Naramdaman kong nilamon ako ng kawalan.
Nasa harap na ako ng bahay ng hindi ko nalalaman.
Madilim na noon at nakita kong may ilaw na sa loob. Umuwi si papa Francis ng maaga. Kaya dali-dali kong inayos ang sarili upang hindi magmukhang may masamang nangyari.
Huminga ako ng malalim at saka pinilit kong ngumiti.“Goodevening!” Sigaw ko pagpasok habang pinipilit kong ngumiti, napalingon naman noon si papa na nasa kusina at abalang nagluluto.
“Ano ba yan anak, nakakagulat ka naman!” Sabi n'ya habang nakahawak s'ya sa dib-dib n'ya. Lumapit ako sa kanya para magmano.
“Aba-aba...himala at mukhang hindi ka nakainom ngayon ahh.” Puna ko sa kanya habang inaabot ko ang kamay n'ya.
“Kaawaan ka ng Diyos, eh walang nangaalok ng alak ngayon sa labas e.” Paliwanag n'ya. Saka s'ya ngumiti.
“Sows...talaga ba? o baka naman babawi ka lang sa susunod na araw ha?uhmnn ikaw ahh.” Asar ko sa kanya, tumingin s'ya ng masama sa akin at saka n'ya ako ginatukan.
“Kung ano-anong pinagsasabi mong bata ka. Pag nagiinom ako nanenermon ka, tapos pag hindi ako nakainom naghihinala ka? hindi na talaga kita maintindihan.” Sabi n'ya habang hinihimas ko naman ang noo ko na ginatukan n'ya.
“Nagbibiro lang naman ako e, ano ba 'yang niluluto mo kasi?” Nakabusangot na sabi at tanong ko sa kanya.
“Nagluto ako ng special ginisang tuna with egg.” Pagmamalaki n'ya. At may pagkindat-kindat pa.
“Wow, mukhang masarap 'yan ahh.” Sabi ko.
“Kaya magbihis kana at ihahanda ko na ang hapagkainan mahal na prinsesa.” Sabi niya saka s'ya tumawa.
“Naks...masusunod mahal kong hari.” Sagot ko at saka ako nagbihis agad.
Napapangiti naman ako sa nakikita kong pagbabago ni papa.
Kumain kami ni papa at pagkatapos ng ilang minutong kwentuhan at kamustahan tungkol sa trabaho namin ay nagpasya na akong maunang matulog sa kanya. At iniwan ko s'ya sa sala ng nanonood ng balita.
Pumasok ako sa kwarto ko, hindi ko binuksan ang ilaw at nahiga ako sa kama ng pataob. Hindi ko na napigilan ang bigat ng nararamdaman ko na kanina pa gustong kumawala. Inilubog ko ang aking buong mukha sa unan ko para hindi marinig ni papa ang mga pagtangis ko sa kwarto. May kung anong kirot sa puso ko na hindi tumitigil saktan ang buo kong pagkatao.
Page of My Life
“WALA”
Umpisahan natin to' sa salitang wala...
Wala lang magawa,
kaya uupo ka sa isang tabi,
At sa ayaw mo't gusto babalik ka sa mga nangyari,
Maiisip mo yung kanina,
Tapos tatalon ka sa kahapon at sa di mo napapansin nakabalik ka sa nakaraang taon.
Pero dahil napabuntong hininga ka bumalik ka sa kasalukuyan habang kumakalabit ka sa ilang pangyayari sa nakaraan,
Mapapansin mo na tahimik ang paligid,
Iniisip mo kung may kwenta ba o wala ang 'yong pag-iisip pabalik.
Maiisip mo yung huling taong kinausap mo at huling lugar na pinanggalingan mo,
At sa oras na wala kang malay kung nasaan na ang iyong ulirat,
Sasagi sa isip mo yung mga bagay, tao at halos lahat,
Tapos...
maiisip mo yung mga nasabi mo sa iba, at kasabay nun ang pagtatanong kung may naidulot bang maganda ang mga binitawan mong salita,
Mga salitang pagkatapos mo tinapon ay tuluyan ng n a w a l a,
Nilamon na ng katotohanang hindi mo na yun maibabalik pa,
Mapapapikit ka, pipigilan mo ang mga nangingilid na luha,
Mapapatanong ka sa sarili mo kung may nagawa ka bang tama o wala.
Babalutin ka ng katotohanang nababalot ng kalungkutan,
Hindi mo magawang maging masaya kasi pinipilit mong tabunan ng noon ang ngayon,
at pakiramdam mo bulag ka sa katotohanang matagal na sanang nakabaon.
Sa katahimikan ng mundo at sa pakiramdam mo ng pag-iisa
dadami ang tanong...
Katulad nang ng isang bagay na nakita mo lang ang h a l a g a pagkatapos m a w a la.
At kahit gawan mo man ng pormula na tulad sa matimatika; para mahanap mo yung kaligayahang sagot sa meron ka,
tulad ng Ibabawas mo yung w a la sa m e r o n ka pero palaging ang sagot ay kulang at magtatapos ka sa wala.
Hahanapin mo yung pilit kahit sa siyensiya.
Mag sisimula kang magtanong kung alin ba ang nauna, meron ba o wala?
At dahil malinaw na ang mundo ay nagsimula din sa wala,
Aasa ka na sa dulo makukuha mo yung sagot sa m e r o n ka;
Parang paghahanap ng saya sa kalungkutang meron ka.
pero sa huli mas pinipili mong magtapos ka sa wala.
Kaya dahil don hindi mo makitang natatalo kana sa isang digmaan na sarili mo lang ang kalaban at ginagamitan mo ng sandata,
Natatalo ka, hindi dahil sa mahina ka, kundi dahil hindi mo ginagamit yung sandata na meron ka.
Nalulupig ka...
dahil palagi kang nagtatapos na mas kailangan at mas h i n a h a n a p mo yung w a l a.”At 'yun din ang hindi ko maintindihan sa sarili ko. Ginagawa ko naman lagi na mas piliing maging masaya sa kung anong mayroon ako pero mas lalo lang lumalapit ang lungkot. Mas lalong lumilinaw ang pinipilit kong pinapalabong realidad. Realidad na hindi na babalik si mama at si papa Francis nalang ang mayroon ako.Realidad na kahit anong pagsisikap ko na abutin ang mga pangarap ko ay lalo naman 'tong lumalayo. Realidad na sa amin ng mga kabigan ko, ako yung mula noong una trying hard sa career ko. At mula noong una pa pinaka may magulong pagkatao.
Pinipilit kong maging masaya at kontento. Alam ng Diyos kung paano ko nilalabanan ang sarili kong magisip ng negatibo.
Pero bakit ganon?...
bakit palaging may kulang? At 'yun ang hindi ko alam kung paano maiiwasan.
*****
<Note>
“Please support this first story of mine.
Do not forget to read, vote
or leave some comments for my improvement.”
T H A N K Y O U!”
YOU ARE READING
Silent Cries (Completed✔️)
Fiksi UmumFarah Cruz She is the happiness of others but she is not happy with herself. A lover and hater. Sometimes winner but loser. Should be motivated but hopeless. She's a woman not a girl. Written by: Miss Jaz