28: Hagupit ng realidad

60 11 1
                                    

<Farah's  POV>

Girl, okay ka lang?” Tanong sa akin ni Jez  na ka officemate ko.

Yeah, why? Nakakunot noo kong tanong sa kanya.

Kanina mo pa kasi binabali-bali 'yang leeg mo. Naistress  ka ba ulit sa bungad na sermon ni sir. Lucifer? O baka naman masama ang pakiramdam mo? Mahinang tanong n'ya. Ngumiti ako sa kanya.

Hi-hindi...medyo napagod lang ako kasi nag general cleaning kami ni papa Francis noong saturday tapos nong sunday  hindi naman kami nakagala kasi sumama 'yung pakiramdam n'ya kaya inalagaan ko lang s'ya. Paliwanag ko.

Ahh kala ko naman nao-over fatigue kana e. Sige na balik na ako sa work. Pahinga-panginga din pag may time...okay Farah.Sabi niya at saka niya ako tinapik sa braso. Tumango at nginitian ko lang s'ya.

Pinagpatuloy ko naman ang pagtatrabaho ko kahit binungaran ako agad ng sermon ni Mr. Fer.
Inisip ko nalang na ilang buwan nalang at matatapos na ang kontrata ko sa kanya. At sisiguraduhin ko na hinding-hindi na ako babalik sa kompanyang 'to.

Nakaramdam man ako ng pananakit ng katawan at ulo ay inisip ko nalang na maaga kong tapusin ang lahat ng pinapagawa ni Mr. Fer para hindi ako makapag ot at makauwi na ako ng maaga para kay papa na hindi na nakapasok ng trabaho.

Pagkalipas ng ilang oras ay napatingin ako sa relo ko. Pasado alas-dos na ng hapon.
Nasa kalagitnaan pa ako ng pageencode ng ilang data ng biglang tumunog ang phone ko. Bahagya naman akong nagulat dahil huli ko ng marealize na hindi ko pala na-isilent mode ang phone ko pagkabalik ko kanina galing lunch break. Napatingin naman sakin ang ilang mga kaworkmate ko na malapit lang sa desk ko. Nagsorry ako agad sa distraction na nagawa ko habang  napapangiti at iling nalang sila sa nangyari.

Mabilis kong kinuha sa bag ko ang phone ko at tiningnan ko kung sino ang  tumatawag. Si Agatha.

Hello...nasa trabaho pa ako. Mabilis kong pabulong na sabi habang iniilalim ko sa mesa ng bahagya ang ulo ko para hindi masyadong marinig ang pagsasalita ko.

Farah... Maykakaiba sa tono ng boses na  sabi nito.

Bes, mamaya ka na lang tumawag dito pa ako sa office baka mahuli pa ako ng boss ko. Sige na,sige na.Sabi ko. Ibaba ko na sana ang phone ko ng biglang.

Farah...patay na si tito Francis. Sabi niya at dama ko sa boses n'ya ang panginginig.

Tumahimik ang paligid at biglang huminto ang mundo ko. Marahan kong ibinalik sa tenga ko ang cellphone ko at nararamdaman ko ang biglang panlalambot ng tuhod ko.

A-anong sabi mo? Binabalot ako ng kaba at umaasang mali ang mga narinig ko sa kanya. Pero ang mga pagtangis at panginginig ng boses n'ya ang nagsasabi sa akin ng katotohanang walang mali sa narinig ko.

Farah... Umiiyak na sabi niya.

Agatha! anong ginagawa mo!? Sabi ng isang palapit na  boses at narinig kong may tila humablot sa cellphone ni Agatha.

Baliw ka ba!? diba sabi ko sa'yo ako na magsasabi sa kanya para hindi mabigla! Dugtong nito. At alam kong si Gwyneth 'yun.

Pero...kay alangan n'ya ng malaman. Tumatangis na sabi nito.

Bumigay ang katawan ko at napabagsak ako sa sahig habang naririnig ko sila sa kabilang linya. Hindi ako makahinga parang binagsakan ako ng langit at lupa. Totoo ba 'to? kung isa itong masamang panaginip gusto ko ng magising.

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now