26: She's quiet attractive

52 12 0
                                    

<Farah's POV>

“Hello?” Tanong ko sa nakailang tawag na sa akin habang naglalakad ako pabalik sa office.

Farah asan ka ba? Tanong nito sa akin. Dama ko ang pagkapanic sa tono ng boses n'ya.

Coffee break ko ahh, kaya pabalik palang ako d'yan sa office.”  Paliwanag ko.

Ganon ba, uhmn dalian mo nalang, kasi...si Mr. Harris galit na galit nanaman hinahanap ka. Sabi niya.

Bakit nanaman? Ano nanamang nagawa ko sa kanya?Nakakunot noong tanong ko. Mabilis ko namang binababagtas ang daan pabalik sa Auto-Service Inc. 

Mali daw 'yung file na binigay mo, kailangang-kailangan n'ya na raw sa meeting ngayon.

Sige-sige. Dito na ako sa labas, didiretso na ako d'yan.” Sabi ko at saka ko binaba ang linya ko. 

Nakakaramdam ako ng kaba at pagkataranta habang papasok ako ng kompanya. Iniisip ko kung anong mali sa files na inabot ko sa kanya kaninang umaga, samantalang sinunod ko lang ang mga inutos n'ya. Napapahinga ako ng malalim habang inaantay kong magbukas ang elevetor. Hawak ko pa ang Cafe latte na inorder ko pa sa Paradise Coffee Shop. Nakakita naman ako ng basurahan malapit sa elevetor. Mabilis akong lumapit doon at akmang itatapon ko na  sana ang binili kong kape  ng biglang pumasok sa isip ko kung anong nangyayari sa akin at anong ginagawa ko.

Bahagya akong napatawa ng maisip ko na bakit ako natataranta at kinakabahan? samantalang sobrang tagal ko ng nagtatrabaho kay Mr. Fer at halos araw-araw ay binubulyawan n'ya ako.

Umatras ako sa basurahan at huminga ako ng malalim. Napatawa ako ng bahagya sa naging reaksyon ko kanina. Binuksan ko ang takip ng latte ko at ininuman ito. Ni-relax ko ang sarili ko habang nagaantay na magbukas ang elevetor.Bahagya akong ngumiti at deep inside ay kinukumbinse ko ang sarili na “Hindi lang ako nabubuhay para maistress sa kanya.

Kalmado akong pumasok sa elevetor at saka ko pinindot ang number three sa elevetor control button. Tiningnan ko ang relo ko  at may three minutes pa ako. Kaya nagpunta muna ako ng pantry at inubos ko ang cafe latte ko.

Bumalik ako sa table ko at naroon ang isang white folder na pinaglagyan ko ng clients details at ilang important copy  ng  transaction summary of the month. Kinuha ko sa drawer ko ang sticky note na pinagsulatan ni Mr. Fer ng pinapagawa n'ya kahapon sa akin. Dinoble check ko ang mga gawa ko at alam kong walang mali sa mga binigay ko sa kanya. Kinuha ko ang folder at sticky note at saka ako nagpunta sa office n'ya. Dama ko naman ang pag-aalala ng mga ka-trabaho ko habang tinitingnan nila ako na kumatok at pumasok sa office ni Mr. Harris.

Pina-cancel ko na ang meeting dahil sa pagka irresponsible mo! Galit at may panlilisik na mga tingin ang tumambad sa akin pagkapasok ko. Marahan akong pumasok at tumayo sa harapan n'ya. Dama ko naman ang pagkawala ng kaba ko dahil alam kong wala akong maling ginawa.

Sa tagal mo ng nagtatarabaho sa akin mali-mali parin ang mga ginagawa mo. Hindi ba't pinapahanap  at compile ko sa'yo ang ilang documents ng important clients natin at hinihingi ko sayo ang soft copy ng mga 'yun pero kung sino-sinong pangalan ang binigay mo!” Galit na sabi n'ya.

Sabihin mo nga sa akin, nananadya ka ba Ms.Cruz? Nanggigil na tanong niya. HIndi ako nagsalita. Lumapit ako sa mesa n'ya at marahan kong inabot sa kanya ang white folder at nasa ibabaw non ang sticky note na inabot n'ya sa akin kahapon. 

Sinunod ko lang po ang inutos n'yo, Sir.” Mahinang sabi ko. Napako naman ang tingin n'ya sa sticky note na nakapatong sa White Folder. Nakita ko sa reaksyon n'ya ang pagkailang kaya nagpasya akong lumabas ng office n'ya ng dahan-dahan. Sinara ko ang pinto at saka ako huminga ng malalim. Nakatingin naman sa akin ang mga katrabaho ko, nagkibit-balikat ako at saka ko sila nginitian. Napapailing nalang sila at napapangiti  dahil alam nilang okay lang ako. 

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now