“Sabihin mo nalang kasi sa amin kung nasaan ka ngayon! hindi 'yung pinag-aalala mo kami ng ganito.” Naiinis na sabi ni Agatha.
“Hindi mo ba alam na kung saan-saan ka namin hinanap kasi alam namin na wala ka namang ibang pupuntahan kundi kami lang dapat. Bakit mo ba kami ginaganito? Naiinis ako sa'yo!” Dugtong niya. Nangingilid ang aking mga luha habang pinapakinggan ang sermon ni Agatha. At dama ko sa mga paghikbi niya ang pag-aalala.
“Sorry na bess, pero okay lang naman ak...”
“Hindi! sabihin mo na sa amin kung nasaan ka, kasama ko si Gwyneth ngayon kaya mapupuntahan ka namin ng sabay d'yan.” Pagpupumilit niya.
“But Agatha...” Mahinang sabi ko sa kanya.
“Isa! naiinis na talaga ako sa..ano ba Gwyneth akin na 'yang cellphone ko.”
“Ako na kakausap.” Sabi ni Gwyneth.
“Pauwiin mo yan, pauwiin mo!”
“Hello,” Biglang sabi ni Gwyneth at mas bumigat ang nararamdaman ko. Duon ko napagtanto na sobrang namimis ko na sila ng marining ko na ulit ang mga boses nila. Pero alam ko sa sariling kailangan kong matutong tumayo sa mga sarili kong mga paa na hindi sila kasama.
“Aren't you goin' to greet me back?” Seryosong tanong niya. Bumalik ako sa ulirat.
“Ha-hi”Sagot ko.
“Se-sermunan mo rin ba ako?” Naluluhang tanong ko.
“No.”
“Sorry kung pinag-alala ko kayo. Kasi hi-hindi ko naman talaga intesyon na...”
“It's okay Farah.” Biglang sabi niya.
“Do not ruin an apology with an excuse. And you don't have to feel sorry for chosing to be independent.”
“Ano ba Gwyneth pauwiin mo na kasi 'yan.” Nagmamaktol na sabi ni Agatha. Napaisip naman ako sa sinabi niya.
“Hindi ka na namin pipilitin if you want to do something for yourself without us. At alam mo naman kung saan kami pupuntahan o hihintayin pag gusto mo na ulit bumalik.” Sabi niya.
“Oo naman, salamat.” Mahinang sagot ko.
“Please take care of yourself and bigay mo na sakin si Agatha.” Sabi niya.
“Are you serious!?” Biglang pagtutol ni Agatha.
“Akin na nga 'yang...” Ang huling narinig ko sa kabilang linya. Malamang pinatay na ni Gwyneth ang cellphone ni Agatha.
Muling nanahimik ang paligid. Napatulala ako sa kawalan at mas lalong bumigat ang aking pakiramdam. Unti-unting umagos ang mga luha ko na dulot ng kalungkuntan. Huminga ako ng malalim at pinagtatakhan ko kung bakit palaging nauuwi sa sakit ng loob ang mga pagsisikap kung maging masaya ang buhay ko.
Pagkatapos ng tawag na 'yun ay nagpasya akong i-turn off ang cellphone ko. Naisip ko na baka mas mabuo ko ang sarili ko kung maguumpisa ako sa wala.Handa na akong magbakasakaling sa mundo ng stranger na si Jonathan ay mahanap ko ang kaligayahan.At buo na ang loob kong harapin ang bako-bako at bagong landas na wala ang aking mga kaibigan.
2 MONTHS AFTER
<Jonathan's POV>
“Kamusta si Farah?” Tanong ni Clifford habang dahan-dahan naming nilalakad ng paikot ang Villruel Village park.
“She's fine. And mas close kami now more than before.” Sagot ko at saka ko ininuman ang energy drink ko. Habang nagpapatuloy ako sa paglalakad.
YOU ARE READING
Silent Cries (Completed✔️)
General FictionFarah Cruz She is the happiness of others but she is not happy with herself. A lover and hater. Sometimes winner but loser. Should be motivated but hopeless. She's a woman not a girl. Written by: Miss Jaz