Page of My Life
“People never learn anything by being told, they have to find out for themselves.
Akala ko dati, wala akong minana kay mama, pero ngayon malinaw na sa akin kung ano ang namana ko sa kanya. 'Yung pagiging sarado n'ya sa iba lalo na sa kung ano talaga ang nasa isip at puso n'ya. Mas naging malinaw ang lahat sa akin. Mas nakilala ko 'yung babaeng nagluwal sa akin. Mas nakilala ko s'ya at ang kailangan ko lang palang gawin ay ang magtanong. At ngayon lang nagiging unti-unting malinaw sa akin ang lahat. Mas magiging maunawain ako mula ngayon.""Wala kang alam Farah! Wala kahit isa!" At masyado kong tiningnan ang mga naging resulta ng desisyon n'ya at hindi ko nakita ang mga dahilan kung bakit n'ya 'yun nagawa. Maaaring nahirapan din talaga si mama at sigurado akong sinasarili niya ang lahat ng lungkot at pagkadismaya sa sarili ngayon ng magisa. Kahit papaano, nakilala ko s'yang mataas ang pride but at the same time ay isa sa pinaka strong na babaeng kilala ko. At sana matagpuan n'ya ang sariling kaligayahan.
Ngayon, 'yung kay papa Miguel nalang ang hindi pa malinaw sa akin.
***
“How could you not to answer my phone calls Farah! I needed those client-files and data na hinihingi ko sa'yo noong nakaraang araw pa but you were absent! wala ka na talagang magandang naidulot sa buhay ko! palagi kang palpak! Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot! anong gusto mong mangyari ha! baka nakakalimutan mo na malaki pa ang atrasong dapat mong...”“Tapos ko na po 'yung mga tasks na 'yun sir and I'm sorry if I wasn't able to answer your calls may nangyari lang,”
“Oh! see tapos mo na pala! edi sana nalaman ko kung saan kukunin kung hindi ka lang hipokrita na parang napaka iresponsable mo sa trabaho mo! hindi ako natuloy sa meeting ko dahil sa kabobohan mo! And one thing..it's none of my business kung may personal life problem ka!! na always na nangyayari sa iyo at sa pamilya mo! Napaka dali lang mag hello sa tawag ko. Yan na nga lang gagawin mo e hindi mo pa magawa ng maayos! manang-mana ka sa nanay mo! palibhasa undergraduate kaya konte lang ang alam! Ayusin mo ang trabaho mo dahil yan ang binabayaran ng kumpanya sayo! irresponsible!” Mariing sabi n'ya. At saka s'ya padabog na pumasok ulit sa office n'ya.
Walang emosyon akong umupo sa upuan ko at hindi ko na pinansin pa ang mga mata ng mga katrabaho kong gustong magsabi ng “Okay lang yan,” “masanay kana,” “Okay ka lang?”
At bahagya akong napangiti sa kawalan. Sinalat ko ang dib-dib ko. Sa unang pagkakataon kasi ay wala akong nararamdamang pagkahiya, galit kay Mr. Edward, inis sa sarili sa hindi ko pagsagot sa tawag n'ya kahapon at pagkadismaya sa hindi bagong eksena ng buhay ko. Huminga ako ng malalim at ni hindi ako nakakaramdam ng pagkaiyak sa pangmamaliit sa akin ni Mr. Fer. At nakaramdam ako ng tuwa sa pagkamanhid ko ngayon sa emosyong negatibo. Nakangiti akong bumalik sa trabaho.
***
“CMP AT 4 PM” Text ni Gwyneth. Maya-maya pa ay tumunog ulit ang cell phone ko.
“Sa CMP mga 5 Pm” Text ni Agatha.“Ano bang oras talaga?” Tanong ko sa kawalan. Dinial ko ang number ni Gwyneth para tawagan ito.
“How and What can I do for you?” Mabilis na tanong n'ya.
“Anong oras ba dapat? sabi mo four pm, sabi naman ni Agatha 5 pm?” Tanong ko.
“The early bird gets the worm, the rest starve. Anything else that I can help you with, I'm in the middle of something.” Mabilis na sagot n'ya.
“Oh my God! seriously? Pag nagpunta ako don ng four tapos wala pa isa sa inyo, nakow uuwi na ako and bahala kayo pag nalate ako dahil sa five na ako mag...”
