49: The best man next to dad

35 9 0
                                    

Napagod ka ba today?” Tanong sa akin ni Jonathan habang papasok kami sa bahay ni Agatha.

Hindi naman, ang totoo mas gumaan pa 'yung pakiramdam ko." Sabi ko sa kanya.

Good to hear that.” Sabi niya at saka siya tumingin sa relo niya.

Alas syete palang, anadyan na kaya si Agatha?” Tanong niya, habang marahan kaming lumapit sa pintuan.

“Ahh nagtext sa akin na baka malate s'ya nang uwi tonight, alam mo na... mageenjoy pa 'yun kasama ang buong pamilya niya. Okay lang din naman kasi may mga dubplicate naman ako ng mga susi niya.” Sagot ko habang binubuksan ko ang pintuan.

Ang galing noh, para na kayong magkapatid.

Oo nga e swerte ko sa kanila. Tara pasok ka, gusto mo ba dito kana lang mag dinner?” Anyaya ko sa kanya.

Actually, nagiisip na nga ako ng iluluto e kanina pa.” Sabi niya at saka siya tumawa.

Naks, sana lahat magaling magluto. Sabi ko habang nilalapag ang sling-bag ko sa sofa.

Sige na, pwede kana munang magbihis at hahanap ako ng pwedeng lutuin sa kusina ni Agatha.Sabi niya.

Sure ka?

Oo naman, unless kung gusto mo uling ikaw nalang mag-eksperimento. Sabi niya.

Nakow, Jonathan masyadong masaya ang araw natin para sirain ko.Sabi ko at saka ako humakbang papasok sa kwarto ko.

Ang hard mo naman sa sarili mo. Ang huling narinig ko sa kanya at saka ako napatawa.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako para tulungan siya sa pagluluto. At hindi ko maitatanggi na I always find him cuter  pag nagluluto s'ya. Napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan s'ya at sinulit ko bawat segundong pinapanood s'ya. Pagkalipas ng ilang minuto ay masaya naming pinagsaluhan ang mga hinain niya. 

Nag volunteer akong maghugas ng pinagkainan pero pinilit niyang tulungan ako. At pagkatapos noon ay umupo kami sa sofa para magpahinga saglit, kumuha ako ng isang beer para kay Jonathan at 7/up naman ang sa akin. Binuksan namin ang tv at saka buong laya naming isinandal sa sofa ang napapagod naming katawan.

Ang sarap magpahinga,” Sabi ko habang nakatingin ako sa tv. Naaninagan ko namang tumingin sa akin si Jonathan na katabi ko.

Yeah, panigurado napagod ka ngayong araw na'to.Sabi niya. Napangiti ako sa kawalan.

At salamat sa'yo. Kung hindi dahil sa mga effort mo, siguro hanggang ngayon nagiisip parin ako kung papaano ko sisimulan ang lahat.

Sows, maliit na bagay.”!Sabi niya at saka niya ininuman ang beer niya.

Paano kaya kung hindi kita nakilala?siguro, sobrang miserable ko na. Paano kaya kung walang ikaw sa mundo ko? makukumpleto pa kaya ang pagkatao ko? Ano kayang gagawin ko kung hindi ka dumating sa buhay ko?”  Sunod-sunod na tanong ko at saka ko siya tiningnan. Napatingin din siya sa akin at nagtama ang aming mga mata. Ito na ang pinakamalapit kong distansya sa kanya habang katitigan s'ya. Bigla akong kinabahan ng marealize kong parang may mali sa mga naging tanong ko. At hindi ko maiwasang tumingin sa mga labi niyang mala rosas na parang laging bagong pitas. At hindi ko maitatanggi na may kung anong pagiinit ang dumadaloy sa buo kong pagkatao habang tinititigan ko ang kanyang mga mata. Maya-maya pa ay napansin kong unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin at hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko ng bigla kong maramdaman ang mga labi niya sa labi ko. Nagising ako sa ulirat at mabilis akong umatras  palayo sa kanya.

Silent Cries (Completed✔️)Where stories live. Discover now