko sa gustong sabihin ni papa.
"Hindi pwede pa, hindi pwede..." Giit ko sa kanya. Napamaywang naman s'ya habang nakatingin s'ya sa akin na naiiyak na.
"Eh, saan mapupunta 'yun, kasi kung dala mo nga 'yun kanina edi...dapat nandito lang 'yun." Sabi niya.
"Papa naman e..." Pagmamaktol ko at hindi ko kayang isiping nawawala ang page of my life notebook ko.
"Okay-okay maliwanag pa naman sa labas. Kung gusto mo hahanapin ko sa labas para sayo." Sabi n'ya.
"Hindi! 'wag na pa, ako nalang kasi mas alam ko kung saan ako nagpunta." Sabi ko sa kanya saka ko kinuha ang wallet at cellphone ko.
"Pero 'nak...oi 'nak! Farah!!" Tawag ni papa na hindi ko na pinansin at mabilis akong lumabas at pumara ng tricycle.
"Purok-dos po." Sabi ko sa driver.
Hindi ako mapalagay, naiiyak ako at hindi ko talaga alam ang gagawin kapag tuluyang nawala sa akin ang notebook na 'yun. Napapakagat labi ako habang pilit kong inaalala kung saan possibleng nahulog 'yun. At ayaw ko man isipin pero kailangan kong malaman.
At sa kalagitnaan ng byahe ay naalala ko ang na flatan na tricycle na sinakyan ko kaninang umaga.
"Kuya sa terminal na po." Sabi ko sa driver.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa terminal. Mabilis akong nagbayad at pumunta sa area ng pila ng mga tricycle. At pinilit kong hanapin ang driver na malinaw pa sa ala-ala ko ang itsura. Nahihirapan akong maghanap dahil bukod sa pare-pareho na kulay violet ang mga tricycle ay hapon narin at mahirap na maaninagan sa malayuan ang mga mukha ng driver. Kaya nagpasya akong isa-isahin ito.
YOU ARE READING
Silent Cries (Completed✔️)
Fiction généraleFarah Cruz She is the happiness of others but she is not happy with herself. A lover and hater. Sometimes winner but loser. Should be motivated but hopeless. She's a woman not a girl. Written by: Miss Jaz