“Don't be late honey, gotta go.” Sabi nito. Saka n'ya ako binabaan.
Napatayo nalang ako sa kinauupuan ko sa inis. Lagi talaga silang magkaiba pag-nagseset ng meet up. Kung hindi oras,lugar naman. And as alway ako ang naga-adjust. Pero madalas sinusunod ko si Gwyneth dahil alam kong never s'yang nalalate.
Chineck ko ang oras sa cellphone ko maga-alas onse palang ng umaga, tumayo ako sa kinauupuan ko, Nagbukas ng radio, volume up and hinayaan kong mabalot ng musika ang bahay namin. I'm slightly moving to the beat while doing the chores. I feel better than I was yesterday. I wanna live like this forever.
At three o'clock, nag text na ako kay papa na malalate ako ng uwi, kaya 'wag n'ya na akong antayin para sa hapunan pag nakauwi na s'ya galing trabaho. At pagkalipas ng ilang minuto ay umalis na ako.
***
“What's up?” Pagbati ko na may kasamang tapik sa naka cross-legged na upo na si Gwyneth, nakatingala't nakapikit habang naka earphone at relax na relax na nakaupo sa Park Beanch.Dumilat s'ya at umurong ng kaunti, tinanggal n'ya sa tenga n'ya ang earphones na nakapasak sa kanang tenga n'ya at ako naman ay umupo sa tabi n'ya.
“Pustaan, late nanaman si Agatha.” Nakangiting sabi ko.
“As always.” Sagot n'ya. Tumingin s'ya sa akin at tinitigan n'ya ako ng ilang segundo.
“What?” Tanong ko sa kanya pagkatapos ko s'yang tingnan pabalik.
“What happened?” May pagtataka sa sa ekpresyon ng mukha n'ya.
“What do you mean?” Pagtataka ko rin sa tanong n'ya.
“You look fine, o namamalik mata lang ako?” Sabi n'ya at saka n'ya ibinaling sa malayo ang tingin n'ya.
“Well...may nagsabi kasi sa akin na everything will be okay and Life is not a problem to be solved, but a reality to be experienced.” Nakangiting sagot ko, napatawa s'ya.
“Wow...parang gusto kong makilala ang nagsabi n'yan sayo.” Sabi n'ya.
“Paniguradong magkakasundo kayo pagnakilala mo s'ya.” Pabirong sabi ko at nagtawanan kaming dalawa.
Pasado four forty-five na ng dumating si Agatha na humihingal.
“Am i late?” Tanong n'ya habang nakahawak s'ya sa dib-dib n'ya at naghahabol ng hininga.
“Not bad.” Sabi ni Gwyneth na tumayo at nakatingin sa relo n'ya.
“Anong meron?” Pagtataka ko.
“Sabihin nalang nating may natakot manlibre ng mga kaibigan n'ya today.” Sagot ni Gwyneth habang nakatingin s'ya kay Agatha ng may pangaasar.
“Excuse me, hindi no, baka ikaw!” Nakabusagot na sabi n'ya at saka n'ya tinarayan si Gwyneth na noon ay naglalakad na palayo.
“Anyway, yieee...I miss you girl,” May pangigil na sabi n'ya at saka n'ya ako niyakap ng mahigpit
“Namiss din kita babaita, eh ikaw naman kasi si Mike nalang inaatupag mo palagi.” Sabi ko
“Eh..wag kana magtampo,ganon talaga pagnagka boyfriend ka, mauunawaan mo rin ako.” Nagpapacute na sabi n'ya.
“Sows..palusot pa.” Sabi ko at saka kami nag ngitian. Sumunod kami kay Gwyneth kahit hindi ko pa alam kung saan nanaman ako dadalhin ng dalawa pero nararamdaman ko na may panibagong araw nanaman ako na masaya. And on my Mind Im really grateful to God.
*****
<Note>
“Please support this first story of mine.
Do not forget to read, vote
or leave some comments for my improvement.
T H A N K Y O U!”
YOU ARE READING
Silent Cries (Completed✔️)
Fiction généraleFarah Cruz She is the happiness of others but she is not happy with herself. A lover and hater. Sometimes winner but loser. Should be motivated but hopeless. She's a woman not a girl. Written by: Miss Jaz